Chapter 08

1.2K 67 3
                                    

Kiro's POV

DALAWANG ARAW na simula ng hindi bumalik si Malcolm sa bahay at tila gusto kong magdiwang sa saya dahil pakiramdam ko ay nakawala ako mula sa hawla. Kahit ang mga estudyante sa Hustone ay nagtaka dahil sa hindi pagpasok ng limang pugo na hinahangaan nila. Tsk, mamumuti lang ang buhok nila kakahintay sa harapan ng gate. Bulong ko sa isipan habang nangingiti ng parang wala sa sarili.

"Oy Kiro!" Sigaw ni Rico kaya nabalik ako sa huwisyo. 

"Bakit kailangan mong sumigaw." Singhal ko sa kaniya. Napa-peace sign naman ito kaya napahiga na lamang ako sa isang bench dito sa kubo na tinatambayan naming tatlo. Lunchbreak ngayong oras kaya naisipan naming tatlo na dito na lang kumain tutal ay baka puno ang cafeteria, mas maganda ng maging sigurado. Hindi pa rin ako maka-move one sa ginawa ni Malcolm kaya nakakaramdam ako ng irita sa tuwing naaalala ang ginawa niya. Hindi ko na rin kinuwento kina Yumiko at Rico ang tungkol sa bagay na iyon dahil paniguradong maguguluhan lang sila sa sitwasyon.

"Nabalitaan niyo na ba kung bakit hindi pumapasok sila Malcolm nitong nagdaang araw?" Tanong ni Yumiko sa amin. Pinikit ko lamang ang aking mata at hindi na sumagot dahil ayaw ko ng pag-usapan ang pugong 'yon.

"Hindi, di'ba Kiro nakatira ngayon si Malcolm sa bahay ninyo? Baka lang naman alam mo kung bakit hindi pumapasok silang lima--" Mabilis akong napadilat at napaupo. Bakit ba walang preno ang bibig niya?!

"H--hah? N--nakatira ngayon si Macolm ssa inyo, Kiro?" Naguguluhang tanong ni Yumiko dahilan para marealize ni Rico ang salitang nabitawan niya. Napabuntong hininga na lamang ako at tumango. 

"Pero dalawang araw na siyang hindi umuuwi sa bahay kaya wala akong alam sa kung ano ang nangyayari sa kaniya. At wala na akong pakialam doon." Sabay higa kong muli at ipinikit ang mata. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na muli silang dalawa nagtanong pa.

"Sasabihin ko sa inyo pero huwag niyong ipagkakalat sa iba ang tungkol dito maliwanag?" Bulong ni Yumiko at siguradong silang dalawa lang ni Rico ang nag-uusap. 'Di ko alam pero kahit papaano ay nakaramdam ako ng kuryosidad kung bakit hindi pumapasok ang pugong 'yon. "Lumayas siya sa bahay nila." 

"Ano?! Lumayas si Malcolm sa kanila?" Gulat na sigaw ni Rico at tinakpan naman ni Yumiko ang bibig nito. 

"Huwag ka ngang sumigaw." Aniya. 

Lumayas si Malcolm sa kanila? Ano namang naisipan ng pugong 'yon at lumayas? Napansin kong hinatak ni Yumiko si Rico papalayo kaya agad akong dumilat at pinigilan sila.

"Saan kayo pupunta?" Nagkatinginan silang dalawa.

"Alam naman namin na kinamumuhian mo si Malcolm kaya lalayo na lang kami para hindi ka na mairita sa'ming dalawa. Di'ba, Yumiko?" Napatango-tango naman si Yumiko sa sinabi ni Rico. Sumignal ako na lumapit silang dalawa na kaagad naman nilang sinunod at pinaupo.

"Makikinig ako." Mahinahon kong sagot. Kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha ni Yumiko kung magsasalita ba ngunit wala na siyang nagawa pa kung hindi sabihin ang lahat.

"Ang totoo niyan ay magkapitbahay lang kami ni Malcolm kaya ng mapadaan ako noong isang araw sa bahay nila ay narinig ko ang galit na boses ng papa niya," paliwanag niya. "Dahil siguro sa mababa niyang grado at pakikipag-ayaw. Minsan nga umuuwi ng may pasa sa mukha ang lalaking iyon. Kaya ng sumilip ako sa bahay nila ay hindi ko inaasahan na masaksihan ang pagsuntok ng tatay niya sa kaniya." Napatakip sa bibig si Rico dahil sa gulat. "Tapos kinabukasan ay nabalitaan ko na lang sa kasambahay nila na lumayas si Malcolm sa kanila."

"Grabe pala magalit ang tatay ni Malcolm." Takot na sambit ni Rico.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konsensiya sa mga ginawa ko sa kaniya. Bakit 'di ko man lang inalam ang sitwasyon niya. Siguradong pinagalitan siya ng tatay niya ng dahil sa sugat na natamo niya ng sinapak ko ito sa mukha. Aish! Ano ba itong nagawa ko?! Napatayo ako mula sa pagkakaupo dahilan para mapatingin silang dalawa sa akin. Kailangan kong ipaliwanag sa tatay niya ang lahat.

His Possessive GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon