Chapter 23

771 26 1
                                    

KIRO

ILANG MINUTO na akong naghihintay kay Malcolm na nasa itaas ng kwarto. 

"Malcolm tara na baka mahuli pa tayo!" sigaw ko hanggang sa bumaba na siya nang hagdan. 

"Sorry," aniya habang nakangiti. Nanliit ang mata ko nang makita ang suot niya ngayon na isang blue polo habang ang dalawang butones ay nakabukas, kahit ang buhok nito ay naka-wax pa. 

"Bakit ganyan ang suot mo? Susunduin lang naman natin si papa sa istasyon ng bus," bagot kong sabi. Umakbay ito sa aking balikat dahilan para kumapit sa ilong ko ang pabango nito.

"Kiro, I'm your boyfriend and, I want to impress tito Karl too." Hindi ko alam kung kikiligin ako sa sinabi niya dahil pakiramdam ko ay agaw atensyon lang siya sa istasyon ng bus at pagkaguluhan. "Please mahal, gusto ko lang makita ako ng papa mo na seryoso akong maging boyfriend mo," pagpupumilit nito kasabay ng paghalik ng mabilis sa labi ko.

"Oo na tsaka baka kanina pa naghihintay sila papa sa istasyon ng bus, tara na," kasabay nang paghatak sa kanya papunta sa kotse. 

Kahit sa paglabas nang bahay ay hindi kami makatakas sa tingin ng tao sa paligid lalo na ng mga kapitbahay namin na ngayon ay pinagpapantasyahan na ang boyfriend ko. Alam ko ang mga tumatakbo sa isipan nila dahil sa paraan pa lang ng titig nila.   

Nang akmang ikakabit ko na ang seatbelt ay inunahan na ako ni Malcolm at siya ang nagkabit ng seatbelt sa akin. Nagpasalamat ako na kinatango niya at sinimulang magmaneho. Habang kausap ko si papa sa cellphone ay laging sumasali si Malcolm kaya natatawa na lang si papa sa kabilang linya. 

Pagkarating sa istasyon ng bus ay naabutan ko si papa at lola na kumakaway kaya lumapit na kami ni Malcolm.

"Ako na po riyan," pang-aalok ni Malcolm at binuhat ang mga bagaheng dala ni papa. 

"Salamat hijo, teka bakit ang porma mo ata ngayon." Bakas sa mukha ni papa ang tuwa na tila ngayon lang nakita si Malcolm na nag-ayos pa kahit na susunduin lang silang dalawa ni lola.

"Actually tito boyfriend ko na po ang anak niyo," walang prenong sabi ni Malcolm na kinagulat ko. Nabagsak ni papa ang mga gamit pero si lola ay nakangiti lang nang malapad at mabilis na niyakap si Malcolm.

"Sabi ko na, mukhang maganda rin pala ang naging desisyon namin nang papa mo na umalis para hayaan kayong dalawa na magkasama." Nang marealize ni lola ang nasabi niya ay kaagad hinatak ni papa si lola palayo kay Malcolm at hinatid ito papasok sa loob ng kotse. 

"Hali na kayo dahil kanina pa nagugutom ang lola mo." Saad ni papa habang nakaupo na sa likod. 

Ibig sabihin sinadya talaga nilang umalis para makasama ko si Malcolm? 

"Papa naman! Alam niyo ba kung gaano kasakit sa ulot niyang Malcolm na 'yan?" Pagmamaktol ko dahilan para matawa si Malcolm. Totoo naman talaga lalo na iyon nawala lang ako saglit ay nasa news na ako. Sinong matino ba ang gagawa niyon? 

"Hayaan mo na atleast may gwapo kang boyfriend," tugon ni Malcolm kasabay nang pagkindat. Napangisi naman ako at niyaya na siyang umalis dahil nagsasayang lang ako ng laway.

 Tahimik na nakaupo lang ako sa tabi ng driverseats habang si Malcolm at paligaw-ligaw ng tingin sa akin.

"Kiro anak ang gusto lang namin ng lola mo ay magsaya ka, iyong hindi mo iniisip ang problema." Paliwanag ni papa.

"Tama siya apo lalo na lagi na lang kami ang inaalala mo," sabay naman ni lola. Napabuntonghininga na lamang ako. Hindi ko naman sila masisisi dahil ginawa lang pala nila iyon para magsaya ako kahit na medyo magulo noong una na nakasama ko sa iisang bubong ang hari ng pugong ito.

His Possessive GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon