Jessel
"Bakit nakabusangot yang mukha mo anak?"
Magkasalubong parin ang mga kilay ko nang itanong yun ni Mama sa akin. Simula kasi kanina wala na ako sa mood dahil sa lalaking yun. Nagpahiya na nga ako sa loob tapos mamanyakin pa niya ako? Kapal! Gwapo nga pero ang sama naman ng ugali.
"Naiinis lang po ako Ma." Sagot ko nalang para matigil siya sa kakatanong.
Madilim na sa labas at kanina pa rin tapos ang party pero may mangilan-ngilan parin ang nandito. Siguro mga malalapit sa Allego ang naiwan dito.
Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga kasabay ng pagtapik niya sa ulo ko dahilan kung bakit ako tumingin sa kanya.
"Wag mo ng isipin ang nangyari kanina. Kahit hindi maganda ang sinasabi nila sayo, wag ka paring magtanim ng galit diyan sa puso mo. Palagi mong isipin anak. Ang may mabuting puso.."
"..at magandang kalooban ay may magandang kinabukasan. Alam ko na po yun Ma. Palagi niyo pong sinasabi yun sa akin." Putol ko sa sasabihin ni Mama.
Ito ang gusto ko sa kanya. Matapang si Mama at parang balewala lang sa kanya ang masasakit na salita ng iba. Sabi naman kasi niya ay alam naman niya ang katotohanan kaya dapat hindi siya maapektuhan. Dahil kapag naapektuhan siya, para na din niyang inamin sa sarili na totoo ang sinasabi ng iba.
Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko. "Mabuti naman at palagi mo yung naalala. Kahit kailan ay wag kang gagawa ng masama."
"Opo Ma."
Matapos ang usapang yung ay pinagpatuloy na namin ang pagligpit ng mga gamit. Sinabi kanina sa akin ni Mama na ginawan na ng paraan ni maam Veronica ang maliit na gulo na nagawa ko. Si maam Veronica din yung babaeng pumasok sa kusina kanina na napag-alaman kong may-ari ng Rancho. Ibig sabihin siya yung amo ni Mama.
Maraming kailangan dapat tapusin kaya matagal kaming natapos. Mabuti nalang at marami ding kasambahay dito kaya kahit papaano ay natapos namin ang trabaho bago pa lumalim ang gabi.
"Ma, may cr ba dito?" Tanong ko kay Mama nang hindi ko na mapigilan ang tawag ng kalikasan.
"Duon ka dumaan sa likod. Nanduon ang banyo para sa mga kasambahay." Turo niya sa likod na bahagi ng kusina.
Nagmadali naman akong tumakbo patungo duon dahil hindi ko na talaga mapigilan ito. Nang mahanap ko ang banyo ay agad akong pumasok dito at umihi. Nang matapos ay flinush ko muna ito saka inayos ang pang-ibaba kong suot at lumabas.
Balak ko na sanang umalis nang makarinig ng hindi kaaya-ayang tunog. Minsan ko na itong naririnig kapag nanonood kami ng mga kaibigan ko ng 'Wrong turn'. Wala yatang SPG sa movie na yun.
"I-Imposible naman siguro." Kumibinsi ko sa aking sarili bago humakbang.
Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay mas lalong lumakas ang ingay hanggang sa luminaw ito sa pandinig ko.
"Ohh Zack."
Napatakip ako sa aking bibig nang marinig ang boses na yun. Para iyong sinasabi nilang ungol. P-Pero diba kapag may ginagawa lang sila na pangmatanda kaya sila nakakabuo ng hindi kaaya-ayang tunog na ganun?
Pero bakit parang hindi? Dahil mula dito sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang dalawang tao. Salamat nalang sa liwanag ng buwan kaya napagmasdan ko ang mukha ng lalaki dahilan para manlaki ang mata ko.
Siya yun! Siya ang lalaki na yun na nilait ang boobs ko! Siya yung kinaiinisan ko! Siya yung si none of your business! May kababalaghang ginagawa kasama yung babaeng nakayapos sa kanya.
BINABASA MO ANG
Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]
Romance-Be kind is my attitude. But how could I be kind if I met the man who have nothing to do but irritate me?- Zack Allego is the only son that his parents spoils him. He can get what he want in just a snap of his finger. He love teasing and irritate p...