Chapter 16

1K 61 11
                                    

KIRO

NARAMDAMAN KO na lang ang malamig na bagay sa aking noo kaya dahan-dahan akong napadilat at unti-unti kong narealize na may bimpo palang nakapatong dito. Tatayo na sana ako pero nabigo lang ako dahil sa biglang pagkahilo.

"Mabuti naman at gising ka na." Napatingin ako sa boses na nagsalita at nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino siya.

"Ano ang ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya at ngumisi naman siya.

"Ganiyan ka ba magpasalamat sa mga tumutulong sa'yo?" Naiiling nitong saad. Teka, siya ba ang bumulong sa akin kagabi? 

"T--teka p--paano ka nakapasok?" Hindi ko maiwasan ang mautal. Napatingin ako sa sarili ko at ngayon ay napansin ko ng nakasuot ako ng damit. "Sinuotan mo ba ako? Imposible baka ako ang nagsuot sa sarili ko." Natatawa kong sabi. Tama, nagsuot ako ng damit hindi ko lang matandaan.

"Yes, ako ang nagsuot ng damit sa'yo." Naglaho ang ngiti sa labi ko at nalaglag panga na hinarap siya.

"What the f*ck?!" Ibig sabihin nakita niya ang katawan ko?

"Tsk, huwag kang mag-alala dahil wala naman akong ginawang kababalaghan sa'yo." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Napakagat ako sa ibabang labi dahil naalala ko bigla noong nalasing ako ay may kung anu-ano akong sinabi kay Malcolm kaya natakot na akong may makakita sa akin na lasing ako.

"Salamat." Inabot naman niya sa akin ang mangkok na may lamang lugaw. 

"You had a fever last night." Aniya. Napasandal naman ako sa pader habang hinihilot ang sentido para kahit papaano ay mawala ang kirot.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kung paano ka nakapasok dito sa bahay?" Sa pagkakaalala ko ay ni'lock ko ang pinto pagkatapos umalis ni Malcolm. 

"You're not feeling well yesterday that's why I followed you up to here in your house. I used my pin to open your door." Sabay tawa niya ng mahina kaya mas lalong sumingkit ang mga mata nito. Napabuntong hininga naman ako at nagpasalamat sa kanya. Nakakahiya dahil sinapak ko pa siya kahapon kaya naguilty bigla ako sa ginawa ko. Hindi ko naman alam kung sino ang nagpost ng litrato kaya wala akong pruweba.

"Sorry ulit sa ginawa ko kahapon dahil sinisi kita." Paghihingi ko ng paumanhin habang kumakain ng lugaw na gawa niya. 

"It's okay I understand. Siguro kung ako rin ang nasa position mo ay gagawin ko rin iyon but I didn't intend to hurt you Kiro." Hindi ko alam pero ngayon ay parang ibang Edmon ang nasa harap ko. Weird. Habang kumakain ay nakaupo lang sa silya si Edmon habang pinapanood akong kumain. Napahinto ako sa pagkain ng marinig ang isang sigaw mula sa pintuan.

"Kiro!" Sigaw ni Rico habang katabi naman nito si Yumiko.

"P--paano niyo nalaman--" di ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng suntukin ako sa braso ni Rico ngunit hindi naman ganoon kalakas.

"Hindi mo sinabi na may lagnat ka ngayon at si Edmon pa talaga ang nagsabi sa amin." Saad ni Yumiko kaya napatingin ako kay Edmon pero tanging ngiti lang ang isinagot nito kaya wala na akong magagawa pa dahil nandito na sila. "Nagdala na rin kami ng pagkain at naipaalam ka na namin sa ibang prof. na hindi ka makakapasok." Napatingin ako sa orasan at ilang oras na pala akong natulog at tinanghali ng gising.

"Naisipan namin ni Yumiko na hindi muna pumasok sa ibang subject tutal nagkaroon ng meetings ang lahat ng teacher." Sambit ni Rico na kinatango ko. "Papunta na rin si Jane dito at mukhang nagalit dahil hindi mo sinamahan sa mall." Natatawang dagdag nito. 

Mahigit ilang oras rin kaming nag-usap nila Rico at Yumiko habang si Edmon naman ay nagpresenta na magluto ng tanghalian namin. Dumating rin si Jane at nagtatampo pero mukhang naiintindihan naman niya ang sitwasyon ko ngayon.

His Possessive GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon