Chapter 20

694 34 5
                                    

KIRO

HALOS NAPAGOD ang lahat sa mga activity ngayong araw dahil more on physical movements at kailangan mong gumalaw. Kaya ngayong oras ay abala na ang lahat sa pagkain ng hapunan habang naglalaro. Naglaro na rin kami truth or dare habang nakaupo sa kanya-kanyang upuan nang bigla sa akin tumapat ang tuktok ng bote. Kainis!

"Truth or dare?" Tanong ni Yumiko sa akin. Nandito siya sa amin ngayon dahil inimbitahan siya ni Rico. Ayaw din kasi ni Yumiko na sumama sa mga kaklase niya dahil halos lahat ng mga iyon ay puro kpop ang pinag-uusapan.  

"Truth." Matapang kong sagot habang iniinom ang tubig.

"Kailan tumibok ang puso mo kay Malcolm?" Mabilis kong naibuga ang tubig sa gulat. Natawa silang lahat sa naging reaksyon kaya nahiya bigla ako. Aish! Kahit truth pala ang piliin ko hindi ako makakatakas. Ngayon ay nakatingin na sa akin si Malcolm na nasa tabi ko lamang kasabay ng pag-abot nito sa akin ng tissue kaya kaagad ko naman iyon tinanggap. Napaayos ako ng upo at tumikhim para kahit papaano ay lumakas ang loob ko.

"Ang totoo niyan ay... matagal na akong may gusto kay Malcolm pero-- natatakot lang akong aminin sa sarili ko." Iyon lang ang sinagot ko pero halos natahimik ang lahat. Si Rico na ang pumutol sa katahimikan at inikot muli ang bote at sa hindi inaasahan ay kay Malcolm iyon tumapat. 

"Ikaw na ang magtanong Kiro," ngiting saad ni Rico kaya tumango naman ako at hinarap si Malcolm.

"Truth or dare?" Nakaabang ang lahat sa sagot ni Malcolm habang sila Vincent naman ay tila may balak ng gawin ngunit hindi nila inaasahan ang pinili nito.

"Truth," matapang na sagot ni Malcolm. Napangisi ako at napangalumbaba sa kanya habang diretsong tinititigan ang mga mata. Sabi kasi sa akin ni papa na malalaman mo raw kung nagsasabi ang isang tao ng totoo kapag walang pag-aalinlangan kang mababasa sa mga mata nito.

"Kaila tumibok ang puso mo para sa'kin?" Hindi na ako nagdalawang isip na pag-isipan ang tanong na iyon dahil ito na ang tamang oras para malaman nilang lahat ang tungkol sa relasyon naming dalawa. Alam kong nagtatakha na silang lahat kahit pa alam na nila ang sagot ngunit mas gusto pa rin nilang manggagaling sa amin ni Malcolm ang sagot.

"Noong sinigawan mo ako sa Mall habang bumibili ka ng sapatos," aniya. Nagulat ako sa sinagot nito dahil ngayon ko lang nalaman iyon. Ibig sabihin matagal na niya akong gusto at totoo lahat ng mga sinasabi niya? Kahit sa birthday party ni Rico kung saan nagcoconfess siya?

Napalunok ako ng biglang hinawakan ni Malcolm ang kamay ko at itinaas iyon.

"We're in a relationship." Diretsong sambit ni Malcolm dahilan para mapahinto ang lahat at nakatingin sa amin. Maraming mga estudyante ang lumapit para malaman ang lahat. Bigla akong kinabahan sa mga tingin nila na tila ba masama na maging boyfriend ko si Malcolm pero lahat ng takot na 'yon ay nawala ng maramdaman ko ang mainit na palad ni Malcolm sa kamay ko. Napangiti ako at tumango sa kanilang lahat.

"Nagsasabi siya ng totoo, boyfriend ko na ngayong si Malcom." Pakiramdam ko ay puro galit at inis ang ipapakita nila sa akin ngunit nagkamali ako ng sabay-sabay silang bumati.

"I told 'ya! Magiging sila!" Sigawan ay hiyawan ng lahat sa paligid. Nagulat pa ako ng magtoast sila ng basong tubig.

"Congrats!" Masayang bati ni Yumiko na kinatango ko. Naputol ang pagsasaya ng mapansin kong may dalawang babae ang lumapit at sila iyong nagturo sa akin kung saan pumasok si Malcolm sa loob ng kagubatan. Puno ng takot ang mga mata nito at mabilis na lumuhod sa harapan ko.

"Patawad hindi namin sinasadya na lokohin ka Kiro."

"Tama siya akala talaga namin pumunta si Malcolm doon, Sorry." Nagulat ako ng sabihin nila iyon kahit ang mga tao sa paligid.

His Possessive GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon