Chapter 11

1.3K 60 2
                                    

KIRO

PUNO NG hiya ang nararamdaman ko ngayon habang nasa bus dahil halos lahat ng mga pasahero ay nasa akin nakatingin. Bumili na nga ako ng mask para lang matakpan ang mukha ko pero sadyang matalas ang mga mata nila para makilala ako. Ng makarating na ako sa amin ay mabilis akong bumaba ng bus at nagmamadaling naglakad papunta sa bahay. Napahilot ako sa sentido ng makitang ang daming mga police sa harapan ng bahay habang kinakausap si Malcolm.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa na puntahan sila dahilan para magulat silang lahat.

"Kiro?" Mabilis na niyakap ako ni Malcolm. "Thank God you're okay." Nag-aalalang aniya. Nagdikit ang aking kilay at mabilis na itinulak siya.

"Ano na naman bang ginawa mo?!" Inis na sabi ko sa kaniya. Unti-unti naman niyang narealize kung ano ang bagay na ginawa niya. Napatikhim naman siya at nakangiting hinarap ang mga police.

"I think he's here, you all may go now." Pagtataboy nito sa mga police. Puno ng mga pagtatakha ang kanilang mga mata hanggang sa umalis na silang lahat. Muli akong hinarap ni Malcolm at ngayong oras na ito ay hindi ko na mapigilan ang magalit sa kaniya.

"Baliw ka na ba?!"

"No I'm not--"

"Then why are you doing this?!" Mabilis ang bawat paghinga ko dahil sa galit na nararamdaman. Pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang pigilan ang hindi magalit sa mga pinaggagawa niya. "Bakit kailangan mong pakialam ang mga bawat kilos ko? This is my life Malcolm and you don't have a rights!" Nagmamadaling pumasok na ako sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto. Malakas na sinarado ko ang pinto ng kwarto at ni'lock. 

Pinagsusuntok ko ang unan para lang gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Narinig ko ang mahinang pagkatok sa pinto dahilan para mapahinto ako at umupo ng maayos. 

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Bungad na tanong ko.

"Can we talk?" Mahinahon na saad nito. Napabuntong hininga na lamang ako at tumango. May magagawa pa ba ako? "Look, I am sorry for what I did. I just concern about you." Kasabay ng paglapit niya at umupo sa tabi ko. Umatras naman ako na kaunti ng may kakaibang pakiramdam akong naramdaman. 

"Alam kong nag-aalala ka lang pero sana naman binasa mo iyong notes na iniwan ko sa ref." Nagdikit naman ang noo nito sa sinabi ko.

"Notes?" 

"Oo, iyong papel-- huwag mong sabihin na hindi mo nabasa?" Dali-dali akong napatayo at dumiretso sa ref habang si Malcolm ay nakasunod lang. "Teka, dito ko lang dinikit iyong papel pero bakit wala na?" Napaikot ako ng tingin hanggang sa napansin kong nasa sahig ng iyong papel. 

"I think it's your fault--"

"Shut up Malcolm." Naiinis kong putol sa kaniya. Napatahimik naman siya at nag-close zip sa labi. Sa susunod ay didikitan ko na ng sandamakmak na tape para naman hindi mahulog at mauwi sa kabaliwan niya. 

~Ggggrrrrr

Napahawak ako sa tiyan ko ng marinig na kumulo ito. Nalimutan kong hindi pa pala ako nakakakain ng tanghalian dahil sa kahibangan ni Malcolm. Biglang hinawakan ni Malcolm ang kamay ko at hinatak paupo.

"Good thing is I'm not done eating my lunch." Sabay ngiti nito.

Hindi na ako umangal pa at hinayaan siyang paghandaan ako. At tsaka kasalanan niya rin naman kaya hindi ako nakakain ng tanghalian kanina sa karinderya. Natakam bigla ako ng makitang masasarap ang mga nakahain sa lamesa.

"Ikaw ang nagluto nito?" Gulat na tanong ko sa kaniya.

"Yup, you're future husband." Kasabay ng pagkindat niya. Pinaningkitan ko naman siya ng mata.

His Possessive GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon