CHAPTER 11

1.4K 54 0
                                    

Jessel

"This will be your room, while this one is mine." Saad ni Zack habang iminumuwestra ang kamay sa magiging kwarto ko at kwarto niya.

Dalawang room lang daw ang meron sa floor na 'to dahil isa itong exclusive suit. So, ibig sabihin malaki ang biniling condo sa akin ni Tita? Grabe, ang sosyal naman pala.

Magkatapat lang ang room namin pero magkaiba ang kulay ng pinto. Sa kanya black habang sa akin ay brown. Siyam na oras ang naging biyahe namin kaya hapon na kami nang makarating dito. Nakapag lunch naman kami at gusto ko nalang gawin ngayon ay matulog dahil parang pagod parin ako sa biyahe kahit siya naman yung nag drive.

Mahaba naman ang tulog ko sa buong biyahe pero feel ko parin matulog. Sulitin ko nalang ang araw na 'to dahil bukas trabaho ko na.

"Okay. Akin na yung key card." Sabi ko sabay lahad ng kamay para ibigay niya sa akin ang key card.

Sa kanya kasi binigay nung babaeng receptionist na parang bulateng pinutulan ng katawan kong maka react. Dinaig pa kiti-kiting nawalan ng hangin. Kung makatingin sa lalaking hinayupak na 'to, kulang nalang ipagkiskis niya yung mukha niya sa bumbunan nitong demunyo.

Ay, merong naiinis.

Napasimangot ako sa subconscious kong demunyo din. Hindi ako naiinis. Nagsasabi lang ako ng totoo at kung ano yung nakikita ko.

"Here. Wag na wag mo yang iwan. Wala yang spare key." Tugon niya matapos niyang iabot sa akin ang key card.

Padabog ko naman itong kinuha saka siya inirapan. "Alam ko. Sa tingin mo hindi ako nakikinig nung nakikipag landian—este nakikipag-usap ka dun sa receptionist? Siyempre alam ko noh!" Sagot ko pero napangiwi din nang magtunog sarcastic ito.

Pinaningkitan niya ako ng mata. "I can hear your sarcasm."

Inirapan ko lang siya bago tumalikod habang hila ang maleta kong kanina ko pa sinusumpa. Napaka gentleman kasi nitong kasama ko. Sa sobrang pagka gentleman, hindi na niya ako tinulungan. Note the sarcasm please.

"By the way, I just want to warn you about your room." Sabi niya dahilan kung bakit hindi ko naituloy ang pagswipe ng key card.

Nagtatakang nilingon ko siya. "Pwede ba? Kung gusto mo akong asarin o pikunin, bukas nalang. Ireserba mo yang mahaba mong pasensya dahil hindi kita uurungan." Paasik kong saad pero hindi man lang nagbago ang kanyang reaksyon. Seryoso parin ang kanyang mukha na pinagtaka ko.

"B-Bakit?" Nauutal kong tanong sa hindi malamang dahilan.

Pucha! Bat ako kinakabahan?

He sigh and step forward until he's a meter away from me. "May naunang nag stay diyan sa condo mo at nakitang patay sa kama. They said she commit suicide but the family of the girl won't believe. At sabi ng iba na nag sta-stay diyan, may nagpaparamdam tuwing gabi at may humihingi ng tulong. They said that is the girl who found died on her bed. I'm saying this to warn you. And of course, so that you knew."

Literal na parang naging yelo ako sa sobrang lamig na nararamdaman ko. Idagdag pa ang isip kong kung ano-anong kamisirablehan ang naiisip. Naglalaro sa iba't ibang imahe na hindi ko gusto! Lalo na sa sinabi ni Zack.

Hanggang sa hindi ko namalayan na nakaalis na pala siya sa harapan ko. Tanging malakas na pagsara lang ng pinto ang nagpagising sa diwa ko pero muntik namang lumabas ang puso ko sa katawan ko.

"Tangina mo!" Buong lakas kong sigaw para marinig niya ako sa loob ng kanyang kwarto.

Baka naman kasi pinagtitripan niya ako para matakot ako. Inaasar lang ako nung gunggong na yun para hindi ako makatulog sa gabi! Tama! Tama! Inaasar niya lang ako at kapag nakita ko siya ulit, sasakalin ko talaga siya hanggang mawalan siya ng hininga!

Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon