KIRO
PAGKARATING NA pagkarating sa bahay nila Malcolm ay kaagad siyang hinanap ng mga mata ko. Mabilis kong pinindot ang doorbell pero ilang minuto lang nang lumabas doon si tito Marco.
"K--Kiro b--bakit nandito ka?" gulat na tanong nito.
"Si Malcolm po ba nandito?" balik na tanong ko sa kanya pero umiling naman ito. Tatalikod na sana ako ng hawakan niya ako sa braso para pigilan.
"Can I talk to you?" Nagdalawang isip pa ako kung papayag ako sa alok nito pero wala na akong nagawa pa kung hindi ang pumayag. Napatango ako kasabay nang pagluwag niya sa pinto kaya sabay kaming dalawa na pumasok sa loob. Pinaupo niya ako sa sofa na katabi niya.
"May gusto po ba kayong sabihin?" diretso kong tanong at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. Nagulat ako nang bigla niyang tinapik ang balikat ko dahilan para makaramdam ako ng kakaibang bagay.
"I'm sorry. Hindi ko alam na may anak na pala siya at nabulag ako sa pagmamahal sa kanya." Bakas sa boses nito na tila nagu-guilty siya sa pagmamahal sa tunay kong Ina. "Kiro, nang malaman ko ang lahat ay nagalit ako sa Mama mo dahil nilihim niya sa akin ang lahat at inamin niya sa akin ang motibo kung bakit niya ako minahal." Napatulala na lang ako kay Tito Marco ng makita ang lungkot sa kanyang mga mata kahit pa nakangiti ang labi nito. "Hindi ko alam pero gusto kong humingi ng tawad dahil 'di ko man lang inalam ang buong pagkatao niya. Minahal ka ng anak ko at alam ko iyon kaya ako na ang tumapos sa relasyon naming dalawa."
Napatayo ako mula sa sofa at yumuko para humingi rin ng despensa sa nagawang mali ng tunay kong Ina. Alam ko kung paano masaktan dahil iyon din ang naramdaman ko nang malaman ko ang katotohanan.
"Mahal ko po ang anak niyo Mr. Dela Vega kaya gagawin ko ang lahat para hindi siya mawala sa akin." Napatayo na rin siya at tinapik ang balikat ko.
"Sorry, Kiro." Biglang nakunot ang noo ko nang marinig muli ang pag-sorry niya. May inabot ito sa akin na isang maliit na envelope kaya mas lalong nakunot ang noo ko.
"Para saan po ito?"
"Kung gusto mo talagang ipaglaban ang pagmamahal na sinasabi mo ay huwag kang susuko na mahalin siya dahil alam kong mahal ka rin ng anak ko." Nakangiti nitong sabi at tinapik ang balikat ko kasabay nang paglalakad papalayo.
Nang makalayo na si Tito Marco ay di na ako nagdalawang isip pa na buksan ang maliit na envelope na inabot nito sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang ticket na ang biyahe ay patungong states kaya muli akong napatingin kay Tito Marco na ngayon ay naglalakad na sa hagdan paakyat sa itaas.
Ano ang ibig sabihin nito?
"Kung gusto mo talagang ipaglaban ang pagmamahal na sinasabi mo ay huwag kang susuko na mahalin siya dahil alam kong mahal ka rin ng anak ko."
Teka, bakit iba ang kutob ko rito? Ibig sabihin... aalis si Malcolm para pumunta ng states?
Bago pa tuluyang makaakyat sa Tito Marco ay sumigaw ako.
"Maraming salamat po tito Marco!" Napaikot naman siya nang tingin at tumango sa akin.
Mabilis akong lumabas ng bahay at pumara ng taxi papuntang NAIA Airport.
"Manong sa NAIA Airport po tayo." Mabilis kong sabi at sinimulan namang magmaneho ni Manong.
Sinibukan kong tawagan ang cellphone number ni Malcolm pero nakapatay iyon. Bakit umalis siya ng walang paalam? Balak niya ba akong iwan? Imposible, hindi magagawa ni Malcolm ang iwan ako.
"Manong paki-bilis naman po." Nagmamadali kong sabi at napakamot naman sa noo si manong kasabay ng pagharurot ng sasakyan.
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil naiisip ko pa lang na iiwan ako ni Malcolm ay hindi ko makakaya.

BINABASA MO ANG
His Possessive Games
RomanceIt all began with Malcolm's rules, rules that nobody ever wanted to be a part of. All Kiro desires is a peaceful life and to complete his studies in senior high, until he breaks those rules that completely turn his life upside down. Thanks to Malcol...