Prologue

4.6K 122 13
                                    

KIRO

Gumising sa mahimbing kong tulog ang napakalakas at nagwawalang orasan sa sidetable dahilan para uminit ang ulo ko. Alam mo iyong pakiramdam na gusto mo pang matulog at mahiga na lamang buong araw pero narealize ko na ito pala ang unang araw ng klase.

Bagot na tumayo ako sa kama at naligo sa malamig na tubig na akala mo ay nagyeyelo sa loob. Mas gusto ko pang tuwing hapon ang pasok ko kesa sa umaga dahil hindi ko kaya ang malamig na tubig.

"Pa' akala ko ba nagpakulo ka ng mainit na tubig?" Maktol ko kay Papa na abala sa pagluluto ng almusal.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na bago ka matulog ay magpakulo ka ng tubig para sa panligo mo kinabukasan?" Aniya.

Napakamot na lang ako sa batok. Wala akong choice kung hindi salubungin at kalabanin ang malamig na tubig. Nakailang buhos din ako bago tinapos ang pagligo. Naabutan ko si papa na naghahanda na ng almusal kasabay nang pagkain niya kasama si lola. Dumiretso na ako ng kwarto para magsuot ng uniporme.

Habang abala ako sa pagbubutones ay narinig ko ang sigaw ni papa mula sa ibaba.

"Kiro nandito na si Rico!" Sigaw niya. 

Mabuti pa ang kaibigan ko ay excited na pumapasok sa klase tuwing first day of school. Kabisado ko na ang mga galawan niya kahit paghinga niya ay alam ko. Paano ba naman ay laging dikit nang dikit sa akin ang kaibigan ko na 'to.

Napansin kong bumukas ang pinto at niluwa niyon si Rico na nakangiti ng malapad.

"Kiro na miss kita!" Sambit nito sabay kapit sa braso ko.

Siya si Rico Portugal. Ang matalik kong kaibigan simula ng nasa elementarya pa lamang ako. Malapit ang tatay namin sa isa't-isa kaya hindi kami nahirapan magkasundo. Kahit sa pangalan naming dalawa ay magkatunog.

"Tigil-tigilan mo 'ko sa kaartehan mo dahil kakakita lang natin kahapon." Sabay tanggal ko sa kamay niya na nakapalupot.

"Nagkita ba tayo kahapon?" Aniya sabay himas sa baba. Iyan ang isa sa mga kinaiinisan ko sa kaniya ay sa tuwing lumalabas ang pagkaisip bata niya. "Ay oo nga pala." Sabay hagikgik nito.

Napailing na lamang ako at inanyayahan siyang sumabay sa akin Sa pag-almusal. Pinaghanda na kami ni Papa ng almusal. Nang matapos ay nagmadali na kaming nagpaalam at baka mahuli pa sa unang araw ng klase. Magkasabay kaming naglalakad ni Rico papasok ng Hustone University. Napansin ko si Rico na abala sa kakapindot sa bagong phone na ipinagmalaki niya pa sa akin kanina. Hindi ko na lamang siya tinapunan pa ng tingin at naglakad na lang. Ang totoo niyan ay dipindot lang ang gamit ko. Ano ba kasing alam ko sa mga bagong teknolohiya? Alangan wala.

Marami na kaming nakakasabay na estudyante sa paglalakad at halos lahat sa kanila ay naka kotse. Narinig ko ang pagsipol ni Rico ng makita ang isang ferrari na dumaan sa harap namin.

"Woah! Mukhang bigatin ang may ari." Bulong niya. Napailing na lang ako at pumasok na sa loob. Kakapasok pa lamang namin ng gate nang makita ang isang Lalaki na lumabas mula sa ferrari. Iyon ang kotse na dumaan sa harap namin kanina at mukhang tama nga si Rico na bigatin ang may ari.

Pinalibutan agad siya ng mga maraming tao at halos lahat ng mga ito ay puno ng paghanga ang mga mata.

"Sana ganiyan din ako kayaman para mapansin nila." Ani ni Rico.

"Psh, mabuti na lang pala mahirap ako." Sagot ko sabay lakad papuntang klase. 

Ayaw ko sa lahat ay ang napapansin ng mga tao dahil mas gugustuhin ko pang maging isang tahimik na tao sa gilid ng walang pinapakailaman. Gusto kong makapagtapos ng Senior High at makahanap ng disenteng trabaho habang nasa kolehiyo.

His Possessive GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon