CHAPTER 14

1.3K 47 0
                                    

Jessel

Tangina. Ito na naman yung kinatatakutan ko. Bakit ba kailangang may gabi? Hindi ba pwedeng umaga nalang palagi? At bakit ba mas nakakatakot tuwing gabi kaysa sa umaga? Dahil walang makita kung walang ilaw? Punyemas. Kung sana pwedeng kumuha agad ng apartment kahit yung mura lang, matagal ko ng ginawa. Kaso, wala nga akong pera pangkain, pangrenta pa kaya? Umaasa nga lang ako kay Zack na palagi akong nililibre.

"You okay?" Tanong ni Zack na siyang nagmamaneho patungo sa condominium.

Kahit kinakabahan ay tumango nalang ako. "O-Oo. Okay lang naman ako. Bakit naman hindi ako magiging okay?" Binuntunan ko pa iyon ng nakakailang na tawa.

Panay lang ang tingin ko sa labas ng bintana at pinapanood ang bawat building na nilalagpasan namin. Mga naglalakihang billboards kung saan ang litrato ng mga artistang halos makita na ang hindi dapat makita.

Napangiwi nalang ako sa isiping yun. Bakit pa kailangang i-billboard ang mga ganitong litrato? Para sa pera? Sa kasikatan? Kaya ang daming manyak sa mundo eh.

"Because you look tense. May nangyari ba?" Tanong niya muli nang mag red ang traffic light.

Mabilis akong umiling. "Wag mo nalang akong pansinin. Wala namang nangyari." Ang tanging nasabi ko sa kanya nang hindi parin tumitingin sa gawi niya.

Isang mabigat lang na buntong hininga ang narinig ko galing sa kanya bago niya paandarin ang kanyang kotse. Ayokong sabihin sa kanya na kinakabahan ako dahil baka maulit ang nangyari nung nakaraang gabi. Oo, naniwala akong wala ngang namatay duon sa condo unit ko. Pero ano naman yung lagabog na naririnig ko?

Mabilis kong ipinilig ang ulo ko para mawala yun sa isip ko. Hindi nakakatulong ang maraming tanong. Mas lalo lamang akong natatakot.

"Dadaan muna tayo sa restaurant para kumain. Parang hindi ka talaga maayos. You look pale." Puna pa ni Zack sa akin.

Nilingon ko siya at nginitian ng tipid. "Ayos lang talaga ako. Siguro gutom lang."

"That's what I though too." Sagot niya na tinanguan ko lang.

Nakakapanibago kasi ngayon si Zack. I mean, usually palagi kaming nag-aaway sa maliit na dahilan o hindi pagkasunduan. But now? Parang iniintindi niya ako at mukhang nasa good mood siya. Hindi niya ako inaasar at mahinahon kong magsalita siya. At isa pa, wala din naman ako sa mood makipagtalo sa kanya. Pagod na pagod ako sa trabaho at kailangan kong magpahinga. Ang problema nga lang ay mamaya.

Nang mai-park niya ang kanyang kotse sa Asian cuisine ay nauna na akong lumabas sa kanya. Kaso nga lang ay napangiwi ako dahil sa sakit ng talampakan ko.

"Aray ko." Napapangiwi kong saad bago pilit na inaabot ang paa ko para masahiin.

"Let's go—hey, what's wrong?"

Inginuso ko sa kanya ang paa kong minamasahe ko nang makita niya ako. "Masakit yung paa ko. Bwesit kasi na panot na yun. Palagi akong pinabalik-balik sa iba't ibang Department."

Imbes na bigyang pansin ang sinabi ko lalo na sa pagtawag ko ng panot sa Director ng finance Department ay nilapitan niya ako at inangat ang isa kong paa. Mabilis tuloy akong napakapit sa kanyang kotse dahil muntik na akong mabuwal sa pagkakatayo.

"Aray, dahan-dahan naman! Nakita mo ng nasasaktan yung tao eh!" Reklamo ko sa kanya.

"Tsk."

Pinanood ko lang ang ginawa niya sa aking paa dahil mahirap na, baka bigla nalang niya itong baliin para hindi ako makalagad. Pero mali ako ng akala dahil sobrang gaan ng kanyang kamay habang minamasahe ang talampakan ko.

Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon