CHAPTER 5

1.6K 60 0
                                    

Jessel

"Bilisan mo Jessel! Ang bagal mo naman!"

Inirapan ko lang si Blaice at maingat na naglakad pababa. Patungo kami ngayon sa Ilog tangis dahil naisipan niyang mamasyal duon. Medyo mabato ang daan at madulas. Kaya kailangang maging maingat dahil posible kang bumulusok pababa patungo sa mga batong nakahilera.

Ilang taon na din ang nakakalipas nang maka graduate na kami ng college. Sa ngayon, wala pa akong nakukuhang trabaho dahil kailangan kong tumulong sa bahay lalo na kay Tatay na may sakit sa baga. Hindi siya dapat napapagod kaya hindi na siya nakakapagtrabaho sa Rancho.

Nasa fourth years high school naman ngayon ang kapatid ko na nagpupursige na mag-aral. Habang ako ay nagtatrabaho pansamantala sa mansyon ng mga Allego kasama si Nanay.

Ilang taon na din ang nakakalipas pero hindi ko na siya muling nakita. Mabuti na nga na hindi ko na siya nakikita. Wala ng nang-iinis at nantitrip sa akin.

"May dala ka bang swimsuit?" Tanong pa ni Blaice nang tuluyan akong makababa.

Nagtatakang tiningnan ko siya. "Wala naman akong balak na mag swimsuit kaya hindi ako nagdala. Bakit mo natanong?"

"Ay! Akala ko pa naman nagdala ka. Para pareho tayo."

Napangiwi ako. "Wag ako Blaice. Nasa Ilog tayo tapos mag swi-swimsuit? Aware ka bang may kasama tayong mga lalaki?"

Napakamot siya sa kanyang batok. "Kailangan ba nasa dagat tayo para mag suot ng swimsuit? Pwede namang sa Ilog din ah? Tsaka," bigla nalang siyang ngumisi. "para maglaway sa atin yung mga boys."

Inirapan ko nalang siya na tinugon lang niya ng malakas na tawa. Sabay kaming naglakad patungo sa pinakamalapit na cottage.

Marami kaming kasama na pumunta dito dahil halos lahat ng classmate namin ay sumama. Kabilang na duon si David kaya siguro ganun nalang kung magsalita si Blaice. Parang mas lalo yata siyang naging patay na patay kay David.

Masasabi kong maraming nagbago sa loob ng mahabang panahon. Hindi na ako kagaya dati na kilala nila. Well siyempre, mabait pa din naman ako pero sa mga tao lang na mabait sa akin. Nagmumura na din ako minsan kapag hindi ko mapigilan. Nagiging mataray at maldita sa nga taong nanghahamon ng away.

"Hindi ka pa ba maliligo?"

Napatigil ako sa malalim na pag-iisip nang sumingit si Helbert sa tabi ko. Isa sa mga classmates ko na kinababaliwan ng lahat. In short, gwapo siya.

Ngumiti ako sa kanya at umiling. "Mamaya nalang siguro. Ikaw? Hindi ka pa ba maliligo?"

Umiling din siya. "Nag-eenjoy pa akong panoorin sila."

Tumango nalang ako bago inayos ang mga gamit namin sa lamesa. Maraming nagdala ng pagkain kaya sure akong hindi sila magugutom. May ibang nagdala ng soft drinks at iilang mga can beer.

Private Property kasi itong Ilog tangis dahil nabili na nila Tita ang parteng ito. May pahintulot naman ako galing sa kanila kaya pinayagan ako. Basta maging malinis lang daw kami at hindi magkakalat sa kung saan.

"Jessel halika na!" Sigaw ni Blaice na naka black swuimsuit na kita ang pusod. Mukhang tinotoo talaga niya ng sinabi kanina dahil pinagtitinginan na siya ng mga kaklase naming lalaki. Wala namang pake ang ibang mga babae dahil siyempre, naka swimsuit din naman sila.

"Mamaya na. Hindi ko pa trip maligo." Sagot ko bago naupo sa isang malaking bato malapit sa Ilog.

Winisikan niya ako ng tubig kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ang kj mo naman. Mababasa ka lang rin naman tapos mamaya ka pa maliligo? Tara na!" Pagpupumilit pa niya sa akin.

Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon