Part 23

10 2 0
                                    

NARITO na ako sa bus papunta sa national tournament. Nakaupo na rin ako sa gusto kong puwesto, malapit sa bintana.

Si Ramile na lang ang hinihintay ng bus namin at aalis na kami. Nasaan na ba siya? Palagi na lang siyang nahuhuli.

Natanaw ko ang isang itim na kotse. Bumaba ang driver nakauniform pa ito. Binuksan nito ang pinto, at bumaba sa kotseng iyon si Ramile. Binabawal ng driver si Ramile na buhatin ang maleta nito. Nagthumbs up si Ramile at tinapiktapik nito ang balikat ng driver.

Mayaman ba si Ramile? May driver pa siya. Nagmadali ng lumapit si Ramile sa bus kaya iniba ko na ang direksyon ng aking paningin.

"Hanggang ngayon late pa rin." Puna ni Troy ng makasakay na si Ramile sa bus at pinalagay na nito ang kaniyang maleta sa compartment ng bus kaya nakabackpack na lang siya.

"Upo na Ramile." Sabi ni sir Nico. Lumingon lingon si Ramile kung saan ay may bakante pa.

Tumapat sa akin si Ramile. Napansin kong nakalapag ang bagpack ko sa bakanteng upuan sa tabi ko. Agad ko itong kinuha. Umupo si Ramile.

"Talagang iniligay mo ang bag mo sa upuan para may maupuan ako at para makatabi ako?" Tanong ni Ramile.

"Ang feeling mo naman." Sagot ko rito. Wala naman talaga akong ideya na makatabi si Ramile. Pero gusto ko siyang makatabi.

Napangisi si Ramile. Umandar na ang bus.

"Narie, dapat pala diyan ako sa may bintana para may masandalan ako." Sabi nito.

"Bakit may sandalan naman ang upuan, sa upuan ka sumandal ako ang nauna." Natatawa kong sabi rito.

Napatigil ako ng bigla niyang isandal ang kaniyang ulo sa aking balikat. Para akong natuod sa ginawa niya.

"Hindi komportable." Sabi ni Ramile. Umalis siya sa pagkakasandal sa balikat ko. Kinuha niya ang bagpack kong kandong at binaliktad ito patalikod at binalik sa akin. Kinuha niya ang unan niyang maliit sa kaniyang bag at binigay sa akin. Tinanggap ko na lang ito nang bigla niyang inihiga ang kaniyang ulo sa aking kandungan at ginawang unan ang aking bag.

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Ganito ako matutulog dahil ayaw mong makipagpalit sa tabi ng bintana. Ikaw na lang gumamit ng unan ko." Sabi nito habang nakapikit na ang kaniyang mata. Its already 4 o'clock in the morning.

Pinatay na ang ilaw sa loob ng bus umandar na rin ito pero dahil sa ilaw na mula sa bawat posteng nadadaanan ay na dadampian ng liwanag ang mukha ni Ramile.

Mabilis pa rin ang tibok ng aking puso. Dahil sayo hindi ko magawang makatulog. Halatang mahimbing na ang tulog ni Ramile. Hinawakan ko ang kaniyang buhok hinawi sapagkat tumatakip na ito sa kaniyang noo.

Kahit mabilis ang pagtibok ng aking puso may parte pa rin sa akin na ayoko ng matapos ang oras na ito o kung hindi naman ay kahit mas humaba pa ang oras na malapit ako sa kaniya.

I touch his nose and cheeks.

Ang himbing ng tulog nito.

"I love you." Mahina kong sabi. Kahit tulog siya at least nakaya kong sabihin dahil tulog naman ito. Hinawakan ko ang braso niya para in case na may biglang pagpreno ay hindi siya mahulog. Sinandal ko na ang aking ulo sa sandalan sa may upuan.

Dinilat ko ang aking mata at sumalubong ang mukha ni Ramile na pinipigilang matawa. Napayuko ako sa kaniya at inalalayan niya ang aking noo upang hindi magkadikit ang aming mga labi.

Kaagad ay sumandal ako at bumangon siya.

"Gusto mo ba ng kiss?" Tanong ni Ramile.

"Anong kiss?" Nagtataka kong tanong.

Right DecisionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon