CHAPTER 8

1.5K 72 0
                                    

Jessel

"Holy Mother of God!"

Napabalikwas ako ng tayo nang marinig ang napakapamilyar na boses na yun. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Tita kasama si Tito at Mama habang nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.

Wala sa sariling tiningnan ko ang sarili ko at lihim nalang akong napamura. Tumalikod ako at inayos ang pagkakasuot ng coat ni Zack dahil halos lumuwa na ang dibdib ko. In all fairness, mabango parin ang coat.

"Anong ibig sabihin nito?"

Napangiwi akong humarap sa kanila lalo na kay Mama na bakas ang disappointment sa mukha. Pasimple kong sinipa sa paa si Zack na pinapanood lang kami.

"M-Ma, magpapaliwanag ako. Kung ano man yung iniisip mo, mali yun." Mabilis kong saad bago pandilatan ng mata si Zack na inirapan lang ako.

"Oh my god. I felt so dizzy." Mahinang saad ni Tita na agad dinaluhan ni Tito.

"Paano mo ipapaliwanag yung nakakandong ka sa kanya habang nakahubad aber?! Alam mo bang buong magdamag kaming naghahanap sa inyo tapos nandito lang pala kayo?"

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi dahil sa sermon ni Mama. Napatingin naman ako kay Tito na makahulugang nakatingin sa kanyang anak. Para bang nag-uusap sila sa pamamagitan ng tingin.

"Ma—"

"Malaki kana Jessel. Sana inisip mo naman na may nag-aalala sayong Ina nung hindi ka makita." Seryosong saad ni Mama habang umiling-iling bago tuluyang lumabas ng kubo.

Ngayon ko lang din napansin na nagsisimula ng lumiwanag sa labas. Hala, paano ko nasikmurang hindi kumain ng hapunan? O mas tamang sabihin na paano namin nasikmura ni Zack?

Speaking of Zack. Malakas ko siyang siniko sa tagiliran dahilan kung bakit siya napadaing. Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi ako nagpatalo, triple ang binigay ko sa kanyang masamang tingin.

"Let's talk about this in the mansion. While you, Zack, marami kang ipapaliwanag sa akin." Huling saad ni Tita bago lumabas ng kubo.

Napabuntong hininga naman si Tito bago sumunod kay Tita. Nang mawala sila sa paningin ko ay saka ko hinarap si Zack na ngayon ay nakabihis na.

"Bakit hindi mo ako ginising?!" Pabulong na bulyaw ko sa kanya dahil baka marinig kami sa labas.

"Ah, so kasalanan ko pa? Nakatulog din ako, okay? I have a jet lag so I need to rest. Imbes na sermunan mo ako, magpasalamat ka nalang."

Pinigilan kong tumili sa kanyang sinabi. "Salamat."

"Tss. Labas sa ilong." Reklamo pa niya.

Inambahan ko siya ng suntok pero binaba ko nalang. Nakalimutan kong pumapatol dito pala siya sa babae.

"Mamaya na ako magpapasalamat sayo kung tatanggapin nila ang eksplenasyon natin. Seriously? Nakakandong habang nag bo-bondy heat?" Inirapan ko siya ng bonggang-bongga bago tumalikod at lumabas ng kubo.

"Tss. Nagrereklamo pa pero nagustuhan naman."

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Narinig ko siyang bumulong pero hindi ko maintindihan kung ano ito.

"May sinasabi ka?"

"Sabi ko, ang liit parin ng boobs mo." Tuwang-tuwa niyang sabi na para bang hindi siya mabubuhay kapag hindi niya yun sasabihin sa akin.

Balak ko na sanang takbuhin ang pagitan namin para sapakin siya nang tinawag na kami ni Tita. I just raised my middle finger to him ang smirk. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero bahala na siya sa buhay niya.

Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon