KIRO
TEKA NGA. Bakit ako matatakot sa kaniya? Wala naman akong ginagawang masama. Tama hindi ka dapat magpaapekto sa kaniya Kiro. Bulong ko sa sarili at nilalakasan ang loob kahit pa ramdam ko ang pagbagsak ng pawis sa aking noo. Napaatras ako ng biglang pinunasan ni Carson ang pawis na tumulo sa aking noo gamit ang panyo nito.
"Ayos ka lang ba, Kiro? Pinagpapawisan ka." Mabilis kong natabig ang kamay nito dahil sa gulat.
"A--ayos lang ako." Sabay ngiti ko sa kaniya. Napatango naman siya hanggang sa napansin ko na lang na nasa gilid na namin si Malcolm habang malamig ang tingin sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mata dahil sa paraan ng titig niya.
Napansin ko na lang na sinasabi na ni Carson ang order pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Malcolm. Maraming mga tao ang napapatingin sa pwesto namin dahil sa galaw ni Malcolm na sigurong pinagtatakha nila. Napaiwas na lamang ako ng tingin hanggang sa umalis na si Malcolm ng makuha ang order ni Carson. Totoo nga ang balita sa Hustone. Nagtatrabaho si Malcolm dito sa cafeteria pero bakit? Ang yaman na kaya niya.
"Kiro." Tawag ni Carson dahilan para matauhan ako.
"Hm?"
"Gusto sana kitang yayain manuod ng cine this weekends--" hindi na natuloy nito ang kaniyang sasabihin ng malakas na nilapag ni Malcolm ang order sa lamesa.
"Here's your order." Malamig na saad nito habang ang sama ng tingin kay Carson na kulang na lang ay may laser ang lumabas sa kaniyang mata. Pansin ko ang pagtatakha sa mukha ni Carson dahil sa pakikitungo sa kaniya ni Malcolm. Napakagat ako sa ibabang labi ng dumapo ang tingin sa akin ni Malcolm. "We need to talk."
Dali-dali niyang tinanggal ang apron at nilapag sa lamesa. Hinatak nito ang aking kamay paalis pero may kamay ang pumigil sa kaniya. Napatitig na lang ako sa kanilang dalawa na nagpapalitan ng masamang tingin habang hawak ang kamay ko. Aish! Hindi ba sila nahihiya?! Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Malakas kong tinanggal ang kamay ni Malcolm sa akin kasabay ng pagtanggal din sa kamay ni Carson. Mabilis kong kinuha sa upuan ang bag at sinukbit ito sa akin. Hinawakan ko sa kamay si Malcolm.
"Sorry Carson sa susunod na lang tayo muli mag-usap. Salamat ulit." Sambiit ko sa kaniya at hinatak na palabas si Malcolm. Pansin kong hindi siya pumapalag habang hatak ko ang kamay niya. Ilang minuto rin bago kami nakarating sa likuran ng Hustone. May mga dumaraang estudyante ang napapatingin sa aming dalawa at bakas sa mukha nila ang gulat.
Ng mapansin kong wala ng tao sa paligid ay nanlilisik na matang hinarap ko si Malcolm.
"Ano na naman ba'ng tumatakbo diyan sa utak mo?! Kapag nalaman nila na may koneksiyon tayong dalawa ay siguradong katapusan ko na!" Singhal ko dito. Napangisi naman siya kaya mas lalo lang uminit ang ulo ko.
"I don't care about them!" Nakita ko kung paano magdilim ang mga tingin nito sa akin.
"Ano?! Naririnig mo ba mga sinasabi mo? Pareho tayong lalaki Malcolm at alam mo na dapat mong pigilan iyang nararamdaman mo." Napapikit ako ng mariin at napahilot sa sentido.
"I like you Kiro and why don't you believe at me?"
"Huwag mong lokohin ang sarili mo Malcolm," sagot ko dito at napatalikod. "Hindi purkit may nararamdaman ka na sa akin ay ibig sabihin niyon na gusto mo na ako. Kaya ka nakakaramdam ng ganiyan ay dahil gusto mo lang pagtripan ang buhay ko." Nagsimula na akong maglakad papalayo ngunit napahinto ako ng biglang may yumakap mula sa aking likod. Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ang paglapat ng ulo ni Malcolm sa aking balikat pero ang mas kinagulat ko ay ang maramdamang may luha ang pumapatak.
"Malcolm..." mahinang bulong ko pero pakiramdam ko ay kumalma na ako at ang galit na nararamdaman ko kanina ay naglaho.
"Please don't leave me." Mahinang bulong nito kahit pa garalgal na ang boses niya. Gusto ko siyang itulak papalayo para matauhan pero may pumipigil sa akin na hayaan siyang sumandal. Naramdaman ko na lang ang unti-unting pagbitaw niya mula sa pagkakayakap at hinawakan ang dalawang balikat ko kasabay ng pagharap sa kaniya. "I'm sorry." Saad nito at naglakad na papalayo.

BINABASA MO ANG
His Possessive Games
RomanceIt all began with Malcolm's rules, rules that nobody ever wanted to be a part of. All Kiro desires is a peaceful life and to complete his studies in senior high, until he breaks those rules that completely turn his life upside down. Thanks to Malcol...