Kiro's POV
"WHAT the f*ck?! Are you crying?" Galit na tanong ni Malcolm.
"Saan mo ba ako dadalhin? Papatayin mo ba ako hah?!" Biglang nalaglag ang panga nito sa sinabi ko at mabilis na pinreno ang kotse kaya tumama ang ulo ko sa salamin. Argh! Ang sakit ng ulo ko dahil sa pagtama t*ngna! Hinarap ko siya ng nanlilisik ang mga mata. "Pwede bang magdahan-dahan ka naman!"
"I'm not going to kill you because I-Am-not! Insane to do that idiot." Madiin nitong sambit. Kanina gusto kong maluha dahil pakiramdam ko na ito na ang katapusan ng buhay ko pero nawala ang lahat ng iyon ng tawagin na naman niya ako ng 'idiot'. Nagpatuloy na lamang ito sa pagmaneho kaya tumahimik na lang ako sa pwesto ko.
Ilang minuto rin ng mapansin ko na pumasok kami sa isang village kaya kunot noong hinarap ko si Malcolm.
"Nasaan tayo?"
"In my house." Walang gana nitong sagot. Nanlaki ang mata ko dahil ito ang unang beses na makakapunta ako sa bahay nila. Hindi ko maiwasan mapalunok dahil napansin kong uminto na ang kotse. "Uupo ka na lang ba diyan?" Singhal nito kaya mabilis akong lumabas ng kotse. Nakasunod lamang ako sa likod niya hanggang sa nakapasok na kami sa loob ng bahay nila. Napa 'wow' ako dahil sa ganda ng bahay nila at halos lahat ng mga gamit ay mamahalin. May sumalubong sa amin na isang babae nasa tingin ko ay nasa mid 30s.
"Nakauwi ka na pala--" hindi na niya natuloy pa ang sasabihin ng lagpasan lamang siya ni Malcolm. Hanggang dito rin pala ay ganoon ang ugali ng pugong 'yon. "Hi kaklase ka ba ni Malcolm?" Ngiting tanong niya at mabilis naman akong tumango.
"Opo, ako nga po pala si Kiro." Pagpapakilala ko sabay lahad ko ng kamay. Tinanggap naman nito ang kamay ko na nakalahad.
"Sorry kung nakita mo ang inasta ng anak ko sa akin."
"Ayos lang po, at tsaka hindi na rin naman bago sa akin ang ugali ng anak niyo." Sagot ko dahilan para matawa kaming dalawa.
"Hey idiot!" Napapikit ako ng mariin ng tawagin ako ni Malcolm. Tignan mo, ang bastos talaga ng isang 'to, nakikipag-usap pa ako.
"Mauuna na po ako." Paalam ko na kinatango niya.
Tumakbo ako papalapit kay Malcolm at tinitigan siya ng nanlilisik ang mga mata. Napangisi naman ito at naglakad na paakyat sa itaas. Sinundan ko lang siya hanggang sa napunta kami sa kwarto niya.
"Pasok." Aniya.
Pagkapasok ko sa loob ng kwarto niya ay hindi ko alam kung matatawa ako dahil sa mga bagay na nandito sa kwarto niya. Halos lahat ay may mukha ni ben10.
"HAHAHA!" Tuluyan na akong natawa habang hawak ang tiyan. Ngayon alam ko na kung bakit ang weird ng pugong 'to. "Kaya pala may sira yung utak mo dahil siguro dito." Sabay turo ko sa mga figures at mukha ni ben10.
"Stop laughing." Napahinto ako sa pagtawa ng marinig ang boses nito na animo'y nagbabanta. Tinakpan ko kaagad ang bibig ko para pigilan ang hindi matawa. Umiwas na lamang siya ng tingin at kinuha ang guitara mula sa isang silid.
"Ano gagawin ko diyan?" Bigla kasi niyang inabot sa akin ang guitara.
"Kainin mo." Sarcastic na aniya. "Alam mo ba gamitin ito?" Walang emotion niyang sabi. Napatango-tango naman ako at kinuha ang guitara sa kaniya. May inabot itong papel sa harapan ko at kaagad kong napansin na chords ito ng kanta. Kumuha siya ng upuan at pinaupo ako roon habang siya naman ay nakaupo sa kama na kaharap ko. "Start."
Ng inistrum ko na ang guitara ay napansin ko na nakatingin lamang siya sa paggalaw ng kamay ko. Nakakailang strumming pa lang ako ng pigilan nito ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
His Possessive Games
RomansaIt all began with Malcolm's rules, rules that nobody ever wanted to be a part of. All Kiro desires is a peaceful life and to complete his studies in senior high, until he breaks those rules that completely turn his life upside down. Thanks to Malcol...
