CHAPTER 19

1.3K 46 0
                                    

Jessel

"Nasaan na yung libre ko?"

Mameywang ako sa harapan nila Sic at Sheena na magkatabi lang ng cubicle. Nasa kabilang banda naman kasi si Tara at wala naman akong maasahan sa kanya. Itong dalawa lang 'to ang nakapagsabi sa akin na ililibre nila ako.

"Naku, 'te. Expired na yung libre ko para sayo. Saan ka ba kasi nanggaling kahapon?" Nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Sic.

"Oo nga. Hinanap ka namin pero hindi ka namin mahagilap. Galit na galit tuloy si Sir Dionisio." Tumatangong saad ni Sheena.

Bahagya akong napangiwi sa kanilang sinabi dahil hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila ang katotohanan. Haler? Sinamahan ko lang naman si Zack na umuwi muna sa condo dahil baka kung ano pa ang kanyang gawin dito.

Tsaka, alam kong preoccupied pa yung utak nung tao kaya hindi rin yun makakapagtrabaho. Hindi naman din kasi ako umalis sa condo unit niya hanggang sa hindi siya nakatulog. Ayun nga lang ay hindi na ako nakapagtrabaho.

Nasermunan nga ako kanina ni panot dahil hindi ko raw naibigay sa kanya yung mga dukomento na kailangan niya. Aba, kung pwede ko lang talagang sabihin sa kanila ang totoo, kanina ko pa ginawa. Kaso hindi pwede. Tsaka, sabi naman ni Zack siya na raw ang bahala sa akin.

"Ano kasi," nag-isip ako ng idadahilan sa kanila. "May biglaang emergency kasi. Sumakit bigla yung tiyan ko. Sira yata yung nakain na almusal ko hehe." Sinubukan kong ngumiti sa kanila pero naging pekeng ngiti lang ang kinalabasan nun kaya hindi ko nalang itinuloy.

"Ah, kaya naman pala." Tumatangong saad ni Sheena na agad kong ginatungan.

"Oo. Sa sobrang sakit ng tiyan ko muntik na akong mahimatay. Kaya hindi nalang ako nagtrabaho. Sasabihin ko pa nga yun kay pan—este kay sir eh."

Naningkit ang mata ni Sic habang nakatingin sa akin kaya nag plaster ako ng pekeng ngiti.

"Oh siya, sige. Kapag nawala ka ulit mamaya, hindi kana talaga namin ililibre."

Napa 'yes' ako sa sinabi ni Sic at kulang nalang ay magtatalon ako sa saya. Blessing in disguise na rin siguro yung nangyari kahapon kaya hindi ko nagasto yung pera ko sanang pambili. Tapos ngayon na ililibre ako nila, hindi ulit ako makakagastos.

May pera na din ako pangbili ng mga pormal kong damit bukas dahil linggo naman at walang trabaho. Mwehehehe.

"Tama si Sic. If something happens to you, sabihan mo kami agad para hindi na kami mag-alala at hanapin ka."

Sumaludo pa ako kay Sheena dahil sa kanyang sinabi. "Yes maam!"

"Sige na, lukaret ka. Iniistorbo mo na kami dito." Pairap na sabi ni Sic na tinawanan lang namin ni Sheena.

Buti nalang at good mood ako ngayon. Wala akong time na magtaray at nakangiti lang ako. Mabilis ko tuloy natapos ang trabaho kong tinambakan na naman ni panot. Yung hindi ko natapos kahapon, dinagdagan na naman niya kaya sobrang dami ngayon ng tatapusin ko.

Naku, kung hindi lang talaga ako good mood, baka isinampal ko na 'to sa mukha ni panot—chos!

Hindi ko yun magagawa noh. Kahit maypagka demunyo ako, mabait naman ako sa mga taong mabait din sa akin. Pero kapag saksakan ng kasungitan at kayabangan, aba, ihaharap ko sa kanila si kamatayan.

"Sir, this is the documents you need." Ani ko sabay abot sa mga dokumentong kailangan ni panot.

Agad naman niya itong kinuha sa akin at akmang aalis na ako nang bigyan na naman niya ako ng tambak na trabaho.

"Finish this. Kailangan ko yan bago mag out."

Ngumiti ako ng peke at padabog na kinuha sa kanya ang mga dokumento kaya napatingin siya sa akin. Mas nilawakan ko ang aking ngiti para hindi siya manghinala.

Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon