KIRO
NAPAHILOT NA lang ako sa sentido nang maramdamang ang pananakit niyon. Pinilit kong tumayo kahit pa may kung anong bagay ang nakadagan aa aking tiyan. Pikit pa rin ang aking mata na naglakad pababa sa kusina.
Naghilamos na lamang ako para naman magising ang diwa ko kahit papaano. Ng maimulat ko na ang aking mata ay pilit kong iniisip kung ano ang nangyari kagabi pero wala akong maalala. Ang tanging naaalala ko lang ay nakatitig ako sa kalangitan at ang sumunod na mga nangyari ay hindi ko na matandaan.
Sumasakit pa rin ng kaunti ang ulo ko kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na magluto ng noodles. Habang abala sa pagpapakulo ng tubig ay binabagabag pa rin ako ng aking isip dahil sa mga sinabi ko kay Malcolm.
"Bakit ba lagi niyang sinasabi na gusto niya ako--" 'di ko na natuloy pa ang aking sasabihin ng may pangyayari ang pumasok sa aking isipan.
"Malcolm, please sleep with me."
"You're drunk Kiro and I don't want to take the advantage."
"Gusto kita Malcolm!--hmm!"
"Marami na ang natutulog Kiro!"
"Sabi ko gusto kita kaya dito ka lang huwag kang umalis."
Natawa ako at napailing.
"Imposible, hindi ako gagawa ng kabaliwan dahil lang sa pugong 'yon." Sambit ko sa sarili. Bigla akong kinabahan dahil sa tuwing naiisip ko ang pangyayaring iyon ay para bang totoo. Napagdesisyunan kong umakyat sa kwarto ko para tignan si Malcolm kung nandoon nga talaga and in just snap of a finger ay napanganga na ako ng tuluyan. Mukhang totoo nga ang panaginip ko.
"Wah!" Napasigaw ako dahilan para bumangon si Malcolm na natataranta.
"What the f*ck?! Why are you shouting?" Galit na saad niya.
"Anong ginagawa mo sa kwarto ko? Bakit nandito ka?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya. This is not real.
"Did you forget what you did to me?" Aniya habang nakataas ang dalawang kilay. "Hindi ako makatulog ng maayos because you keep hugging and kissing me. Kulang na lang ay rapin mo ako, Kiro." Napakagat ako sa ibabang labi at isinara ang pinto dahil sa kahihiyan. Ano ba kasing pumasok sa kokote ko at uminom ako ng alak?!
Napansin kong humukas ang pinto at niluwa niyon si Malcolm na walang pang-itaas. Napalunok ako ng makita ang malusog niyang katawan na kahit pigilan ko ang hindi mapatitig ay sadyang may buhay ang mata ko.
"What's the smell?" Tanong nito. Unti-unti kong narealize ang niluluto ko.
"Niluluto ko!" Natatarantang sigaw ko at dali-daling bumaba sa kusina. Napaubo ako sa amoy ng usok kaya kumuha ako ng tubig at ibinuhos 'yon. Napansin ko na nasa likuran ko si Malcolm habang nakangiti.
"You better learn how to cook, Kiro." Pangangaral niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"At bakit kailangan kong matutong magluto?" Nakapamewang kong sagot sa kaniya at dahan-dahan naman siyang lumapit kaya halos isnag dangkal na lang ay magdidikit na ang labi naming dalawa.
"Because you're my future wife and I'm your husband." Matapang nitong saad. Mabilis na dumapo ang kamao ko sa mukha niya habang kinakagat ang ngipin sa inis pero tumawa lang siya.
"Tumigil ka na sa mga pangtitrip mo Malcolm." Nilagpasan ko na lang siya at nilinis ang mga kalat. Padabog na umakyat ako sa itaas at sinukbit ang bag.
"Are you going now?" Haharang pa sana siya sa dinaraanan ko ng samaan ko siya ng tingin kaya napahinto siya sa kinatatayuan niya.

BINABASA MO ANG
His Possessive Games
RomanceIt all began with Malcolm's rules, rules that nobody ever wanted to be a part of. All Kiro desires is a peaceful life and to complete his studies in senior high, until he breaks those rules that completely turn his life upside down. Thanks to Malcol...