Part 19

7 3 0
                                    

PAGKATAPOS ng olympic round namin ay sumunod naman ang olympic round ng mga lalaki. Si kuya Carlo ang nagbronze at fourth naman ay ang taga South State University. Hindi nakapasok ng semi finals si kuya Francis.

Si Ramile naman ang naggold at silver naman si Troy. Naging maganda ang laban nila dahil umabot sila ng shoot off. Sa tingin ko nahirapan si Ramile kalabanin ang matalik niyang kaibigan sa parteng iyon. Pero masaya ako para sa kaniya.

Ang susunod namang laban ay team event at mixed team. Ang team event ay binubuo ng tatlong manlalaro kaya may isang mababangko. Ngunit kapag nanalo ang isang team ay magkakaroon din ng medalya ang isa nilang kateam kahit hindi ito naglaro.

May tig-dalawang bala kada isang player sa team event. Kaya six arrow to shoot.

Ang maglalaro sa team event sa babae ay si Irine, Jazmin at ako. Naging basehan ng pagpili kung sino ang maglalaro sa aming final ranking.

Ako rin ang first shooter. Gusto ng team na ako ang maging last shooter pero pinilit kong ako na ang mauna. Hindi kasi ako sanay ng huli at pangalawa. Parati kasi akong first shooter mula noong high school dahil mabagal ako magshoot. Si Jazmin ang second shooter at ang last shooter naman ay si Irine dahil siya ang pinaka mabilis magshoot bagay siyang maging huli dahil kaya niyang pagkasiyahin ang konting segundo para makapagrelease ng dalawang arrow.

Hindi makakapaglaro ang team event ang West State University ng babae dahil kulang sila ng isang player. Sa past, sa unang laban namin natalo agad kami nila Allia at Rachelle. Ngayon naman hindi sila makakapaglaro ng team dahil kulang sila.

Semi finals na agad ang team event dahil maraming university ang kulang ng mga player at hindi makakapaglaro ng team event.

"Boys magready na kayo pagsasabayin na ang laban ng lalaki at babae." Sabi ni sir Nico. Kung kaya't gumayak na si Troy, kuya Carlo at Ramile na maglalaro sa team event.

"Darien and Lyn kayo ang magspot sa mga kateam niyo." Bilin ni sir Nico.

"Yes sir!" Sabi ni Lyn sabay saludo kay sir Nico. Tumango lang naman si Darien.

"Get ready archers in 5 minutes we will start the 3 ends warm-up for team event." Sabi ng announcer.

Ang una naming kalaban ay North State University.

"Sir pang-ilan po kami sa rank." Tanong ni Irine.

"First tayo sa women and men. Pero wag niyo pa rin mamaliitin ang mga makakalaban niyo." Bilin ni sir Nico.

Katulad sa olympic round may ranking din ang team event para masaayos ang bawat magkakabracket. Ang kainaman sa rank 1 ay kung sino ang pinaka nasa mababang rank ang mga makakalaban.

Nagsimula na ang score end. Nanalo kami sa unang set. Nakakuha kami ng 8+9+10+10+9+8=54 total score. Ang score ko ay 8 and 9. Si Irine naman ay 9 and 8. At si Jazmin ang nagdadala ng team namin dahil nakakuha siya ng 10 and 10 score.

2-6 ang naging score namin. Oo nakapuntos ang kalaban namin dahil sa 1 point. At ang team naman ni Ramile ay na-zero ang kalaban.

Kaya umabante na kami sa battle for gold. Ang kalaban namin ay ang South State University ang team nila Bianca Diamsay. At ang makakalaban naman nila Ramile ay North State University.








"Between East State University and North State University..." Ang bilis ng naging laban nila.

"East State University 6 points North State University 0. Win East State University men in team event."

Ang galing naman nila. Hindi nila pina-score ang kalaban.

"Basic." Sabi ni Troy sa amin habang papabalik ng shooting line at pinapagpag ang balikat niya.

Right DecisionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon