CHAPTER 3

1.8K 64 0
                                    

Jessel

"Pasok na po ako Ma! Pa!"

"Mag-ingat ka anak! Bantayan mo yang kapatid mo."

Nakangiting tumango ako sa kanilang dalawa bago hinila si Saira patungo sa trycicle. Ten years ang agwat namin kaya nasa pre-school palang siya. Kailangan ko din siyang bantayan dahil baka mapano siya sa eskwelahan.

Nasa iisang eskwelahan lang naman kami pero magkalayo ang room namin. Malapit sa canteen sa kanila habang sa akin ay malayo. High school na kasi ako kaya nasa malayong parte ang room ko.

Minsan naman siyang inihahatid ni Mama patungo sa school pero dahil may trabaho siya, ako palagi ang kasama ni Saira. Medyo makulit ang batang 'to pero nakikinig naman sa akin kahit papaano. Kapag sinabi kong hindi siya lalabas ng kanyang room, hindi naman siya lumalabas. Unless nalang kung gusto talaga niyang maglaro.

"Sasama ka ba ulit kay Mama mamaya ate?" Inosenteng tanong ng aking kapatid na nakaupo sa tabi ko.

Napatingin ako sa kanya. "Bakit mo natanong?"

"Kasi parang napapadalas na ang pagsama mo kay Mama sa trabaho niya. Naiiwan tuloy ako sa bahay ng mag-isa." Nanulis ang kanyang nguso habang sinasabi yun.

Hinaplos ko ang kanyang ulo at hinalikan ito. "Kasi kailangang tumulong ni ate sa mansyon ng mga Allego. Tsaka, hindi ka naman nag-iisa sa bahay. Kasama mo naman si Papa at marami ka namang kalaro duon."

Ilang araw na kasi ang nakakalipas nang malaman ko na si 'none of your business' ay anak nila Tita at Tito. Ang totoong pangalan niya ay Zack Allego na parang narinig ko na sa kung saan pero hindi ko lang matandaan.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na siya ang anak ni Tita. Like, what the? Nuknukan ng bait si Tita at Tito pero ang anak nila ay ubod ng sungit at palaging nang-iinis. At ang malala, ako pa ang palaging pinagdidiskitahan!

Tuwing hapon, kapag uwian na sa school, bumabiyahe ako patungo sa mansyon ng mga Allego dahil iyon ang palaging bilin ni Mama. Yung iba kasing mga kasambahay ngayon ay lumuwas patungo sa kanilang probinsya habang ang iba ay nag resign.

Ayos lang naman ang trabaho duon. Malaki nga ang pasahod kaya napag-aral kaming dalawa ni Saira ng mga magulang namin. Kaya ako palaging nasa manyon dahil sa rason na yun.

"Nalulungkot lang kasi ako ate. Wala na akong kalaro sa bahay."

Sus! Nag e-emo naman itong kapatid ko.

Natawa ako sa aking isip at niyakap siya. "Wag kang mag-alala. Babawi si ate sayo at maglalaro tayo hangga't magsawa ka, ayos ba yun sayo?"

Ngumiti siya ng pagkalawak-lawak at tumango. "Opo ate! Gustong-gusto ko po yun!"

Pinisil ko ang kanyang pisngi bago pumirmi sa kinauupuan ko. Hindi malayo ang eskwelahan namin kaya nakarating agad kami. Binigay ko muna sa driver ang pamasahe naming dalawa bago bumaba ng trycicle.

"Jessel!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na yun. Agad akong napangiti nang makita kung sino ito.

"David! Tagal na nating di nagkita ah?" Saad ko at pabiro siyang sinuntok sa braso nang makalapit siya.

Tiningnan niya ang kapatid ko at kumaway dito. Ngumiti lang ang huli at hindi na nagsalita. Medyo mahiyain kasi sa ibang tao si Saira.

"Busy sa mga programs sa susunod na linggo. Alam mo na, Intramurals." Sagot niya sa akin.

Bahagya akong napangiwi. "Oo nga pala. Muntik ko na yung makalimutan. May balak ka bang sumali ng basketball?"

Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon