Chapter 19

768 37 2
                                    

KIRO

SA TUWING tumitingin ako kay Edmon ay 'di man lang ito umiimik o di kaya'y humihingi ng tulong sa akin kahit na alam kong nahihirapan siya. Alam ko na iniiwasan niya pa rin ako dahil sa pinag-usapan naming dalawa noong nakaraang araw pero hindi pwedeng ganito na lagi na lang kaming hindi nagpapansinan. Ng maglalagay siya ng uling ay kaagad kong kinuha iyon at ako na ang nagsiga ng uling para sa pang-ihaw.

"Kanina ka pa napapaso kaya ako na lang ang gagawa." Tumingin lamang ito at bumuntong hininga kasabay ng pagtango. "Wala namang masama humingi ng tulong kaya huwag mong sarilihin ang lahat, Edmon." Hindi ko alam kung humuhugot ako sa part na 'yon pero ang gusto ko lang naman ay pagsabihan siya dahil kanina ko pa napapansin na ayaw niyang magsalita.

Habang nagbabarbecue kaming dalawa ay napapansin kong habang tumatagal ay nagsasalita na siya at kinakausap ako. Ayaw ko naman basagin ang sitwasyon lalo na nakakausap ko na siya ngayong hindi katulad nitong mga nagdaang araw na mailap siya sa akin.

"By the way I talk to Kimberly and I warn her if she do that again I'll exposed everything what she's doing." Napangiti naman ako at nagpasalamat pero sinabi ko rin na hindi na niya kailangan pang gawin iyon. Magsasalita sana ako ng mapatingin ako sa di kalayuan at nakita ko si Malcolm na pinagkakaguluhan ng mga babae. Hindi ako nagseselos okay? Ang sakit lang sa mata ng nasasaksihan ko ngayon.

Nagulat ako ng biglang pinunasan ni Edmon ng sauce ang pisngi ko. Napahalakhak ito sa tuwa habang nakahawak pa sa kanyang tyan.

"Better," sambit nito.

"Ah gusto mo pala ng away, pwes pagbibigyan kita," dali-dali kong kinuha ang brush ng sauce at nilagyan din siya sa pisngi. Hindi ko na maiwasan pa ang matawa rin dahil sa itsura namin dalawa ngayon. "Quits."

"Okay you win." Natatawang sagot nito hanggang sa siya na ang sumuko at ngayon ko lang napansin na nakatingin na pala sa amin ang lahat ng estudyante. Kahit si Malcolm ay nakatingin ng diretso na parang binabasa ang kanyang nasaksihan pero kaagad din siyang ngumiti at lumapit sa amin para tumulong.

"I'm good at this mahal let me take care that." Proud nitong sabi at inagaw sa kamay ko ang brush. Umupo na lang ako sa upuan habang pinapanood silang dalawa na magbarbeque. Wala naman na akong gagawin kaya okay lang kahit si Malcolm na ang gumawa dahil wala si miss. Napansin kong bumubulong si Malcolm kay Edmon na tila may tinatanong pero nginingisian lang siya nito. Mababanaad sa mukha ni Malcolm na para bang nababadtrip na hanggang sa nakuha ko kung ano ang problema niya. Tsk, nagmamagaling pa kasi hindi naman pala marunong magbarbeque.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinawakan ang kamay niya. Pansin kong nagulat siya sa ginawa ko at tila sumilay ang ngiti sa labi.

"Tumingin ka sa ginagawa mo hindi sa mukha ko, Malcolm," naiiling kong sabi. Tumango naman siya at hinayaan akong hawakan ang kamay niya habang tinuturo kung paano ang tamang pagbarbeque. "Alam mo ang galing-galing mong magluto pero pag-ihaw ng barbeque hindi mo kaya?"

"Tsk, I know how to fried not to grill, but I'm thankful because you're here to teach me." sabay kindat nito. Nanliit ang mata ko dahil sa paraan ng pagsasalita niya na parang nakikipagflirt.

Nagpatuloy na kami sa pag-iihaw hanggang sa nagpaalam si Edmon para kumuha ng tubig kaya naiwan kaming dalawa ni Malcolm na tinatapos ang barbeque. Marami na rin ang nagsisimulang kumain ng hapunan at ang iba naman ay nagkakasiyahan na. Napatingin ako ng biglang tumayo si Malcolm mula sa tabi ko. Nagdikit ang dalawang kilay ko.

"Saan ka naman pupunta?" Ngumiti naman siya at pinisil ang dalawang pisngi ko.

"Hindi ako aalis dahil may kailangan lang akong puntahan mahal ikaw talaga," pinitik ko ang kamay nito na nakapisil sa dalawang pisngi ko, "pwede naman pilitin mo akong huwag umalis para sasamahan kita dito." Tinaboy ko kaagad siya dahil sa mga pinagsasabi niya.

His Possessive GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon