Part 18

10 3 0
                                    

PASUNOD na sana ako sa kitchen para kumain ng dinner dahil naligo pa ako at pinauna ko na si Ramile ng bigla akong harangin sa daan ni Fericiana.

Dahil nakaharang siya sa dadaanan ko dumaan ako sa bakante pero hinarang pa rin niya ako hindi ko siya pinansin at iniwasan pa rin siya.

Hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso.

"Ano bang kailangan mo?" Seryosong tanong ko.

"Tandaan mo Narie ako pa rin ang mahal ni Ramile." Mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa braso ko kaya hinawakan ko ang kamay niya para matanggal ang pagkakahawak niya sa'kin pero wala pang limang segundo ay ibinalik niya ulit ang paghawak ng mahigpit sa braso ko.

"Wala naman akong pakialam kung ikaw ang mahal o hindi ni Ramile." Sabi ko rito.

"Alam kong may gusto ka sa kaniya kaya wag kang mahuhulog sa kaniya." Galit nitong sabi sa akin. Ganon na ba ako kahalata?

"Paano ka nakakasiguro?" Tanong ko sa kaniya ng buong tapang.

"Nakikita ko sa mata mo kung paano mo siya tingnan." Sagot nito.

"Saka mo sabihin sa akin iyan kapag ikaw yung tipo ng tao ang nakakabasa ng utak." Sabi ko rito at tinanggal ang kamay nito sa braso ko dahil unti-unti ng bumabaon ang mahaba niyang kuko sa braso ko.

Kaagad ay iniwasan ko na siya at sumunod na sa mga kateam ko para kumain ng hapunan.

Habang kumakain ng hapunan.

"Narie anong nangyari sa braso mo? Bakit namumula?" May pag-aalalang tanong ni Lyn.

"Ahh wala ito." Pag-iwas ko sa tanong nito.

Ano bang pumasok sa isip ni Fericiana? Kung siya naman pala ang mahal ni Ramile bakit kailangan pa niya akong sitahin? Kumikirot tuloy ang braso ko dahil sa bumaon niyang kuko kanina.

Second day of competition. 60 and 70 meters distance ang competition ngayon. Narito na kami sa venue tapos na kaming mag-assemble ng pana at tapos na rin kaming magwarm-up. Hinihintay na lang namin magsimula ang 3 ends warm-up.

Dumating na ang team WSU walang bago kahit noong nasa high school lagi rin kaming late sa mga tournament dahil mababagal kaming kumilos pero dahil gusto ni sir Nico maaga kami pabor naman sa akin kasi kapag nasobrahan sa late ang mga players puwedeng ma-disqualified.

Nag-aapura na silang mag-assemble ng pana. Kahit pa paano gising na gising ka kapag may halong kaba at pagmamadali ang iyong ginagawa. Hanggang ngayon hindi ako pinapansin ni Rachelle at Ervin. Iniwas ko na agad ang aking pagningin bago ko pa maalala ang pagkakaibigan namin. hindi kasi sila yung tipo ng taong makikipagplastikan, kapag ayaw nila sa isang tao hindi talaga nila ito papansinin.

"Your warm-up will start in 5 minutes." sabi ng official.

Nagsuot na ako ng chest guard, finger tab, bow sling at ng banggot.

Yumuko ako saglit para manalangin mayroong kaba sa aking puso. Lumingon ako sa paligid. Nasaan kaya si Ramile?

Nakita ko si Ramile na hawak ang scope at ngumiti sa akin. Kapag ngumingiti siya halata rito na walang halong pagpapanggap.  Madalas malungkot ang mata niya pero sigurado akong walang halong pagpapanggap ang kaniyang ngiti.

Naging magaan ang paglalaro ko sa 60 meters distance walang naging problema sa aking laro. Hindi gaya ng nasa past na puro problema at palagi kong kinukumbinsi ang sarili ko na huwag iiyak kahit anong mangyari.

Tinanaw ko si Ramile na nakatingin sa score board kita ko ang galak niya. Mabilis siyang pumunta sa akin pero tila naging mabagal ang oras. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa kaniya.

Right DecisionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon