Jessel
"Inom pa!"
Napangiti akong itinaas ang aking shot glass na may lamang margarita at nakipag toast sa kanilang lahat. Inisang lagok ko ang alak at bahagyang napangiwi dahil sa lasa. It's my first time, might as well enjoy this. Tsaka, hindi naman malayo dito ang tinutuluyan ko kaya walang problema.
"Why not let's play truth or dare?" Suhestiyon ni Orion na isa sa kakilala ni Ryiel.
Nandito din kasi ang ilan sa mga kakilala niya at isa iyon si Orion. Si Felix, Leigh, at Nathan ay kakilala din ni Ryiel kaya nandito sila. Imbitado sila sa party ng kanilang kaibigan at sila din mismo ang nagpareserve sa table namin.
"Pangbata naman ang laro na yan!" Reklamo ni Sic na hindi ko alam kung lasing na ba o hindi.
Saglit pa lang kami dito pero marami na ang kanyang nainom. Margarita nga lang ang kaya ko dahil sobrang pait ng ibang mga inumin. Lalo na yung tinatawag nilang tequila. Halos masuka ako nung mainom ko yun. Pinagtawanan pa nila ako kaya bahagya akong napahiya.
"May twist naman! Para mas exciting!" Dagdag pa ni Orion na ikinahiyaw ng lahat.
Napangiwi nalang ako sa kanilang ginagawa. Parang hindi maganda ang twist na sinasabi ni Orion.
"Ang tahimik mo yata?" Pasimpleng bulong ni Ryiel sa tabi ko. Sa kabilang gilid ko naman ay nakaupo si Sheena na kausap si Nathan.
Nilingon ko siya at tipid na ngumiti. Pero dahil sa dilim, paniguradong hindi naman niya iyon makita. "Wala naman akong dapat sabihin para mag-ingay. Tsaka, dapat nag enjoy ka. Birthday mo pa naman ngayon."
"Bakit? Sa tingin mo ba hindi ako nag e-enjoy?"
Umiling ako. "Parang hindi eh."
He just laugh and mess my hair. "Ang dami mong alam."
Nagkatawanan lang kaming dalawa at pinanood ang usapan ni Orion at Sic tungkol sa larong truth or dare.
"Ganito yan, kapag truth, kailangan mong sagutin ang itatanong sayo at kapag hindi mo nasagot, iinom ka ng tequila."
Napa 'ohhh' ang karamihan habang ako naman ay napangiwi. Ito na nga ba ang sinasabi ko. May kakaiba sa twist na sinasabi ni Orion.
"Paano naman kapag dare?" Tanong ni Felix na kanina pa panay ang kindat sa akin at panay ko naman siyang iniirapan.
Hindi ko alam kung nagpapa-impress lang ba siya sa akin o may sakit siya sa mata. But anyways, hindi naman ako apektado sa ginagawa niya. Mas naiinis nga ako.
"Kapag dare naman, siyempre susundin mo yung utos na para sayo. At kapag hindi mo sinunod," ibinitin pa talaga ni Orion ang kanyang sinabi at tiningnan kami isa-isa. "body shot with the birthday boy! Kapag kaming mga lalaki ang tumanggi, kami ang pipili ng babae!"
Napahiyaw silang lahat sa sinabi ni Orion habang ako naman ay natawa nalang. Sumimangot pa si Ryiel sa sinabi ng kanyang kaibigan at alam kong hindi siya makakahindi ngayon lalo pa't kaarawan niya.
"Simulan na yan!" Patiling saad ni Sic na mas doble na yata ang excitement na nararamdaman.
"Nakakaloka 'tong laro na 'to." Iling-iling na saad ni Sheena sa tabi ko.
Natawa nalang ako. "Ano pa nga bang magagawa natin?"
Natatawang napailing nalang din siya. Pwede naman sana akong tumanggi na hindi sumali sa kanila pero baka masabihan pa akong kj. At kahit lumaki ako sa probinsya, hindi na bago sa akin ang tinatawag nilang body shot dahil kadalasan iyon ginagawa ng mga kaklase ko kapag may birthday.
![](https://img.wattpad.com/cover/246991180-288-k955298.jpg)
BINABASA MO ANG
Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]
Roman d'amour-Be kind is my attitude. But how could I be kind if I met the man who have nothing to do but irritate me?- Zack Allego is the only son that his parents spoils him. He can get what he want in just a snap of his finger. He love teasing and irritate p...