HINDI ko mapigilang ngumiti ng mapatunayan kong ako talaga ang Narie Garcia na nasa list. kukunin ko na lang ang pinagawang I.D.
"Miss Narie Garcia." tumayo na ako sa kinauupuan ko at nakangiting tinanggap ang mainit-init na I.D. ko galing sa machine. Nagmadali na akong bumaba mula sa third floor ng building na iyon.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at hinanap ang contact number ni ate. Kailangan kong ipaalam kay ate na ako talaga yung pumasa na iyon.
"Hello, ate?"
"Ohh bakit?"
"Ako talaga yung pumasa." sabi ko rito.
"Malamang niloloko lang naman kita. sineryoso mo naman." rinig kong ngumingisi ito.
"Baliw na 'to. Sige na nga ba-bye na uuwi na ako."
----
FIRST day of school nasa harap na ako ng building ng college of education. Bakit kaya wala pang tao rito? Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. 7:31 na ng umaga simula na ng klase pati mga professor wala pa? May natanaw akong mga estudyante na palabas ng gymnasium.
Ano kaba naman Narie! Napakamot na lang ako sa ulo ko. Monday nga pala ngayon malamang nag flag ceremony ang mga professor at students.
Tiningnan ko ang schedule ko para malaman kung saang room ang una kong subject. At nagmadali na akong pumunta roon. Naghanap ako ng upuan na hindi gawing harap at hindi rin gawing likod kundi gawing gitna ang gulo ko rin noh?
Tumingin ako sa bintana at tanaw ang asul na kalangitan ng may bigla na lang padabog na tumabi sa akin. Nilingon ko ito maganda ang simula ng araw ko at sana wag niyang sirain ito. Tanging ngiti ang sumalubong sa akin nang lingunin ko siya. Bad boy looks at hindi maitatanging may itsura ito.
Wala namang akong interes sa mga guwapo lalo na kung barumbado. Umiwas na lang ako ng tingin dito. As expected puro introduce yourself ang nangyari yung ibang mga professor nagbigay na agad ng assignment ang iba naman sabi magsearch kami tungkol sa mga subjects namin para may alam naman kami. Palabas na ako ng campus at ramdam kong may sumusunod sa akin. Nilingon ko ito. Tanging yung barumbado ang nakita kong nakasunod sa akin umiwas ito ng tingin sa akin. Tama siya si Oliver Alvaran natandaan ko na ang pangalan niya kasi maghapon din naman na kaming nagpapakilala sa mga professor.
Ano kaya ang trip nito? Tinuon ko nalang ang pansin ko sa daanan at nagmadaling at tumakbo. Ramdam kong tumatakbo na rin siya kay huminto ako sa pagtakbo at napalapit siya sa akin.
"Ano ba ang problema mo?" Bungad ko sa kaniya.
"Wala." matipid niyang sagot.
"Naku! bakit mo'ko sinusundan?" Tanong ko.
"At bakit naman kita susundan?" Pagbabalik tanong pa nito. Kunwari pa ito sinusundan naman niya talaga ako.
"Aba malay ko baka mamaya kidnapper ka."
"Bakit mayaman kaba para gawin ko iyon?" Tanong nito. Ibang klase talaga, aminado naman talaga akong halata sa bag ko na sa palengke lang ito bili at ang black shoes ko ay 150 lang. Pero ganon ba talaga kahalata iyon?
"Biro lang. Gusto ko lang sumabay sayo sa paglalakad, masama ba iyon?" Tanong nito.
"Hindi naman. Pero sana sumabay kana kanina pa hindi yung nasa likod lang kita." Nagsimula na ulit akong maglakad at sumabay lang siya sa akin.
Dumaan pa ang ilang mga araw. Palagi syang sumusunod sa'kin kapag lunch break, kaya halos palagi na kaming magkasabay kumain. Sa totoo lang halata namang mabait siya sa akin at may talino kasi tinutulungan niya ako sa mga lesson na hindi ko maintindihan. Lagi pa niya akong pinapayungan kapag maaraw o umuulan.
BINABASA MO ANG
Right Decisions
FantasyMeet Narie Garcia an archery player but an introvert person. Who made a wrong decision that changed her life and ended up in a dangerous situation. But because she is a good person her fairygodmother gave her another chance. To decide again and whe...