Part 8

16 3 0
                                    

BUMALIK na sa normal ang kapaligiran. Nilasap ko ang sariwang hangin at tumingin sa kalangitan. Ngunit na baling ang paningin ko sa lalaking nagsasampay ng underwear sa bintana napaiwas ako ng tingin ng makita kong si Ramile ang nagsasampay. Ganon ba ako katagal maglakad para makapaglaba na agad siya?

Nagmadali na akong pumunta sa room namin. Naabutan kong tulog si Lyn at Jazmim

Inilapag ko na muna ang bagpack ko sa study table.

Kumuha ako ng damit pang palit at tuwalya pumasok na ako sa loob ng C.R. at nagshower. Nakakaginhawa talaga sa pakiramdam ang paligo. Lumabas na rin ako pagkayari kong maligo suot ang jogging pants at oversize t-shirt.

"Narie! Kumain na tayo ng hapunan!" Sabi ni Lyn. Gising na pala sila.

"Sabay sabay na tayong kumain." Nakangiting sabi ni Jazmin.

Ngumiti ako at tumango sa kanila. Sabay sabay kaming pumunta sa cafeteria

Nakita ko ang presyo ng mga pagkain sa cafeteria hindi ko pinakitang nalula ako sa mahal ng mga panindang ulam. Parang gusto ko nalang tuloy bumili ng kanin at magbukas ng isang delata ng sardinas na baon ko at doon nalang sa dorm kumain kaso hindi ko pa ganoong kakilala ang mga kasama ko sa room baka magalit sila kapag nag-amoy sardinas ang kuwarto.

Pinili ko ang adobong sitaw dahil iyon na ang pinaka mura. Samantalang si Lyn at Jazmin ay kumuha ng tig-dalawang ulam at puro mga karne pa ng manok at baka.

"Diet ka, Narie?" Tanong sa akin ni Jazmin at napatingin sa plato ko.

"Hindi naman, sadyang mahina lang talaga akong kumain kapag hapunan na." Pagdadahilan ko at halata namang naniwala sila sa sinabi ko.

Sabay sabay na kaming nag-abot ng bayad at umupo sa may bakanteng lamesa na pang-apatan.

Focus lang sa pagkain si Jazmin samantalang si Lyn tulala lang, tumingin ako sa kung saan nakatingin si Lyn at nakita ko ang tatlong lalaki na di kalayuan sa amin si Troy at Ramile iyon at ang isa nilang kasama ay hindi ko kilala pero pamilyar sa akin ang mukha ng lalaking iyon isa rin siya sa mga kumukuha ng medal sa competition.

"Lyn, lalamig ang pagkain mo." Sabi ni Jazmin pero tila walang narinig si Lyn at tuloy lang ang patingin sa tatlo.

Sa totoo lang hindi naman talaga maitatanggi ang taglay na kaguwapuhan ng tatlong lalaking iyon at iba't-iba ang dating. Si Troy halatang friendly na tao, matangkad, may matangos na ilong, may maganda pangangatawan at tisoy. Yung isang hindi ko naman kilala may pagka-misterious may pagka-half american ang itsura nito kaya namang iba ang pagkaputi in short maputla at salubong ang kilay, si Ramile naman... wala akong masyadong alam sa kaniya ang pagkakatanda ko lang nagsasampay siya ng underwear sa bintana. Pero hindi dahilan ang kaguwapuhan nila para tumulala si Lyn. 

Itinuon ko nalang ang pansin ko sa pagkain. Masarap ang pagkakaluto ng adobong sitaw kaya naubos ko agad ito.

Tiningnan ko na muna ang cellphone ko. Gaya ng inaasahan tadtad ako ng text message ni ate. Nagtatanong siya kung kamusta na ba ako at kung ano itsura ng kuwarto namin. Nagulat ako ng may maglapag ng isang basong tubig sa harap ko. Napatingin ako si Ramile iyon. At diretso lang sila sa paglalakad.

"Ayieee!" Pang-aasar ni Lyn.

"Wag mo siyang asarin, Lyn pareparehas lang naman tayong kinuhanan ng tubig ni Ramile." Sabi ni Jazmin. Napatingin ako sa mga basong nakatapat sa kanila. Nagsasabi nga siya ng totoo.

Mahimbing ng natutulog si Jazmim at Lyn. Samantalang ako nakahiga at nakatingin pa rin sa kisame. Hindi pa rin ako makapaniwalang babalik ako sa oras na tapos na. Dinampot ko ang cellphone ko sa left side ng higaan.

Right DecisionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon