Epilogue 02

918 22 2
                                        

KIRO

NANG MATAPOS na kami ni Malcolm sa Ferris wheel ay sinubukan pa namin ang ibang laro. Ewan ko ba hindi makatakas sa mga mata ng babae at lalaki si Malcolm dahil na rin sa ka-gwapuhan niya. Kaya ng hindi ko na mapigilan ang mainis ay bumili ako ng maskarra at isinuot sa mukha niya.

"Iyan, mas gwapo ka tignan kapag may maskarra." Nakunot ang noo ko ng kumuha din siya ng isang pang maskarra at isinuot sa akin.

"Nakakainis mga tingin nila sa'yo," malamig niyang sabi at hinatak ang kamay ko.

Ano daw? May tumitingin ba sa akin? Wala kasi akong napapansin o sadyang nakatuon lang ang buo kong atensyon kay Malcolm.

Napaikot pa ako ng tingin pero wala naman talaga akong napapansin na nakatingin sa akin maliban sa isang napaka-cute na batang lalaki habang hawak ang teddy bear niya. Nagulat ako nang lumapit ito sa aming dalawa ni Malcolm habang ang mga ngiti nito ay napakalapad.

"Hi kuyang pogi!" masayang bati niya sa akin. Napangiti ako at binati rin siya pabalik habang pinipisil ang kanyang pisngi.

"Bakit mag-isa lang ang napaka-cute na bata? Nasaan ang mga magulang mo?" Ngayon ko lang kasi napansin na mag-isa lang siya at walang kasama. Nalungkot bigla ang masigla nitong ngiti ng tanungin ko siya tungkol sa kanyang magulang.

Lumuhod pa ako para mapantayan siya at naramdaman kong pipigilan sana ako ni Malcolm pero tinabig ko ang kamay niya dahilan para mairita siya.

"Baka nag-aalala na ang magulang mo kapag nalaman nilang umalis ka ng mag-isa." nakangiti kong sambit sa kanya at tinap ang ulo.

"Hindi naman nila ako hahanapin eh, at tsaka mas mahalaga sa kanila ang trabaho nila kesa sa samahan ako maglaro." Bigla akong nakaramdam ng awa dahil sa sinabi niya. Nagulat ako ng bigla itong ngumiti at hinawakan ang kamay ko. "Pwede mo po ba akong samahan maglaro?" masigla nitong tanong.

Napatingin ako kay Malcolm na ngayon ay nakabusangot na at tinanggal pa ang kamay ng bata sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hinawakan kong muli ang kamay ng bata at ngumiti.

"Sige ba, gusto mong subukan ang mga laro dito?" Ilang beses din siyang tumango. Napatayo na ako at hinatak ang kamay niya. "Tara may ipapakita ako sa'yo."

"Yehey!" Napatalon pa siya sa tuwa ng pumayag akong samahan siyang lumibot at maglaro. Napahinto ako sa paglalakad ng mapansin si Malcolm na nakatitig lang. Balak ko sanang lapitan siya pero bumitaw sa akin ang bata at kusang lumapit kay Malcolm. "Gusto mo po bang sumama sa amin?" Alok niya sabay hawak sa kamay ni Malcolm.

Unti-unting bumalik ang sigla ni Malcolm at tumango sa bata. Napangiti ako ng makita si Malcolm na binuhat ang bata sa kanyang likuran dahilan para matuwa ito. Ewan ko ba pero kahit na may pagkamakulit ang ugali niya ay siguradong balang-araw na magiging isang mabuting Ama rin siya.

Napansin kong may binulong si Malcolm sa bata kasabay ng tawanan nilang dalawa at lumapit sa akin.

"Ano na namang kalokohan ang itinuro mo sa bata?" kunot noo kong taong. Nagkatinginan pa silang dalawa kasabay ng pag-iling.

Napangisi na lang ako ng hawakan ng bata ang kamay ko.

"Ako nga po pala si Edward," ngiting pakilala ng bata.

"Ako naman si Kuya Kiro at siya naman si Kuya Malcolm." Sabay turo ko kay Malcolm.

"Sabi po ni Kuya Malcolm na asawa niyo po siya hehehe ang galing! May dalawa akong Papa!" Nagulat ako sa sinabi nito kahit si Malcolm ay nagulat din.

Nag-init ang dalawang pisngi ko kaya mabilis akong umiwas para hindi nila mapansin iyon. Kailangan niya pa talagang sabihin 'yon? At tawagin niya kaming Papa?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Possessive GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon