Jessel
"Ate? Ayos ka lang? Tulala kana naman."
Napatitig ako sa kapatid kong nasa tabi ko at sumasabay sa akin sa paglalakad. Bakit parang wala man lang problema itong kapatid ko? Parang wala siyang iniisip maliban sa mga assignments niya. Problemado na nga ako nung nasa ganyang edad ako.
"Wala ka bang problema?" Parang timang na tanong ko sa kanya.
Nandito kami ngayon sa palengke at sinasamahan si Mama. Kami ang taga-bitbit ng mga pinamili namin habang si Mama at taga-bili. Isa pa, tama si Saira. Wala ako sa sarili simula pa nung nakaraang araw. Dalawang araw na akong ganito dahil sa sinabi ni Mama sa akin.
"Gusto mong may problema ako? Grabe ka naman ate!"
Napangiwi nalang ako dahil ngayon ko lang narealize kung ano yung tinanong ko sa kanya. Para akong baliw na nakawala sa mental. Nakakaloka.
"Biro lang yun. Sineryoso mo naman." Sabi ko na lamang para mawala ang panunulis ng kanyang nguso.
"Pero bakit parang wala ka sa sarili ate? May problema ba?"
Nginitian ko lang siya saka ginulo ang kanyang buhok. "Walang problema si ate. May iniisip lang ako. Sundan mo nalang si Mama duon." Sabay turo kay Mama na namimili ng mga karne.
"Sige."
Halatang hindi kumbinsido ang kapatid ko sa sinabi ko pero pinili nalang niyang sundin ang inutos ko. Pinanood ko siyang puntahan si Mama at tulungan sa mga dapat bitbitin.
Simula nung sinabi yun ni Mama, hindi yun mawala-wala sa isip ko. Gusto kong itanong kung anong problema sa plantasyon nila Tita. Kung bakit at parang problemado talaga sila.
Ganun ba kalaki ang kailangang resolbahin ni Zack? Yung urgent ba na sinasabi niya ay tungkol sa plantasyon? Marami akong tanong sa kanya pero hindi ko naman yun magawa dahil alam kong busy siya. Kung ite-text ko naman, baka maka istorbo lang ako.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago sumunod sa kanila. Naisip ko yung biglang pagpunta ni Tita sa condo ko. May sinabi din siya tungkol sa plantasyon pero wala akong alam na ganito pala ang problema nila. Gaano kaya kalala ang nangyari?
"Susay! Ito na ba yung anak mong si Jessel?"
Nginitian ko lang ang tinderang kausap ni Mama. Suki kami dito sa tindahan niya dahil mura lang ang kanyang mga karne at maraming laman. Yung iba puro buto kasi at halos wala ka ng makain. Minsan binibigyan pa niya kami ng sobra dahil kilala naman raw niya kami.
"Oo, Berta. Ito na yung anak ko. Kakauwi lang nito nung isang araw at dito muna siya mamalagi."
"Aba, kay ganda naman itong anak mo. May nobyo kana ba hija?"
Nginitian ko ang ginang bago sumagot. "Nanliligaw palang po siya."
"Kay swerte naman niyang nanliligaw sayo. Sino ba yan?"
Napatikom ang bibig ko at wala sa sariling napatingin kay Mama. Hindi ko maibuka ang bibig ko para sabihin ang pangalan ni Zack. Hindi dahil sa ikinakahiya ko siya, kundi dahil natatakot ako sa kung anong sabihin ng iba sa amin.
"Kilala mo ba yung anak ni Madam Veronica, hija?"
Napalingon ulit ako sa tindera nang sabihin niya yun. Busy siya sa paghiwa ng mga karne na bibilhin namin.
"B-Bakit po?" Sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang akong kinabahan. Nakakapagtaka, hindi naman ako ganito dati kapag si Zack ang pinag-uusapan.
"Alam mo bang maraming kababaihan dito ang naghahangad na maging nobyo ang batang yun? Naku! Kung hindi lang yun mayaman, paniguradong babae na mismo ang manliligaw dun! Kaso alam mo na. Ang mahihirap ay para sa mahihirap lang. Ang mayayaman ay para sa mayayaman din. Kaya kung ako sayo, maghanap ka nalang ng lalaking perpekto sa antas mo."
BINABASA MO ANG
Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]
Romance-Be kind is my attitude. But how could I be kind if I met the man who have nothing to do but irritate me?- Zack Allego is the only son that his parents spoils him. He can get what he want in just a snap of his finger. He love teasing and irritate p...