CHAPTER 28

1.2K 51 0
                                    

Jessel

"Jeeessseeeeeel!!!"

Humahangos na bumalikwas ako ng bangon dahil sa nakakarinding boses na yun. Shit! May lindol ba at parang yumayanig ang paligid ko? Bakit ba ka'y aga-aga at may bumubulabog sa tulog ko?

Biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at niluwa dito ang babaitang gusto kong sakalin. Ang babaitang gumising sa akin gamit ang nakakarindi niyang boses.

"Jesseel!"

Bumalik ako sa pagkakahiga at sinubsob ang isang unan sa mukha ko. Bwesit naman kasi 'tong si Blaice eh! Gusto ko pang matulog dahil hindi agad ako nakatulog kagabi sa kakaisip. Feeling ko nga madaling araw na ako nakatulog.

"Hoy gumising kana! Tulog mantika ka talaga!" Sigaw nito habang hinihila ang unan na nakatakip sa mukha ko.

I groaned in annoyance and grip the pillow tightly. Bahala siya, ayokong bumangon dahil gusto ko pang matulog!

"Blaice iwan mo muna ako! Gusto ko pang matulog!" Sigaw ko pabalik dito bago nagkumot na lagpas hanggang ulo ko.

"Alas diyes na Jessel! Tanghalian na at hindi ka pa gumigising!"

"Ayoko nga! Gusto ko pang matulog!" Pagmamatigas ko at hindi ko talaga siya hinayaan na mahila ang kumot ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga at tumigil sa kanyang ginagawa. Napangiti ako at pumikit na lamang para bumalik sa pagtulog pero mukhang ang antok na naman ang hindi nakikisama sa akin.

"Bahala kang matulog diyan. Kanina pa naiinip si Zack sa ibaba."

Mabilis pa sa alas quattro na nagmulat ako ng mga nata at tumalon paalis sa kama. Hindi ko na hinintay si Blaice at malaki ang ngiting bumaba dahil gusto ko na siyang makita. Pero sa kasumpa-sumpang palad, wala akong naabutan na Zack sa sala maliban kay David na nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

"Parang pugad ng uwak yang buhok mo. May tulo laway ka pa sa pisngi mo."

Nanlumo ako sa kanyang sinabi at kahit gusto kong mainis sa kanya ay hindi ko nagawa. Isa pa, totoo naman ang sinabi niya. Pero bakit wala akong naabutan na Zack dito?

"Blaice!" Nanggagalaiti kong sigaw kasabay ng pag-akyat ko pabalik sa taas.

Naabutan ko siyang tumatawa sa loob ng aking kwarto. Napapahawak pa sa tiyan at may pahampas-hampas pang nalalaman.

"May bago na akong alarm clock para sayo!" Tatawa-tawang saad niya habang nakaturo sa akin.

Sinimangutan ko lang siya bago kinuha ang isang unan at hinampas sa pagmumukha niya dahilan kung bakit napatigil siya sa pagtawa.

"Lumabas kana nga lang! Pareho kayo ng nobyo mo! May mga saltik!"

Ngunit parang hindi man lang naapektuhan si Blaice at natatawa paring umalis sa kama. "Uyyy, mainit ang ulo ng isa diyan dahil may na mi-miss!"

Mabilis ko siyang binato ng unan pero tatawa-tawang naglakad lang siya palabas ng kwarto. Napabuntong hininga ako at napailing bago nilinis ang makalat kong kwarto.

Ilang araw na ba akong walang maayos na tulog dahil sa kakaisip tuwing gabi sa mga nangyayari? I really want to call Zack pero baka makaistorbo lang ako. Lalo na't sinabi ni Tita ang nangyari sa kanilang plantasyon. Iniisip ko palang ang mga gagawin ni Zack, naawa na ako sa kanya.

Kailangan ko siyang intindihin. Siguro ito yung sinasabi ni Tita na hindi ko dapat sukuan ang kanyang anak dahil sa pagiging busy nito. I understand clearly. Wala naman akong reklamo dahil kung ako din ang nasa posisyon ni Zack, paniguradong nahilo na ako sa nangyari.

Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon