KIRO
TILA HINDI ako makagalaw sa hinihigaan ko at may kung anong bagay ang nakadagan sa aking tiyan. Unti-unti kong iminulat ang aking mata at tinitigan ang bagay na nakadagan dahilan para manlaki ang mata ko. Dali-dali kong sinipa si Malcolm dahilan para mahulog ito sa kama. Mukhang nagulat siya mula sa pagbagsak at tumayo habang kinukusot ang mata.
"Baliw ka na ba?! Bakit nandito ka sa kwarto ko?!" Sigaw ko sa kaniya sa inis. Tanging boxer short lang at sando ang suot nito. Napatingin naman siya sa akin na parang wala lang sa kaniya ang lahat. Unti-unting nawala ang galit na nararamdaman ko ng mapansin na tila pagod ito at mukhang kulang sa tulog. "Nanaginip na naman ba ako?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya habang tinititigan ako diretso sa mata.
"Yeah," napakagat naman ako sa ibabang labi dahil si papa lang ang nakakaalam ng ganitong pangyayari. Napayuko na lamang ako at ramdam ko ang pagtubig ng aking mata. Simula ng nabully ako noong elementary ay nangyayari na sa akin ang ganito. Kung minsan nga ay dumidiretso ako ng simbahan para humiling na sana ay buhay pa ang mama ko. Bigla akong niyakap ni Malcolm kasabay ng paghagod niya sa likuran ko.
"B--bakit k--ka ganito." Maktol ko kay Malcolm at unti-unti ng bumagsak ang luha sa aking mata. Sa tuwing gusto ko malaman ang storya ni mama ay binabago ni papa ang usapan. Kahit man lang litrato nito ay wala ako. Alam mo iyong pakiramdam ng pagmamahal ng isang ina? Sana man lang ay kahit nakita ko ang mukha niya, kahit iyon lang pero walang natupad sa mga iyon. Sadyang madamot ang tadhana para ibigay sa akin ang aking kahilingan.
Kumawala na ako sa pagyakap at pinunasan ang luha.
"Alam mo na ang kahinaan ko, ipagkakalat mo na ba sa lahat at pahihirapan ako?" Bakas sa mata nito ang awa hanggang sa hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.
"No, Kiro. I'm not that kind of person." Mahinahon na aniya. Mabilis kong tinanggal ang kamay niya ng may libong kuryente ang dumaloy sa aking katawan.
"H--huwag kang maging mabait sa'kin." Dumiretso na ako sa ibaba ng kusina dahil hindi ko na kayang tagalan pa ang mga titig niya.
Nagtimpla na lamang ako ng kape at kumain ng tinapay. Naramdaman ko na lang na bumaba na rin siya at nagtimpla ng kape niya. Walang nagsasalita sa aming dalawa pero mas mabuti na rin iyon dahil baka masira lang ang araw ko ngayon kapag pinuna niya ang kinikilos ko. Nagmadali akong umakyat sa kwarto para maligo at nagsuot ng uniporme para maghanda sa pagpasok. Pagkabukas ko ng pinto ay sakto ring paglabas ng kwarto ni Malcolm pero hindi ito nakasuot ng uniporme dahilan para makunot ang noo ko.
"Saan ka pupunta?" Napangisi naman siya kaya nagdikit ang kilay ko. "Nagtatanong lang ako kung ayaw mong sagutin ay ayos lang." Maglalakad na sana ako paalis ng hatakin niya ang aking kamay at niyakap ako ng mahigpit. Ito na naman ang kakaibang epekto sa tuwing ginagawa niya ito pero dati naman ay hindi ganito ang nararamdaman ko. Bigla itong kumalas sa pagkayakap at kinurot ang aking pisngi.
"I'm not leaving." Ngiting aniya at mabilis kong pinalo ang kamay niya.
"Tsk, wala akong pakialam kung umalis ka o hindi." Sabay alis ko palabas ng bahay. hindi pa man ako nakakalayo ay napahinto ako ng marinig ang pagsigaw ni Malcolm.
"Goodluck to you wifey!" Sigaw niya dahilan para mapatingin ang maraming tao. Put*! Ano na namang pinagsasabi niya?
Sinamaan ko siya ng tingin at tinakpan ang aking mukha. Aish! Kahit kailan talaga pahamak ang lalaking 'to! Inis kong bulong sa sarili at nagmadaling naglakad pasakay ng bus. Inabot ko kaagad ang bayad at naupo. Napahawak ako sa aking dibdib ng para bang ang bilis pa rin nito. Bumalik muli sa isipan ko ang ginawa ni Malcolm kanina pero hindi ko alam kung bakit parang bumagal ang takbo ng oras habang kumakaway ito sa akin. Hinawakan ko ang aking ulo dahil parang masisiraan na ata akong ng bait.

BINABASA MO ANG
His Possessive Games
RomansaIt all began with Malcolm's rules, rules that nobody ever wanted to be a part of. All Kiro desires is a peaceful life and to complete his studies in senior high, until he breaks those rules that completely turn his life upside down. Thanks to Malcol...