CHAPTER 15

1.4K 51 0
                                    

Jessel

"Hoy, nakikinig ka ba?"

Pagod kong tiningnan si Sic na siyang pumukaw sa naglalakbay kong diwa sa kabilang mundo. Nakaupo siya sa harapan ko at hindi ko alam kung bakit siya napunta dito. Bakit nga ba? Parang wala man lang akong naalala na lumapit siya sa akin. Nakakapagtaka din na nandito si Sheena, Tara at Ryiel. May hindi ba ako alam?

"Huh? Anong sinasabi mo?" Puno ng pagtataka ang boses ko.

Sinamaan niya ako ng tingin at kulang nalang ay batukan ako. "Kaimbyerna ka 'te! Kanina pa ako nagkukwento dito pero hindi ka pala nakikinig?! Aba, hustisya naman diyan!"

"Sino ba may sabing magkwento ka?" Pabalang kong sagot dahilan kung bakit natawa silang lahat maliban kay Sic na ang sama ng tingin sa akin. "joke." Dagdag ko sabay peace sign.

"Ano ba kasing nangyari sayo? Ilang araw ka ng wala sa sarili." Puna ni Ryiel sa akin nang matapos siyang tumawa.

Parang bumalik lahat sa isip ko ang dahilan kung bakit ako wala sa sarili. Apat na araw na ang nakakalipas at hindi parin kami nagkakausap. Nagkikita man kami pero palaging ako ang umiiwas. Apat na araw na din akong walang maayos na tulog dahil sa lagabog na palagi kong naririnig sa condo. But still, hindi ko naman kinakalimutan ang pabor sa akin ni Tita na bantayan ang anak niya.

Kung noon ay sabay kaming pumapasok, ngayon ay hindi na. Sinasadya kong mas maaga sa kanya para hindi ko siya maabutan na lumabas sa kanyang condo. Ito naman ang tama diba? Dahil hindi naman magandang tingnan na ang assistant ng Director ng finance Department ay sumasabay sa boss ng kompanya. Baka iba ang isipin ng mga taong makakakita sa amin.

Isa pa namang sikat na pinakabatang businessman si Zack. Ayoko ng dahil sa akin ay masira ang pangalan niya. Pabor din sa akin itong ginagawa ko. Dahil hindi ko maintindihan kung bakit palaging naghaharumentado ang puso ko kapag malapit siya. Hindi ako tanga para hindi yun malaman. Kaya hangga't maaga pa, kailangan ko na 'tong pigilan.

"Kulang lang ako sa tulog." Simpleng sagot ko sa tanong ni Ryiel bago inubos ang natitirang pagkain.

Naging daily routine na namin ito araw-araw. Sabay kaming kumakain tuwing lunch dito sa canteen.

"Siya nga pala Jessel, kamusta na yung pag-uusap niyo ni Sir nung unang beses mong magtrabaho dito? Pinagalitan ka ba?" Singit ni Sheena.

Kumunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi kapagkuwan ay napatango-tango ng marealize ang ibig niyang sabihin. Yun yung araw na nadatnan kong namutla ang sekretarya ni Zack at nahimatay. Ano na kayang nangyari sa kanya?

"Pinagalitan ka ba ng bonggang-bongga?" Dagdag pa ni Sic na mukhang nakarecover na sa pang-aasar ko kanina.

"Wala naman siyang ginawang masama sayo diba?" Seryoso pang tanong ni Ryiel.

Kulang nalang ay magtanong din si Tara sa akin, kaso nga lang ay hindi siya palasalita at naiintindihan ko yun.

But wait, bakit ganito ang mga tanong nila sa akin? Kumunot tuloy ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang ibig nilang sabihin.

"Kailangan ba akong pagalitan ni Za—este, ni boss? At bakit naman niya ako gagawan ng masama? May sinabi lang naman siya sa akin tungkol sa trabaho." Saad ko kahit hindi totoo ang huli kong sinabi.

Alangan namang sabihin ko sa kanila ang totoo? Aba'y napakalaki niyang eskandalo.

Mas lalo naman akong nagtaka na para bang nakahinga sila ng maluwag sa sinabi ko. Para kasi silang kinakabahan kanina sa kung ano man ang sabihin ko. Bakit parang ako lang ang walang alam sa nangyayari?

Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon