Chapter 02

1.5K 73 3
                                    

KIRO

TAHIMIK na naghanap na lang ako ng sapatos na bibilhin pero kahit ano ang gawin kong pag-focus ay napapahinto ako dahil sa tilian ng mga Babae. Pero ang mas malala ay nang dumami ang mga customer dito kaya nahirapan na akong makapili. Nahihirapan na rin akong makadaan dahil halos lahat naman sila ay pumasok lang para magpacute sa leader ng mga pugo. Napangisi na lang ako dahil mukhang naiirita na si Malcolm sa tuwing didikitan siya ng mga babae. Pinipigilan ko ang hindi matawa pero kahit anong pigil ko ay kusang kumawala ang tawa. Mabilis ko ring tinakpan ang bibig ko pero naabutan kong masamang nakatingin sa akin si Malcolm at ang mga mata nito na tila nangbabanta.

Mabuti nga! Masyado kasing nagpapansin at nagsuot pa ng bagay na magpapaagaw ng atensiyon ng lahat dito.

Nang kukunin ko na ang sapatos na napili ko ay may kamay ang umagaw dito. Napatingin ako sa may ari ng kamay na umagaw ng sapatos na kinuha ko.

"How much is this?" Tanong niya sa saleslady na nakatayo sa kaniyang likuran. Napakuyom ako sa inis dahil ako ang nauna sa sapatos na iyon kaya mabilis kong hinablot sa kamay niya.

"Ako ang nauna, miss magkano dito?" Balik na tanong ko sa saleslady kaya napatingin naman siya sa akin at nag-aalinlangan kung sasabihin ba ang presyo.

"18,380 po sir." Sagot nito. Napangiti naman ako pero kaagad ding naglaho dahil sa asungot na sumagot.

"Do you think you can buy that?" Sarcastic niyang sabat. Napansin kong halos lahat ng mga tao dito at pinagtitinginan na kaming dalawa. Kinuha nito sa kamay ko ang sapatos at ngumisi ito. "I'll buy this in triple price." Maangas na aniya. Napasinghap ang lahat sa sinabi niya. Hindi ko na mapigilan pa ang mapakuyom sa inis.

"Sure ibabalot ko na po para sa inyo sir." Sabay kuha ng saleslady sa sapatos at ibinalot ito.

"Pero ako ang nauna—" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ng naibalot na ito ng tuluyan. Kinuha ni Malcolm ang wallet niya at nilabas ang black card atm. Maraming mga tao ang nagulat sa inilabas niya na kahit ako ay nagulat rin. Alam ko ang klase ng credit card na iyon.

"Hanggang sa pagbabalik sir!" Masiglang bati ng saleslady. Sinuot nito ang blackshades niya at naglakad na papalayo habang sinusundan ng mga babae.

Argh! Sumusobra na siya!

"Ahh sir pwede pong pumili na lang kayo ng gusto niyo marami pa naman pong—" Hindi ko na pinansin ang sinasabi ng saleslady at naglakad na ako paalis. Parang anumang oras ay sasabog na ako sa galit. Napakasama talaga ng ugali ng Malcolm na 'yon kahit kalian!

Siya na ang mayaman! Bakit kailangan niya pang ipamukha sa iba?

"Kiro anak ayos ka lang ba?" Tanong ni papa dahilan para matauhan ako. Dahil sa Malcolm na iyon nawala ako sa mood ko. Ngumiti naman ako kay papa at tumango. Kanina pa kami nakauwi ni papa galling sa hospital. Nakabili na rin ako ng sapatos kahit sa halagang 500 lang. Gusto ko sanang bumili ng sapatos na tatagal pero pagtitiyagaan ko na lang siguro ito dahil baka maubusan ng gamot si papa ay mas mabuti ng handa ako.

"Ayos lang po," nagsimula na muli akong kumain.

Nakausap ko si Rico kanina at sinabi nito na namove daw ang activity by pair kaya hindi ko alam kung kakausapin ko ba iyong kapartner ko o hindi. Kasi naiisip ko pa lang na makapartner ko siya ay may mabubuong gulo. Mayroon pa akong isang linggo para makausap si Malcolm.

Ng matapos na akong kumain ay dumiretso na ako ng kwarto ko at ginawa ang mga assignments. Nagbasa na rin ako ng topic kanina sa ibang subjects para kahit papaano ay may isasagot ako kapag may recitation hanggang sa napagod na ako ay nahiga sa kama. Nakaharap ako ngayon sa depindot kong cellphone at binabasa ang mga text ni Rico. Siya lang naman ang nakakatext ko at wala ng iba. Nakunot ang noo ko ng mabasa ang text ni Rico na may binugbog daw sila Malcolm at ang mga kaibigan nito. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba sa nabasa. Tinabi ko na lang sa sidetable ang cellphone. Kailangan ko ng makatulog at baka mapanaginipan ko pa ang lalaking 'yon. Naramdaman kong unti-unting ng bumibigat ang mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatuloy.

His Possessive GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon