Kiro's POV
GUSTO KONG sumabog sa inis ng marinig ang orasan sa sidetable ko na nagwawala sa lakas. Pinatay ko na lamang ito kahit pa nakapikit ang aking mga mata at tumayo mula sa pagkakahiga. Pakiramdam ko ay gusto ko pang mahiga na lang buong araw dahil linggo naman at wala sila papa. Speaking off papa, nakaalis na sila kaninang madaling araw at hinatid ko sila sa station ng bus kaya pakiramdam ko ngayon ay kulang pa ang tulog ko ng dahil sa puyat.
Napaunat na lamang ako at nagsimula ng maghilamos. Hindi ko maiwasan ang magtatatalon sa tuwa dahil magagawa ko na ang mga gusto ko na walang pupuna sa mga kasiyahan ko. Napakanta na lang ako sa saya habang sinasabayan ng sayaw ngunit napawi ang lahat ng may tao ang lumabas mula sa cr habang nakatapis ang tuwalya sa bewang nito. Dahan-dahang pumapatak ang tubig paibaba sa katawan nito. Unti-unting napahinto ako sa pagkanta ng makita ang taong kinaayawan ko na nilikha sa mundo.
"Malcolm?!" Sigaw ko sa gulat at napakusot sa mata dahil baka nanaginip lamang ako o di kaya'y binabangungot pero mukhang totoo ang lahat. Napatitig ito paibaba sa boxer ko at alam ko na kung ano ang tinitigan niya kaya mabilis kong tinakpan ang umbok ko gamit ang tuwalya. "Bakit nandito ka?! Wala ka bang bahay?!" Hindi ko na talaga maiwasan ang mainis sa lalaking 'to. Naghihirap na ba siya kaya kung pumunta dito sa bahay akala mo ay welcome siya. Napangisi naman ito at naglakad papasok sa isang kwarto habang malawak ang ngiti.
Napapasipa na lang ako sa hangin dahil sa inis na nararamdaman. Mukhang tinotoo ni papa ang sinabi niya, kainis!
Ng marealize ko ang suot ko ay nagmadali akong bumalik sa kwarto ko at nagpalit ng short. Naaalala ko na naman ang mga titig niya kanina sa umbok ko at para bang may kiliti akong naramdaman. Seryoso?! Kiliti talaga?
Napamura na lang ako sa utak ko at binuksan ang pinto kasabay rin ng paglabas ni Malcolm ng kwarto na nakasuot ng pambahay. Napapikit ako ng mariin at matalas na tinitigan diretso sa mata si Malcolm.
"Alam kong napilitan ka lang dahil sa gusto ni papa pero hindi ko naman sasabihin na umalis ka ng bahay kaya pwede ka ng umalis." Itutulak ko na sana siya ng umatras siya kaya ang naging ending ay nahawakan ko ang dibdib niya. Namilog ang mata ko ng maramdaman ko ang dibdib nito na may hulma at mababakas doon na mahilig siyang mag gym. Mahigit ilang minuto rin bago ako umatras at sinaman siya ng tingin.
"Hindi ako aalis." Madiin niyang sabi habang walang emosyon na nakatingin. Naglakad na siya papuntang kusina at nagsuot ng apron.
"Ako na ang magluluto!" Pigil ko dahil wala akong tiwala na marunong siyang magluto. Nagdikit naman ang dalawang kilay nito at tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa apron. Napansin kong may dinukot siya sa kaniyang bulsa at pinakita ito. Nabasa kong number iyon ni papa. "A--anong gagawin mo?"
"I'll call your dad and tell him that you're not listening to me." Sabay ngisi nito na may pagbabanta.
"Binabantaan mo ba ako?"
"No, I just want to remind you that I'm the boss here." Sambit niya at pinakita sa akin ang text ni papa na binigyan siya ng permiso na mamuno sa bahay. Nalaglag panga na lang ako ng mabasa ang mga iyon dahil kanina ko pa gustong sumabog sa inis. Sino ba talaga ang anak niya sa aming dalawa?
Mabigat ang bawat hakbang ko na bumalik ng kwarto at malakas na sinarado. Nagbihis na ako at mabilis na kinontact si papa pero out of coverage ang cellphone nito. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa harap ng salamin. Ito ba ang ginaganti niya sa'kin? Napakuyom ako sa inis dahil hindi ako papayag na matalo na lamang ako ng isang katulad niya. Unti-unting kumawala ang ngiti sa labi ko dahil sa naiisip. Tinext ko si Rico para sabihin na nandito si Malcolm at gusto ko na ipaalam niya sa buong gc niya na nandito ang sikat na hari ng pugo.

BINABASA MO ANG
His Possessive Games
RomanceIt all began with Malcolm's rules, rules that nobody ever wanted to be a part of. All Kiro desires is a peaceful life and to complete his studies in senior high, until he breaks those rules that completely turn his life upside down. Thanks to Malcol...