CHAPTER 4

1.6K 59 0
                                    

Jessel

"Grabe ang lupit mo talaga!"

Tanging buntong hininga nalang ang nagawa ko dahil kay Blaice. Ilang ulit na niya yata yung nasabi ngayong umaga pero hindi parin maka move on. Kahapon lang nangyari ang sernaryong yun pero sariwang-sariwa parin ito sa isipan ni Blaice at pati narin sa ibang mga estudyante.

Muntik pa akong ma guidance office dahil sa ginawa ko pero salamat kay David na tinulungan ako kung kaya't hindi natuloy. Hindi ko alam kong ano ang ginawa niya para hindi matuloy, pero kahit ano pa yun, malaki ang pasasalamat ko sa kanya.

Sa bagay, sino ba naman kasi ang maglalakas ng loob na kalabanin ang anak ng may-ari ng eskwelahan namin? Siyempre ako lang! Ang hilig kasing mang-inis ng lalaking yun pero halatang pikon. Ayos lang sana kung wala siyang ibang ginawa pero siya pa ang dahilan kung bakit wala kaming pananghalian nun ni Saira! Buti nalang at nilibre ako ni David.

"Parang awa mo na, Blaice. Tumigil kana please lang. Kanina pa ako nagsasawa diyan sa sinasabi mo. Hindi ako makapag fucos sa pag study." Lakas loob kong suway sa kanya dahil walang pumapasok sa isip ko sa sobrang ingay niya.

"Naman eh! Ang cool mo lang kasi kahapon. First time kong narinig na nagmura ka. Pero siyempre, mali parin yung ginawa mo."

Napabuntong hininga ako at itinigil na ang pagbabasa sa notes ko. Tuluyan ko ng hinarap si Blaice na nakapalumbabang nakatingin sa akin.

"Masisisi mo ba ako? Siya yung nauna sa aming dalawa. Alam mong nananahimik lang ako tapos iinisin niya lang ako ng ganun? Aba, Kailangan ko ding ipagtanggol yung sarili ko. Mali man yung sinagot-sagot ko siya pero mas mali parin ang kanyang ginawa. Hindi porke't anak siya ng may-ari ng school namin ay mag fe-feeling boss na siya." Paasik kong sagot sa kanya.

Mabuti nalang at walang binanggit si Saira tungkol sa nangyari kahapon. Dahil kapag nagkataon na meron, malalagot ako kay Mama. Ipinaliwanag ko naman sa kapatid ko ang dahilan na naiintindihan naman daw niya. Laking pasasalamat ko nga na hindi nagtagpo ang landas namin nung Zack na yun sa mansyon.

"Kahit na Jessel. Paano nalang kung pina-expell ka nung Zack na yun? Ano nalang mangyayari sayo? Alam mo namang malayo ang ibang paaralan dito sa lugar natin."

Hindi agad ako nakasagot sa kanyang sinabi. May punto naman kasi siya pero kasi, hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na hindi patulan yung lalaking yun. Ngumingisi palang siya naiinis na ako!

"P-Pero hindi naman niya ginawa diba? Hindi niya ako pina-expell kaya wag ka ng mag-alala. Kung gusto niyang mang-trip, pwede namang hindi ako diba? Nakakagigil lang na ako ang palagi niyang pinagdidiskitahan." Kibit balikat kong sabi kahit medyo kinakabahan.

Paano kung ginawa nga niya? Paano kong pina-expell niya ako dito sa school? Paniguradong madi-disappoint si Mama at Papa kapag nagkataon. Pero hindi naman ko magpapatalo. Dapat marunong din siyang tumingin kung ano ang nagawa niyang mali sa akin.

"Hay naku, ang tigas ng ulo mo. Alam mo ba yung kasabihan na the more you hate the more you love?"

Napangiwi ako at umaktong kinilabutan sa kanyang sinabi. "Wag ka ngang magbiro ng ganyan. Sa kanya? Maiin-love ako? Hah! Never in my life! Kinaiinisan, oo. Pero mahal? Imposibleng mangyari yun."

Inirapan niya ako. "Hindi mo ba nakita kung gaano siya ka gwapo? Siguradong sa loob ng kanyang mamahaling suot ay ang katawan niyang mala Adonis sa sobrang ganda. Ang kanyang tindig na lalaking-lalaki at ang boses niyang kay sarap pakinggan. Ang mga mata niyang kay lalim at mga labing sarap halikan—ARAY!"

Malakas ko siyang binatukan dahil sa kanyang pinagsasasabi. Nag daydreaming na naman ang babaita. Kung ano-ano nalang ang sinasabi na hindi ko maintindihan.

Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon