Chapter 06

1.3K 77 7
                                    

Kiro's POV

RAMDAM KO ang pagbagsak ng butil ng pawis sa aking noo dahil kaunti na lang ang buhay ng aking karakter. Ng makakita na ako ng tyempo ay ginawa ko na ang super ng karakter ko at hindi naman niya iyon napigilan. Diretsong nakatingin ang aking mata sa screen at nagdasal na sana ay matapos na ang laban at ako ang manalo--

"Nanalo ako!" Masayang sigaw ko at napapasuntok sa hangin dahil sa tuwa. Maraming mga tao ang napapalakpak dahil sa pagkapanalo ko. Hinarap ko ang lalaking nakalaban ko at nilahad ang kamay.

"Kiro nga pala," pagpapakilala ko at tinanggap naman niya ang aking kamay.

"I'm Carson. Carson Gordon" Aniya habang nakangiti, Naramdaman ko na lang ang pagtunog ng cellphone ko sa bulsa at napansing tumatawag na si papa. Napamura ako ng maisip na sinabi ni Malcolm kay papa ang lahat. 

Mabilis akong tumakbo at narinig ko pang tinawag ako ni Carson pero hindi ko na siya nasagot pa dahil nagmamadali na akong umuwi. Pagkasakay ko ng bus at sinagot ko ang tawag.

"Papa napatawag ka--"

[Nasaan ka Kiro?] Bakas sa boses ni papa ang galit. Napahilot na lang ako sa sentido dahil tama nga akong sinabi ni Malcolm kay papa na umalis ako ng bahay. 

"Papa naman alam mo namang ayaw kong kasama si--"

[Pag wala ka pa rin sa bahay bata ka ako mismo ang uuwi at sisigawan ka!] Nailayo ko kaagad ang cellphone sa sigaw ni papa. [Nag-arcade ka na naman ba?]

"Po?! H--hindi ah, kasama ko ngayon si Rico." Pagsisinungaling ko. Humanda ka talaga sa akin, Malcolm Dela Vega!

[Bilisan mong umuwi dahil naghihintay sa'yo si Malcolm, tinawagan niya ako dahil lumayas ka daw ng bahay ng hindi tumutulong sa gawaing bahay.] Napahilot naman ako sa sentido.

"Opo pauwi na ako tatawagan ko na lang po kayo ulit kapag nasa bahay na ako." Sagot ko at sasagot pa sana si papa ng patayin ko na ang tawag. 

Ilang minuto lang bago bumaba na ako ng bus. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si Malcolm na nakatayo sa pinto habang masamang nakatingin sa akin.

"Where have you been?" Lalagpasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko. "I'm asking you Kiro--"

"Pwede bang huwag mo na akong tanungin kung saan ako pumupunta. si papa maloloko mo sa mga pang-uuto mo Malcolm pero ibahin mo ako." Sagot ko at nakita ko ang pag-iba ng reaksyon niya. Tinanggal ko ang kamay niya na nakawahak sa akin at naglakad na ako paakyat sa kwarto ko at malakas na sinarado ang pinto. Napabuga naman ako ng hangin at tinext si papa na nakauwi na ako. 

Wala akong gana kumain ng hapunan dahil baka makasalubong ko lang siya. Mahigit ilang oras rin bago mapansin kong nakapatay na ang ilaw sa kusina. Mukhang tapos na siyang kumain kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na bumaba. Nakunot ang noo ko ng mapansin na may nakatakip sa lamesa at ng buksan ko iyon ay isang kaldereta. Kumulo bigla ang tiyan ko ng maamoy ang ulam kaya nagsandok na ako at nagsimulang kumain. 

Namilog ang mata ko ng malasahan ang kaldereta. Mahilig ako sa kaldereta pero iba ang isang ito. Parang naghahalo ang lasa ng sweetness at anghang. Mabilis kong nilantakan ang pagkain dahil sa sarap nito na kulang na lang pati ang bowl ay dilaan ko. Ng matapos na akong kumain ay nakarinig ako ng tikhim sa gilid. Naabutan ko si Malcolm na nakasandal sa pader habang nakapantulog ito.

"I thought you will not eat your dinner." Malamig na sabi niya. Napaubo naman ako at niligpit ang pinagkainan.

"Hindi masarap." Komento ko sa luto niya at tumaas naman ang kilay nito.

"Really?" Sarcastic na aniya. Napanguso naman ako at hindi na nakipagtalo sa kaniya dahil alam kong wala lang patutunguhan iyo.

"Oo na masarap na ang luto mo, tsaka pwede bang tigilan mo ang pag-english dito sa bahay? Ang sakit sa tenga eh." Inis na sagot ko at dumiretso na ng kusina para hugasan ang mga pinggan. Ramdam kong nakasunod lang si Malcolm sa likuran at pinapanood ang ginagawa ko.

His Possessive GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon