Part 14

10 3 0
                                    

GINAWA muli namin ang footsteps habang magkahawak ng kamay. Napailing ako ng kaunti dahil parang may bumubulong sa akin na huwag ko ng huhugasan ang kamay ko.

Hinawakan niya ang kaliwa kong kamay at inikot ako.

"Ganon lang paulit-ulit lang." Sabi niya.

"Oo nga." Sagot ko habang iwas pa rin ang tingin Ramile.

"Sa susunod samahan na natin ng konting kembot." Dagdag pa ni Ramile. Huh? Patay tayo diyan.

"Tapos na ba tayong magpractice Ramile?" Tanong ko rito kasi gusto kong magtraining maabutan ko man ang team o hindi gusto kong magtraining.

Nakangiti siyang tumango. Tiningnan ko ang cellphone ko upang malaman ang oras. It's already 6:30pm may oras pa kahit jogging at exercise lang malaking tulong na dahil hindi dapat magpabakante sa pag-eensayo.

"Sige magtraining na muna ako." Paalam ko rito at tumakbo na papunta ng grandstand.

Wala akong talent at tanggap ko iyon pero hindi dahilan iyon para sumuko. Dadaanin ko na lang sa sipag.

Nakarating na ako ng grandstand. Nagwarm up muna ako at nagsimula ng tumakbo sa running track.

Bakit ko ba hindi inaya si Ramile? Nakakadalawang ikot na ako pero parang gusto na namang tumigil ng tuhod ko. Siguro kung kasama ko si Ramile makakaya ko kahit 20 laps pa. Pero syempre hindi naman sa lahat ng oras kasama ko siya.

"Narie!" Napahinto ako ng may tumawag sa akin at tumingin ako sa pinanggalingan ng boses.

Si Wencel Rivera ng swimming club. Ano naman kaya ang dahilan at tinawag niya ako? Nagmadali siyang lumapit sa akin.

"Gabi na nagte-training ka pa rin? Hindi ba kanina ang training niyo? Nakita ko sila Carlo kanina yung captain niyo." Sabi nito.

Ang dami naman niyang tanong...

"Oo kanina talaga ang training namin, hindi ako nakasabay sa team kanina kasi nagpractice kami sa ballroom." Sagot ko sa kaniya.

"Tatakbo rin ako. Sabayan na kita?" Tanong nito tumango lang ako at nagsimula na muling tumakbo sinundan niya ako at dahil mas matangkad siya sa akin madali niya akong naabutan. Kahit hindi ko siya tingnan naaaninag kong nakatingin siya sa'kin. Nagmadali ako para hindi niya ako tingnan pero tuwing binibilisan ko agad niya rin naman akong nahahabol.

Naka limang ikot lang ako sa oval at huminto na ako na hindi pinapansin si Wencel umupo muna ako sa damuhan sa soccer field. Ilang sandali lang nagsimula na akong magpush-ups, handstand at sit ups.

Pagkayaring magjogging umupo si Wencel malapit sa akin. Pero hindi ko lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pag-exercise. Tatlong routine lang at nagcool down na ako.

"Sige balik na ako sa dorm." Paalam ko kay Wencel at nagsimula ng maglakad palayo sa kaniya ng biglang hinawakan ni Wencel ang kamay ko kung kaya't napahinto ako sa paglalakad.

Kaagad kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Payag na akong maging girlfriend ka." Sabi ni Wencel na ikinagulat ko.

Akala ko pa naman gentleman hindi pala. Pinagpatuloy ko ang paglalakad palayo sa kaniya.






PAGPASOK ko sa dormitory nakita ko si Ramile. Nginitian ko agad siya pero ang tanging tugon niya ay malamig na tingin. Bigla na lamang may anong kurot akong naramdaman sa aking puso.

Hindi ko na lang siya pinansin at nilampasan na lang. Paakyat na ako ng third floor ng ramdam kong nakasunod siya sa akin.

"Gusto mo siguro yung Wencel na iyon ha'no?" Sabi ni Ramile. Teka nga anong sinasabi nito? Napalingon ako sa kaniya.

Right DecisionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon