CHAPTER 24

1.3K 55 0
                                    

Jessel

Days have passed and I can say that it was like heaven for me. Parang nasa alapaap ako dahil sa kasiyahan na hindi ko lubos maisip na mangyayari. I mean, hindi ko naisip na magugustuhan ako ng isang Zack Allego. And as days passed, wala siyang sinayang na oras para ligawan ako. Yep, he's courting me.

Hindi ko pa man masabi sa kanya na gusto ko siya, atleast kontento ako sa kaalamang ako yung babaeng gusto niya. Ako yung kasama niya at ako ang babaeng gusto niyang makasama. Napakasarap sa pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag.

"Paano mo ako nagustuhan?" Parang timang na tanong ko sa kanya habang bumabiyahe kami patungo sa probinsya.

It's my day! At nakapangako na ako sa kanila na uuwi ako ngayong kaarawan ko. Paniguradong magugulat si Blaice kapag nalaman niya ang tungkol sa amin ni Zack.

Naramdaman kong nilingon niya ako kaya nilingon ko din siya. Nakataas ang isa niyang kilay na para bang nahihibang na ako. Saka niya ibinalik ang tingin sa daan.

"Seryoso? Hindi ko alam," mabilis ko siyang sinamaan ng tingin na tinawanan lang niya kapagkuwan ay sumeryoso. "but one morning came, natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakangiti kapag naiinis ka. I love teasing you and seeing your face makes my day complete. Alam mo bang wala pang kahit na sino ang sumasagot sa akin pabalik? Matapang kang babae at isa yun sa nagustuhan ko sayo. Mabait at may respeto. Siguro dahil nakikita ko din ang tipo kong babae sayo."

Hindi ko maiwasang mapaiwas ng tingin dahil sa pag-iinit ng pisngi ko. Parang may paru-parung nagsiliparan sa loob ng tiyan ko at nakikiliti ito. O baka naman mga bulate ko lang 'to sa tiyan na gutom na naman.

"Nagulat talaga ako nang malaman kong gusto mo ako." Mahinang usal ko nang nakatingin parin sa labas ng bintana.

"Why? Hindi ka naman mahirap magustuhan."

"Well, I can't deny that. Pero kasi, kinaiinisan natin ang isa't isa tapos aabot tayo sa ganito." Natatawang ani ko habang binabalikan sa isip ang mga bangayan namin.

Mula nang makita ko siya sa garden sa mansyon ng kanilang bahay hanggang sa eskwelahan at ngayong malalaki na kami. Sino ba naman kasing mag-aakala na kaya naming gustuhin ang isa't isa? Buti nalang at hindi nagalit si Tita. Nakakahiya parin na malaman niyang may nangyari sa amin ng anak niya.

Speaking of. Nauna ng umalis si Tita pabalik sa probinsya kahapon. Biglaan lang raw talaga ang pagpunta niya dito dahil sa plantasyon. Hindi ko naman alam kung may problema ba o ano, pero mukhang wala naman dahil masayang-masaya si Zack.

"Don't you like this?" Seryoso ang boses na tanong ni Zack dahilan kung bakit ako napalingon sa kanya.

Mahigpit ang hawak niya sa steering wheel at gumagalaw ang kanyang panga. At base palang sa mukha niya, alam kong galit siya.

Inabot ko ang isa niyang kamay bago ito hawakan at pinisil. "Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin. Masaya ako sa kung ano tayo ngayon. Wag kang mag-isip ng iba diyan. Kahit kailan hindi ko inisip na hindi ko gusto ang nangyayari sa atin ngayon."

Goodness! Sino ba naman kasing hindi magugustuhan kung kasama ang isang Zack Allego? Yes, I know he's irritating sometimes pero magugulat ka nalang isang araw may pasorpresa siya sayo. He can do unexpected things. He can say the words you want to hear. Alam ko yun dahil minsan na niya iyong pinaranas sa akin.

He have a deep sigh and kiss the back of my hand that he's now holding. "Good. Dahil ayokong mawala ka sa akin."

Todo ngiti naman ako sa kanyang sinabi na tumagos hanggang puso at kalamnan ko. Nakakatawa mang pakinggan pero kinikilig ako. Ghad! I really can't imagine my self that I like him!

Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon