CHAPTER 18

1.3K 45 0
                                    

Jessel

"Talaga bang pinapatawad mo na kami?"

Napabuntong hininga ako at nakangiting nilingon ang mga kaibigan kong parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Todo simangot ang dalawa pero as usual, si Tara ay tahimik lang.

"Matagal ko na kayong pinatawad, ano ba kayo. Dalawang araw na ang lumipas kaya kalimutan na natin yun. Ang mahalaga walang nangyari sa aking masama." Pagpapaintindi ko sa kanila.

Tuwing umaga kapag may oras sila ay nilalapitan nila ako para humingi ng tawad o kaya naman ay sisiguraduhin kong pinatawad ko na sila. Paulit-ulit ko din namang sinasabi sa kanila na matagal ko na silang pinatawad kaya hindi na nila kailangang mag-alala. Lalo na si Ryiel na sinisisi ang kanyang sarili.

Speaking of. Muntik ko ng masapak si Zack nang bantaan niya si Ryiel nang yakapin ako nung tao. Mabuti nalang at mabilis ko siyang nahila palayo duon para wala ng maging tanong si Ryiel. Ilang araw na kaming hindi nagkikita at alam kong marami din siyang tanong sa akin na hindi ko alam kung kaya ko bang sagutin.

"Hindi ka man lang namin nagawang iligtas, 'te. Pati ako lasing na din nang mangyari yun." Nanlulumong saad ni Sic.

"Ako nga rin eh. Buti nalang at hinatid ako ni Nathan sa bahay. He's a good guy at wala naman siyang masamang ginawa sa akin. Ikaw yung inaalala namin." Gatong naman ni Sheena na tinanguan lang ni Tara.

Kahit papaano ay napangiti ako dahil alam kong hindi naman talaga nila ako pababayaan kung hindi lang din sila nalasing. I'm thankful that I have a friends like them. Kahit alam nilang wala silang kasalanan, humihingi parin sila ng tawad dahil feeling nila sila ang may kasalanan.

Hayy, na miss ko tuloy si Blaice.

"Ayos lang talaga, wag na kayong mag-alala. Bahala kayo, baka magbago ang isip ko at hindi ko pa kayo patawarin." Biro ko pa sa kanila.

"Ay, wag naman ganun 'te. Ito nalang, ililibre kita mamaya. Oks ba yun sayo?"

Malapad akong napangiti sa alok ni Sic. "Sure! Once in a lifetime ka lang manlibre eh."

Napasimangot siya sa sinabi ko na ikinatawa naman ni Sheena. "Sige, ililibre din kita mamaya. Pambawi na namin sayo."

Tumayo ako sa kinauupuan ko at niyakap silang tatlo. "Maraming salamat at naging kaibigan ko kayo."

"Kami ang dapat magpasalamat dahil naging kaibigan ka namin." Saad ni Sheena habang tinapik-tapik ang likod ko.

"Korek si Sheena 'te."

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanila at wala na sanang balak na bitawan sila nang makarinig kami ng boses na ikinatigil ng buong department.

"It's working hours right? Bakit kayo nagyayakapan diyan imbes na magtrabaho?"

Para kaming napaso sa isa't isa na kumawala sa pagkakayakap at nagsibalikan sa cubicle para magtrabaho. Gusto kong samaan ng tingin si Zack pero hindi ko magawa dahil baka maraming makakita. Kaya pasimple ko nalang siyang tiningnan at nakitang masama ang titig niya sa akin bago tumalikod at umalis.

Yung mabigat na ere sa buong department ay biglang gumaan ng umalis si boss.

"Nakakaloka talaga ang aura ni boss. Ang gwapo at hot nga pero ang sungit naman." Dinig kong saad ng katabi kong hindi ko kilala maliban sa chismosa siya.

Akmang sisimulan ko na ang trabaho ko nang tumunog ang cellphone ko at rumehistro ang pangalan ni Zack na siyang nag text sa akin.

From: Baby damulag 👶

Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon