Jessel
"Palagi kang mag-ingat duon, anak. Wag kang maging pasaway at wag kang magpapagabi kung kinakailangan. Nag-aalala talaga kami sayo."
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago nakangiting nilingon si Mama na nakasandal sa hamba ng pinto ng kuwarto ko. Ngayon kasi ako aalis para simulan ang trabaho kagaya ng sinabi ni Tita. Kaya ganito nalang kung mag-alala si Mama dahil hindi ko naman kabisado ang lugar na pupuntahan ko.
Pero hindi naman ako magpapasaway. Sabi ni Tita, nahanapan na niya ako ng apartment na malapit sa kompanya nila. Hindi ko nga alam kung magkano ang upa pero sana naman yung kaya ko lang bayaran.
Tumayo ako galing sa pagkakaupo sa kama at nilapitan si Mama. "Wag po kayong mag-alala, 'Ma. Hindi ko po pababayaan ang sarili ko dun at sinisiguro ko po yun. Tsaka, hindi naman po ako pasaway." Medyo lang. Gusto ko sanang idagdag yun pero wag nalang. Baka pingutin ako ni Mama.
Tipid niya akong ngitian at inabot ang kamay ko. "Tawagan mo kami dito para malaman naming ayos ka lang duon. May tiwala naman ako sayo, anak. Pero wala akong tiwala sa mga taong nakapaligid sayo." Seryoso at nag-aalalang saad niya.
Tumango-tango ako. Naiintindihan ko kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ni Mama. "Opo, 'Ma. Tatawag po ako dito para ipaalam sa inyong ayos lang ako duon at hindi niyo na kailangang mag-alala. Kapag may libreng oras ako, bibisita ako dito."
Ngumiti siya sa akin saka ako hinalikan sa noo. "Pagbutihin mo ang trabaho duon. Ito na yung matagal mo ng pangarap."
Napangiti ako ng maluwag kay Mama. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa pag-alis ko ngayon. Matapos ang drama na yun sa kwarto ay tinulungan ako ni Mama na mag-impake ng gamit na dadalhin ko.
Yung sapat lang ang dinala ko at mga importanteng gamit dahil plano kong bumili nalang duon. Isa pa, hindi naman masyadong kalakihan ang maleta kaya pinagkasya ko nalang ang mga damit ko. Mas marami nga lang ang damit na gagamitin ko tuwing lalabas ako.
"Ate, nandito na sundo mo." Sabi ni Saira nang pumasok siya sa kwarto.
Tumango ako bago isara ang zipper ng maleta saka ito itinayo. May kabigatan pero kaya ko naman. De-gulong naman ito kaya kahit papaano ay gumagaan.
"Mag-ingat ka, anak." Singit ni Papa na kakapasok lang sa kuwarto.
Tiningnan ko silang lahat saka ngumiti para ipaalam silang mag-iingat ako duon. "Promise po, hindi ko pababayaan ang sarili ko duon para hindi na kayo mag-alala. Ikaw Saira," baling ko sa aking kapatid na nakatingin sa akin. "Ikaw ang aasahan ko dito kaya tumulong ka. Lalo na kay Papa dahil may sakit siya. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo para may pasalubong ka sa akin."
Parang nagningning ang mga mata ni Saira sa sinabi ko at mabilis na tumango. "Oo naman, ate. Gagawin ko yang sinabi ko."
Tipid akong ngumiti bago bumaling sa nga magulang ko. "Wag na din po kayong mag-alala dahil hindi ko po pababayaan ang sarili ko. Hindi ko na mabilang sa daliri kung ilang ulit niyo ng sinabi yun sa akin. Pero salamat sa pag-aalala niyo sa akin."
Napangiti sila sa sinabi ko at pareho akong niyakap. Nakiyakap na din si Saira habang may malaking ngiting nakaukit sa labi. Hindi din kami nagtagal duon dahil sunod-sunod na busina ang bumulabog sa amin. Mukhang naiinip na ang sundo ko.
"Tara na ate! Baka kanina pa yun naiinip si Kuya!" Sigaw ni Saira bago tumakbo palabas.
Nagkibit balikat nalang ako bago hinila ang maleta ko palabas ng kwarto patungo sa labas ng bahay. Bumungad sa akin ang pamilyar na kotse kaya ganun nalang ang pag bilis ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]
Romance-Be kind is my attitude. But how could I be kind if I met the man who have nothing to do but irritate me?- Zack Allego is the only son that his parents spoils him. He can get what he want in just a snap of his finger. He love teasing and irritate p...