Chapter 07

1.2K 68 5
                                    

Kiro's POV

ISANG DANGKAL na lamang ay magdidikit na ang labi namin ni Malcolm pero kahit pa gusto ko siyang tulakin ay parang nagyelo na ako sa pwesto ko at hindi maigalaw ang aking katawan. Napansin kong ipinikit niya ang kaniyang mata ng biglang--

"Malcolm may masakit pa ba sa'yo--" Mabilis kong naitulak si Malcolm kaya bumagsak ito sa lapag. Nanlaki ang mata ni Vincent at napahawak sa kaniyang bibig na tila ba nagulat ito sa kaniyang nasaksihan.

"M--mali k--ka ng iniisip." Nauutal kong sagot at nagmadaling lumabas ng clinic habang ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Put* nakakahiya! Napahilamos ako sa mukha ng maisip kung ano ang nasaksihan ni Vincent at paniguradong gulong-gulo iyon sa kaniyang nakita. Naglakad na ako papuntang court para magsimulang maglinis dahil pakiramdam ko na kapag bumalik lamang ako para ipaliwanag ang nangyari ay magiging awkward lang. Aish! Hinayupak ka talaga, Malcolm! Ano ba'ng tinakbo ng kokote mo?!

Para na akong timang na naglilinis dito sa court habang bumubulong. Paano kung ipagkalat ni Vincent ang nakita niya? Gulo ang resulta niyon. Ilang minuto lang ay dumating na si Malcolm at nagsimulang maglinis rin. Tahimik lamang kaming dalawa na naglilinis ng binasag ko na ang katahimikan.

"P--pinaliwanag m--mo ba kay Vincent ang nakita niya?" Kinakabahan kong tanong at huminto naman siya sa paglilinis at tumango.

"Yeah," maikling sagot nito at nagsimulang maglinis muli.

"Ano'ng reaction niya? Sinabi mo ba na nililinisan mo lang ang sugat ko?" Sunod-sunod kong tanon at bagot naman niya akong hinarap.

"Calm down, Kiro. He would not tell to everyone what he had seen." Kalmang aniya. Tumango-tango naman ako dahil alam kong hindi iyon ipagkakalat ni Vincent.

Ng matapos na kaming maglinis ay bumalik na kami sa classroom ngunit bawat daan na nadaraanan namin ay napapansin ko ang mga tinginan ng ibang estudyante. May dumi ba sa mukha ko? Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at wala namang problema.

"Bakit tumitingin sila sa'tin?" Bulong ko kay Malcolm at nagkibit balikat naman siya.

Pagkarating sa room ay mabilis na lumapit sa akin si Rico at bakas sa mukha nito ang taranta.

"Mabuti dumating ka na, totoo bang muntikan ka ng halikan ni Malcolm?" Pabulong na tanong ni Rico kaya nanlaki ang mata ko.

"Ano?! S--saan mo naman n--nalaman ang kwentong 'yan?" Napatingin ako sa paligid at naabutan kong nakatitig sa akin ang buong klase. 

"Kalat na ngayon sa buong campus." Nalaglag panga na lamang ako. Hinayupak ka Vincent! Inikot ko ang aking tingin ng namataan ng mata ko si Vincent ay masama ko itong tinitigan. Nagtaas ng balikat lamang ito pero ramdam kong nagsisinungaling siya. Siya ang nagpakalat sa lahat na muntikan na kaming maghalikan ni Malcolm. 

"Walang katotohanan ang mga nabalitaan mo," hinarap ko si Malcolm na nasa tabi ko habang walang reaction. "Sabihin mo sa kanila na hindi totoo ang nalaman nila." Pagpupumilit na bulong ko kay Malcolm. Tinitigan naman niya ako kasabay ng pagbulong.

"Don't make the things obvious, Idiot." Malalim na aniya. Nagdikit ang kilay ko. 

"Sabing may pangalan ako, KI-RO! Kiro ang pangalan ko hindi idiot." Bulong na sigaw ko sa kaniya. 

"Ehem," tikhim ni Rico dahilan para mapansin ko na ngayon ay lahat na sila nakatingin habang magkaharap kami ni Malcolm na animo'y may pinagtatalunan. Napaayos ako ng tayo. 

"Sorry." Iyan lang ang tanging nasabi ko hanggang sa dumating na ang prof namin at nagsimula na itong magturo.

Binabagabag pa rin ako at hindi ko magawang magfocus sa tinuturo dahil sa tsimis na kumakalat. Gusto kong sumabog sa inis dahil pahamak talaga ang Vincent na 'yan. Kailan tatahimik ang buhay ko kahit saglit lang.

His Possessive GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon