HINDI ko alam pero akala mong nag-aaway sila sa pamamagitan ng tingin.
"Ano kaba ni Narie?" Tanong ni Wencel.
"Bestfriend niya ako." Sabi ni Ramile.
Best friend? Kailan pa? Gusto kong matuwa dahil sa sinabi niya. Mayroon na akong kaibigan pero... napahawak ako sa aking sintido. Ano ba Narie.
"Tama na iyan." Suway ko sa kanila.
Mukha namang narinig nila ako dahil lumayo na sila sa isa't-isa. Pumasok na ako sa shower room para makapagpalit na rin. Buti na lang pala hindi ko nakalimutang dalhin ang shampoo ko. Gusto ko sanang kumanta habang naliligo kaso baka may makarinig sa akin at marindi lang sa boses ko.
Paglabas ko sa shower room suot ang itim na jogging pants at over size white t-shirt nakita ko si Wencel at iba pa nitong kasama. Mukhang seryoso na ito sa training. Halatang bihasa ito sa paglanggoy feeling ko tuloy swimmer siya.
Lumabas na ako at sumalubong sa akin si Ramile. Basa pa rin ang buhok nito nakaitim na short at white t-shirt.
"Ang tagal mo naman." Sabi nito sa akin.
"Ba-bakit sinabi ko b-bang hintayin mo'ko?" Nauutal kong sagot sa kaniya. Ano bang nangyayari sa akin at nauutal ako? Nagsimula na akong maglakad. At rinig ko ang yabag ng mga paa niya na sinundan niya ako.
"Narie, hintayin mo naman ako." Reklamo niya. Bakit ba nagrereklamo siya? Sa haba ng biyas niya kayang kaya niya akong abutan.
"Sabay na tayo," sabi nito ng maabutan ako sa paglalakad.
"Baka ma-kidnap ka pa diyan at walang makapansin sayo." Sabi ni Ramile na pinagtaka ko.
"Bakit hindi ako mapapansin kung ma-kidnap ako?" Tanong ko sa kaniya.
"Halata kasing hindi ka marunong sumigaw." Mahinang sabi nito at ngumisi.
Hindi ko siya masisisi kalmado lang kasi ako parati. Hindi, hindi pinapakita kong kalmado ako para wala ng magtanong kung okay ba ako o hindi.
Hindi ko namalayang nakarating na kami agad sa dormitory. Bakit parang pakiramdam ko gusto ko pa ng oras para makasama siya?
Pumasok na kami sa dormitory at umakyat na kami patungong third floor. Hinawakan niya ang ulo ko ng makarating na kami ng third floor. Na ikinagulat ko.
"Sige mauna na ako." Sabi nito at inialis na ang pagkakahawak sa ulo ko. Tumango na lamang ako kahit gulat na gulat ako sa ginawa niyang iyon. Tumungo na lamang ko sa room 304.
Ako ang huling reporter napaghandaan ko ang report ko pero hindi maalis sa akin ang kaba. Pumunta na ako sa harap ng klase tumingin ako sa kinaroroonan ni Ramile. Ngumiti siya sa akin ng mahuli niya akong nakatingin sa kaniya, napaiwas naman ako ng tingin.
"Good morning everyone I'm the last reporter for this da----"
"Go baby!" Napahinto ako sa sumigaw na iyon. Si Runel Fernando ang sumigaw na iyon. Madalas niya akong binabati sa umaga at palaging tinatanong tungkol sa archery life ko. Sa akin siya nakatingin ng sabihin niya iyon. Hindi maitatangging kuwela siya sa klase at may itsura rin. Ano ba ang trip nito?
"Go baby galingan mo!" Wika pa nitong muli. Nagsimula ang tuksuhan sa amin at kitang kita kay Prof. James Bautista na parang kinilig at gusto niya rin makisali sa pang-aasar sa buong klase.
Napatingin ako kay Ramile seryoso lang siya at hinihintay akong magreport. Kaya hindi ko pinansin ang mga tuksuhang iyon bagkus ay nagpanggap akong walang narinig at nagreport na.
It's our P.E. class and even we're athlete in this University Ramile and I are not exempted to this class.
"This is our first performance." Paunang salita ni sir James. Our topic is all about ballroom dancing. Hinawakan ko na agad ang noo ko dahil mukhang alam ko na ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
Right Decisions
FantasyMeet Narie Garcia an archery player but an introvert person. Who made a wrong decision that changed her life and ended up in a dangerous situation. But because she is a good person her fairygodmother gave her another chance. To decide again and whe...