Chapter 22

690 28 1
                                    

KIRO

KANINA PA ako hindi mapakali sa inuupuan ko lalo na ng maisip na ngayong araw kami pupunta sa bahay ng magulang ni Malcolm. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng kamay niya sa kamay ko kasabay ng pagngiti.

"Calm down, hindi ka naman kakainin ni tita at dad," nakangising sambit niya kaya napakamot na lang ako sa batok.

"Hindi ko lang maiwasan kabahan lalo na ito ang unang beses na makakausap ko ang papa mo even he's scary." Biglang natawa si Malcolm sa sinabi ko dahil iyon naman talaga ang totoo. Sa itsura pa lang kasi ng tatay niya ay para bang kakainin ka ng buhay.

"Believe me, he likes you too,"

"Sana." Tugon ko at napatingin na lamang sa bintana. Narinig ko ang pagtawa nito ng marahan kaya sinamaan ko siya ng tingin. 

Kanina ko pa kaya gustong umatras sa idea niyang ito pakiramdam ko ay sasabog na ako sa kaba at anumang-oras ay mapapatakbo ako ng wala sa oras. Nang mapansin ko na ang gate ng bahay nila ay tila mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Napansin kong lumabas na ng kotse si Malcolm at pinagbuksan ako ng pinto kaya agad akong nagpasalamat. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon dahilan para mabawasan ang kabang nararamdaman ko. 

Gagawin ko ang lahat para kay Malcolm kaya dapat ay lakasan ko rin ang loob aking loob. Nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob at binati naman si Malcolm nga mga kasambahay dito. Ang iba ay yumuyuko pa kaya ngumingiti lang ako sa kanila at binabati. 

"Son you're here!" Napatingin ako sa taong magalak na sumigaw habang papalapit sa pwesto namin. Niyakap naman kaagad nito sa Malcolm kahit ako ay niyakap rin nito. Nang kumawala na siya sa yakap ay inimbatahan niya kami ni Malcolm sa dinner area kung saan na roon na rin ang step mom niya. 

"Masaya akong makita kang muli Kiro hijo," saad niya.

"Ako rin po." Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanya na para bang sobrang saya ko na makita siyang muli. Naaalala ko noong huling punta ko dito ay galit pa sa kanya si Malcolm pero ngayon ay nakikita ko na ang totoong ngiti sa kanyang labi.

"Let's go?" anyaya ni Malcolm sa akin at napatango naman ako kaya naglakad na kaming apat papunta sa dining are kung saan may nakahandang maraming pagkain. 

Gusto kong magpalamon sa lupa ng biglang kumulo ang tiyan ko at narinig pa nila. Nagtawanan sila kaya napakamot na lang ako sa batok dahil sa hiya na naramdaman. "Sinabi ko naman sa'yo Malcolm na huwag mong gugutumin si Kiro," naiiling na sabi ng papa ni Malcolm.

"Kung alam niyo lang kung gaano karami ang kinakain niya lagi dad," tugon naman ni Malcolm kaya nagtawanan silang dalawa. 

"Tumigil na kayong dalawa dahil pinapahiya niyo lang si Kiro sa mga kabaliwan niyo," pagtatanggol naman ng step mom nito. "By the way you can call me tita Sarah so you don't need to be shy." Bigla akong napangiti at tumango. 

"Opo tita Sarah, salamat." 

Ilang minuto rin nang magsimula na kaming apat kumain sa napakalaking lamesa. Habang kinukwento ni Malcolm kung paano kami nagkakilala ay panay naman ang tawa ni tito Marco dahil hindi niya akalain kung gaano kami hindi magkasundo sa simula na parang aso't-pusa kung mag-away. 

Ngayon ko lang nakita na ganito kasaya si Malcolm kasama ang dad niya dahil nagkasundo na rin silang dalawa sa wakas. Hindi mo rin talaga matitiim ang isang magulang na kamuhian kahit pa nagawa ka nitong saktan dahil kung minsan darating din sa punto na maiintindihan niyong dalawa ang isa't-isa kasi sa huli kayong dalawa pa rin ang magkasangga sa mga laban.

"Kiro," tawag ni tita Sarah dahilan para matauhan ako. "Nang malaman ko na darating ka ay niluto ko ang isa sa mga specialty ko, kaya ikaw lang ang makakakain nito." Nakangiting sambit nito at bigla akong kinindatan dahilan para matawa ako. Nagulat ako ng iabot sa akin nito ang isang putahe na pinakapaborito kong luto ni papa. 

His Possessive GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon