Jessel
"Anak, kanina pa ako nahihilo sayo. Hindi ka ba titigil?"
Tila naging bingi ako sa sinabi ni Mama dahil patuloy parin ako sa pagbalik-balik ng lakad. Kanina pa ako hindi mapakali at kanina parin ako kinakabahan. Dapat hindi naman ganito ang maging reaksyon ko diba? Pero bakit ganito? Dinaig ko pa ang malapit ng bitayin sa sobrang kaba.
Mula nang makabalik kami ni Mia galing sa taniman ng mga pinya ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Alangan namang magtago ako? Baka makahalata pa silang hindi talaga ako mapakali. Shit lang. HINDI PA AKO HANDANG HARAPIN SIYA!
"M-Ma, hindi naman ako kailangan pumasok sa loob mamaya diba? Magluluto lang naman ako diba?" Tanong ko sa Mama kong naguguluhan sa inaasta ko.
Kahit nagtataka at tumango nalang siya. "Depende sayo kung papasok ka sa loob. Bakit? May problema ba?"
Sunod-sunod akong umiling bago bumuntong hininga. "Lalabas nalang po muna ako. Babalik nalang ako mamaya."
"Sige. Basta bumalik ka agad. Marami pa tayong gagawin."
Tumango ako sa kanya bago tumalikod at naglakad palabas ng kusina. Buti nalang at walang sinabi si Mia tungkol sa naging reaksyon ko kanina. Nagulat talaga kasi ako sa nalaman. Kasi akala ko, akala ko hindi na siya babalik dito. Akala ko pagtutuunan nalang siya ng pansin ang kanyang trabaho.
Speaking of trabaho. Mas lalo akong nagdalawang isip kung tatanggapin ko ba ang offer ni Tita na magtrabaho sa kompanya nila. Hindi kasi imposibleng magkita kami sa kompanya.
Pero bakit ba? Hindi ko naman pwedeng habambuhay na iwasan siya para hindi lang mainis sa pagmumukha niya. Hindi dapat ako kailangang magpaapekto dahil sa totoo lang, handa ko naman siyang labanan.
Iyon nga lang ay siya ang magiging boss ko. Paano?
Napabuga nalang ako ng marahas na hininga bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kwadra ng mga kabayo. Mamaya kakausapin ko si Tita. Desidido na ako at kailangan ko itong tanggapin. Bahala na kung saan man ako nito dalhin. Ang mahalaga ay makatulong ako sa pamilya ko.
Naabutan ko duon si Jay na pinapakain ang mga kabayo. Kasing edad lang niya si Saira at siya ang kanang kamay ng kanyang ama sa pag-aalaga ng mga kabayo. Cute na bata si Jay at may gusto sa kapatid ko. Kaya minsan ko lang sinasama dito si Saira dahil alam kong makikipagharutan lang siya.
"Kamusta na si Dasher?" Tanong ko sa kanya.
Ang sinasabi kong si Dasher ay ang kabayo kong binigay sa akin ni Tito nuong 18th birthday ko. Nahilig kasi ako sa kabayo nang minsan niya akong dinadala dito at tinuturuan. Kaya binigyan na niya ako ng sariling kabayo na pinangalanan kong Dasher.
Halatang nabigla si Jay sa biglaang pagsulpot ko dahil napaigtad siya sa gulat. Kapagkuwan ay umayos naman siya ng tayo at hinarap ako.
"Ayos lang naman Ate Jessel. Gusto mo bang ilabas ko para sayo?"
Ngumiti at tumango ako. "Sige ba. Balak ko kasing maglibot."
Iniwanan na muna niya ang kanyang ginagawa at nilapitan ang kwadra ni Dasher. Kulay itim ito at ang puti lang sa kanya ay ang mga paa. Kumbaga, parang medyas.
Nang tuluyan na itong mailabas ni Jay ay ako na ang pumalit sa kanya. "Salamat. Ibabalik ko nalang siya dito mamaya."
Tumango siya sa akin bago ibigay ang tali ni Dasher. "Sige po."
Kumuha muna ako ng gamit para ilagay sa likod ni Dasher at para maayos akong makaupo. Siniguro ko munang maayos na ito bago hinila ang kanyang tali para makalabas.
![](https://img.wattpad.com/cover/246991180-288-k955298.jpg)
BINABASA MO ANG
Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]
Romance-Be kind is my attitude. But how could I be kind if I met the man who have nothing to do but irritate me?- Zack Allego is the only son that his parents spoils him. He can get what he want in just a snap of his finger. He love teasing and irritate p...