CHAPTER 13

1.3K 55 0
                                    

Jessel

"Hi. Ikaw ba yung bagong assistant ng director of finance department?"

Napaangat ang tingin ko nang may nagsalita sa harapan ko. Bahagya akong nagulat nang makitang isa ito sa empleyado ng kompanya base na din sa uniporme nito. Nandito kasi ako sa canteen at kumakain ng lunch dahil kanina pa ako nagugutom. Nakalimutan kong kaunti lang pala ang kinain ko kaninang agahan.

Nakangiting tumango ako sa babaeng nagtanong sa akin na sa tansya ko ay kaedaran ko lang. Wala siyang kasama at mukhang kakain na din siya dahil may dala siyang tray.

"Pwedeng makiupo?" Tanong pa niya muli.

"Sure. Pwede naman. Hindi ko naman yan pagmamay-ari." Natatawang saad ko habang iminumuwestra ang kamay sa kaharap na upuan ko.

"Your funny. By the way, I'm Sheena Cordova. Ang you are?" Aniya sabay lahad ng kanyang kamay na agad ko namang tinaggap.

"Jessel Mae Colecha. Nice to meet you Sheena."

"Likewise." Sagot niya sabay baba ng mga kamay namin.

Sheena looks kind at mukhang approachable ang babaeng 'to. Siya pa naman kasi ang kauna-unahang empleyado na nakipagkikilala sa akin ngayong umaga. Hindi kaya natakot sila sa mukha kong mukhang Zombie? Pero siniguro ko namang hindi nila yun mahahalata.

"Kamusta naman ang unang trabaho mo?" Panimula niyang tanong nang magsimula na din kaming kumain.

Ay, wow. Feeling fc.

Gusto ko sanang sabihin yung nasa isip ko pero hindi nalang. Ganito naman talaga kapag nakikipagkaibigan diba? Nag fe-feeling fc at kinakapalan ang feslak.

"Ayos lang naman. Medyo mahirap pero nasanay na din ako habang tumatagal. Marami nga lang papeles ang kailangang ihatid sa iba't ibang floor." Kwento ko sa kanya habang napapangiwi.

Hindi pa naman ako sanay na magsuot ng may takong kaya ang kinalabasan, marami na yata akong paltos sa paa ko. Kailangan talaga pabalik-balik sa iba't ibang department para kunin ang mga report at para ma-encode ito.

Sa totoo lang, madali lang naman ang trabaho ko kaya sobrang saya nung panot na director ng finance department dahil ang bilis ko daw matuto. Good choice daw si Zack—este si boss pala. Nakalimutan kong nasa kompanya pala kami.

Mahina siyang natawa dahilan kung bakit ako napatingin sa kanya. "Ganyan talaga kapag unang trabaho. Gusto nilang makita kung hanggang saan ang kaya mo kaya hangga't maari, tatambakan ka nila ng trabaho. Ganyan din ako nung unang araw ko dito."

Bahagya akong napangiwi sa kanyang sinabi. "Kaya naman pala hindi maubos-ubos yung mga papeles na pinapahatid sa akin nung pano—este nung Director ng finance department. Kaloka. Required talaga yun?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya na tinugon lang ako ng malakas na tawa.

"Maybe yes," sagot niya nang matapos siyang tumawa. "siguro lahat naman ng kompanya ginagawa yun. It's not that they don't trust your capacity but they want to witness you capability of doing it. Ngayon lang naman yan. Bukas kokonti nalang ang trabaho mo."

Napatango-tango ako sa kanyang sinabi at balak na sanang magsalita nang may magsidatingan na ka co-employee ko. May isang bakla, dalawang babae at isang lalaki. Mukhang mga kaibigan ito ni Sheena dahil agad itong nakipagkawayan sa kanya.

"Hi. You must be Jessel." Sabi ng lalaki na tumabi pa mismo sa akin. Sa kabila kasi ay tumabi sa akin ang babae.

Naiilang na ngumiti ako. Kay gwapo namang nilalang itong nasa harapan ko ngayon. Ang kinis ng mukha. Nahiya yata yung mga pimple na tumubo sa mukha niya. Kay tangos din ng ilong at kay pula ng labi.

Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon