Jessel
"Hindi ka ba naaawa sa kanya, Sel?"
Iningusan ko lang ang tanong ni Riri at nakasimangot na humalukipkip. Pinapanood naming tatlo ni Lilian at Riri si Zack na hinahanda ang kanyang gamit sa pangingisda. Hindi ko maiwasang mapatanong kung paano kaya niya yan nagagawa? Saan kaya niya yan natutunan?
Ilang araw na nga ba niyang ginagawa yan? Apat na araw. Apat na araw ko din siyang pinagtatabuyan at pilit pinapauwi sa kanila pero ayaw niya. Nagmamatigas siya at tanging sinasabi lang niya sa akin ay 'gagawin ko ang lahat para bawiin ka'.
Ano ba kasing hindi niya maintindihan sa ayoko na? Hindi niya ba maintindihan na ayoko na siyang nakita o sadyang nagmamatigas lang talaga siya? O baka naman may plano na naman siya? Kung ano man yun, hindi ko alam.
"Pake ko sa kanya? Ginusto naman niya yan." Paasik na sabi ko habang pinapanood siya kasama ang iba pa niyang makakasama.
Nakakapagtaka lang dahil hindi ko na din nakikita si Riyo na sumama sa kanilang mangisda. Hindi ko pa naman natanong si doktora dahil hindi ko pa naman siya nakakausap. Apat na araw na pero hindi na ulit kami nagkausap magmula nung araw na pumunta siya sa bahay at nadatnan niya kami ni Zack.
"Hindi mo ba nakikita yung effort nung tao, Sel? Ilang araw kana niyang sinusuyo. Hindi ka ba kinikilig? Kung nagkapalit lang tayo ng sitwasyon, kanina ko pa yan pinatawad!" Ani Riri na pasigaw.
"May galit ka ba sa kanya? O baka naman may nagawa siyang masama sayo kaya ka ganyan sa kanya? Kasi, hindi ka naman ganyan sa ibang lalaki diba? Unless nalang talaga kung may ginawa siya sayo."
Natameme ako sa sinabi ni Lilian dahil tama siya. Matalino siyang babae at naiintindihan niya ang isang sitwasyon kahit pinapanood lang niya. Hindi ko pa naman kasi nasasabi sa kanilang dalawa ang tungkol sa nangyari. Wala silang alam kaya hindi nila ako naiintindihan.
"Gusto niyong malaman ang sekreto ko?" Seryoso kong tanong sa dalawa habang nakatingin sa mga bangkerong umalis na kasama na siya.
Mula sa peripheral vision ay nakita kong napatingin sila sa akin. Pero nanatili parin ang tingin ko sa harapan. Pareho kasi kaming nasa labas ngayon ng bahay at nakaupo sa bangkuan na mahaba na gawa sa kahoy.
"Seryoso ka, Sel?" Hindi makapaniwalang tanong ni Riri.
"Hindi mo naman kailangang sabihin yan sa amin. Personal mo yang kwento kaya naiintindihan namin."
Tipid akong napangiti sa sinabi ni Lilian. Saka ko hinaplos ang aking tiyan at pinakiramdaman ang buhay sa loob ko.
"Ayos lang. Hindi naman lahat yung sasabihin ko. Yung sapat lang para maintindihan niyo."
"Ano yun?" Hindi mapigilang tanong ni Riri. Pero alam kong sa pagkakataong ito ay seryoso na silang dalawa.
"Siya ang ama ng kambal ko." Mapait ang ngiting anunsyo ko sa kanilang dalawa.
Wala namang saysay kung magsisinungaling ako sa kanilang dalawa. Hindi rin naman kasi epektib ang dinahilan ko sa kanya na hindi siya ang ama ng mga anak ko. Hindi naman siya umalis diba? Mas nagmatigas pa nga siya at gumagawa ng paraan para mapatawad ko siya.
Pero hindi ko alam kung kaya ko pa nga ba siyang patawarin sa lahat ng kanyang ginawa.
"T-Teka. Ama? K-Kambal? Kambal ang dinadala mo?!"
Nakangiti kong nilingon si Riri na unang nakarecover sa pagkagulat. Nanlalaki pa ang kanyang mga mata at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
"Siya yung lalaking hindi mo gustong pag-usapan?" Ani Lilian na ikinalingon ko dito.
BINABASA MO ANG
Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]
Romance-Be kind is my attitude. But how could I be kind if I met the man who have nothing to do but irritate me?- Zack Allego is the only son that his parents spoils him. He can get what he want in just a snap of his finger. He love teasing and irritate p...