CHAPTER 12

1.4K 50 0
                                    

Jessel

Anong nangyayari kapag walang maayos na tulog ang tao?

Nagiging lutang!

Anong nangyayari kapag lutang ang isang tao?

Walang alam sa paligid!

That's it! Feeling ko pumikit lang ako tas pagmulat ng mga mata ko umaga na. Paano ba naman kasi, hindi ako pinatulog ng pesteng mga kalabog dito sa loob ng condo unit ko. As in wala akong tulog kahit dalawang minuto!

Lord please, help me!

First day na first day ko ngayon pero gusto ko namang bumalik sa kama ko at matulog. Pati mga brain cells ko gusto pang matulog. Nagkaroon din yata ng eyebags ang neurons ko.

Nung una, ayoko talagang paniwalaan si Zack dahil baka pinagtitripan niya ako. Pero saksi ako na hindi nga siya nagbibiro. Saksi ako na may kababalaghan ngang nangyayari dito!

Gusto ko ng umuwi!

"Jessel. Jessel. Jessel!"

Napakurap-kurap ako at napatitig sa lalaking nagtatakang nakatingin sa akin. Halata ang pagkairita sa mukha niya pero mas naiirita ako sa pagmumukha niyang mas pumapangit araw-araw. Walang pinagbago. Para pa din siyang adik.

"Ano ba? Bakit ka ba sumisigaw? At bakit ba nandito ka?" Naiinis na puna ko sa kanya.

Hindi ba niya nakikitang nagsusuot ako ng stockings dito? At paano ba siya nakapasok dito sa kwarto ko? Nakalimutan ko naman bang mag lock kaya siya nakapasok? At bakit ba binubulabog niya ako?

"I would like to remind you that we're 30 minutes late. At ano ba yang ginagawa mo? Bakit sa kamay mo sinusuot ang stockings?" Nagtataka niyang tanong habang nawe-weirduhang tiningnan ako.

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko at napagtantong sa kamay ko nga sinusot ang stockings. Naiinis na tinaggal ko ito at sinuot sa paa ko. Medyo nahirapan pa ako dahil ang bigat-bigat talaga ng talukap ng mga mata ko. Gusto ko ng matulog. Pero kapag nakakarinig ako ng kalabog, parang awtomatikong dumidilat ang mga mata ko.

"Are you done?" Naiinip na tanong ni Zack habang nakasandal sa hamba ng pintuan sa kwarto ko.

Sinamaan ko siya ng tingin bago kinuha ang bag ko kung saan naglalaman ang mga importanteng gamit kagaya ng sinabi ni Tita. Kaunting wisik lang ng cologne ang nilagay ko bago siya hinarap.

"Ayan. Tapos na mahal na hari." Sarkastiko kong sagot sa kanya.

Tinaasan niya ako ng isang kilay na pinagtaka ko. "Seriously? Aalis ka ng nakatiyenelas?"

Muling bumaba ang tingin ko sa aking paanan at palihim nalang napamura nang makitang nakatiyenelas nga ako. Mabilis kong kinuha ang nararapat na sapin sa paa ko saka siya muling hinarap.

"Ayos na? Tara na?" Sarkastikong wika ko.

His forehead ceased ang stand firmly. Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa kanyang bulsa kung kaya't kitang-kita ko kung paano nag flex ang kanyang muscles sa mga braso.

He's wearing a gray suit that hugged his masculine body. Mabilis ko ding kinastigo ang sarili ko at nag-iwas ng tingin sa kanyang makasalanang katawan.

"Let me remind you to act professionally in the company. Set aside that personality of your's in my company. Matuto ka ring respetuhin ako at kausapin ng walang sarkasmo. Wag mong pairalin yang pambabara mo sa akin sa kompanya dahil hindi mo alam kung ano ang gagawin ko sayo." Paalala niya sa akin o mas tama yatang sabihin na pagbabanta.

Humalukipkip ako at matapang na sinalubong ang kanyang tingin. "Paano kapag hindi kita susundin?"

He suddenly smirk and step closer to me. Leaving only an inches away. Saglit kong pinigil ang hininga ko nang manuot sa ilong ko ang panlalaki niyang pabango. Hindi masakit sa ilong at masarap amuyin.

Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon