CHAPTER 31

1.3K 55 0
                                    

Jessel

Malamyos na hampas ng alon. Mga huni ng ibon at mga hampas ng dahon habang humahangin. Nakamasid lang ako galing sa terrace ng bahay at tinatanaw ang magandang tanawin ng dagat. Kumukislap at nagniningning sa bawat pagtama ng sinag ng araw.

Mabilis na lumipas ang panahon at masasabi kong naging payapa ang pamumuhay ko dito sa San Martin. Masaya ang kabuhayan dito. Simple at malayo sa nakasanayan ko. Masayahin at matulungin ang mga tao. Yun nga lang ay malayo sila sa tinitirhan ko dahil private property itong rest house nila David.

Pero ayos lang naman kapag nilalakad. Mabuti na nga yun dahil buntis ako. Minsan sila pa nga ang pumupunta dito para bisitahin ako.

"Jessel!"

Speaking of. Kumaway ako pabalik kay Riri na isa sa mga kaibigan ko dito sa bayan. Kaedaran ko lang siya at tumutulong siya sa kanyang Mama na nagtitinda ng mga Isda. Kasama din niya si Lilian na isa din sa kaibigan ko.

"Tara! Sama ka sa amin! May mga bagong daong ng mga isda duon!" Sigaw nito habang tinuturo ang lugar kung saan ang bagsakan ng mga isda.

"Sige! Susunod nalang ako!" Tugon ko sa kanila bago tumayo at naglakad palabas ng kwarto.

Dala ko ang aking balabal at pinulupot ito sa aking leeg. Malakas kasi ang hangin kaya kahit kaya ko naman ang lamig, nagdadala parin ako ng balabal.

"Ilang buwan na nga yang tiyan mo? Medyo nakikita na yun umbok." Sabi ni Lilian habang naglalakad kami sa daungan ng mga isda.

Napangiti ako at napahawak sa aking tiyan. Sa awa ng diyos, malusog ang batang dinadala ko at malakas ang kapit nito. Salamat din sa dalawa kong kaibigan na palagi akong tinutulungan. Dinadalhan nila ako palagi ng mga prutas, gatas, at vitamins na kailangan kong inumin.

"Mag a-apat na buwan na ito sa susunod na linggo. Plano ko ngang magpa check up mamaya dahil may schedule ako sa clinic na tumitingin sa akin." Sagot ko.

Ang clinic na sinasabi ko ay ang pinakamalapit sa aming bayan. Kompleto naman ang mga gamit nito at may OB pa kaya nawala ang pagkabahala ko. Isa pa, kompleto din ang gamit nila kapag kapag may nanganganak.

"Kaya naman pala. Parang kahapon lang noh? Ang tagal mo na dito. Hindi na tuloy kami makapaghintay na makita ang anak mo. Sino kaya ang kamukha niyan? Paniguradong gwapo ang ama- aray." Napatigil si Lilian sa pagsasalita nang mahina siyang sikuhin ni Riri at pinandilatan ng mata.

Napaiwas na lamang ako ng tingin dahil ayokong makita nila ang reaksyon ko. Alam nilang ayokong pinag-uusapan ang tungkol sa kanya. Wala silang alam sa kung ano ang totoong nangyari sa akin kung bakit ako nandito. Basta ang alam nila, palagi akong natatahimik kapag binabanggit nila ang ama ng anak ko.

Siguro nahahalata nila yun dahil palagi akong natatahimik. Kaya hangga't maari, hindi nila iyon pinag-uusapan. Pero hindi naman maiiwasan. Kagaya nalang ngayon.

"Sorry, Jessel. Hindi ko sinasadya." hingi ng paumanhin ni Lilian na nginitian ko lang.

"Ayos lang. Sanay naman ako."

Tanging pagnguso lang ang kanyang nagawa at pag-iwas ng tingin. Kahit may kadaldalan itong kaibigan ko, marunong naman itong humingi ng tawad at mahiya. Isa pa, sanay na akong ganito siya. Sadyang minsan lang talaga niyang nakakalimutan.

"Tama na nga yan." Awat ni Riri sabay tingin sa akin. "gusto mo bang samahan kita sa pagpapa-check up?"

Umiling ako. "Salamat nalang pero ayos lang ako. Hindi ka pa nasasanay sa akin."

"Asus. Minsan ka ngang sinasamahan ni Riyo kapag nagpapa-check up ka."

Natatawang napailing nalang ako sa kanyang pagtukso. "Baliw ka talaga. Concern lang yung tao sa akin kaya sinasamahan niya ako. Isa pa, Nanay niya yung OB ko kaya ganun."

Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon