Chapter 21

717 33 5
                                        

KIRO

NAKATITIG LANG ako kay Kimberly na ngayon ay masayang kasama si Oliver. Marami ang nagulat dahil sa bilis ng pangyayari at magkasintahan na ngayon silang dalawa. Nalaman ko kay Malcolm na matagal na palang may pagtingin si Oliver kay Kimberly simula ng sila pa. Hindi kaya ang awkward niyon? Na may lihim pa lang pagtingin ang kaibigan mo sa girlfriend mo? 

"But for you is different," nagdikit ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. "I will not let anyone fall for you even my friends." Napatigil ako sa pag-iihaw ng marinig ang mga sinabi ni Malcolm. Bigla akong napalunok ng maalala ang pag-amin ni Edmon sa akin. Paano kapag nalaman ni Malcolm ang bagay na 'yon? Pakiramdam ko ay masamang makita na masira ang pagkakaibigan nilang dalawa ng dahil lang sa akin. Mabuting tao si Edmon kaya hindi dapat isisi sa kanya na nagkagusto siya sa'kin. Bakit ba kasi sa akin pa nagkagusto si Edmon? Siguro bago matapos din ang camping na ito ay masabi ko kay Edmon ang lahat. Ayaw kong masira kung ano man ang mayroon na kami ngayon ni Malcolm even his trust.

"Hey are you with me?" iritableng tanong ni Malcolm kaya kaagad akong tumango. Tinignan ni Malcolm kung sino ang tinititigan ko. "Are you looking to that nerd?" okay jealous alert. Pinalo ko ang kamay nito na nakaturo pa kay Timothy. 

"Hindi siya tinitignan ko, I'm just looking at you." nagulat siya at namula ang tenga dahil sa sinabi ko. Napangiti ako at pininch ang ulong niya. "You're cute too when you're blushing not because of me," kasabay ng pagkindat ko. 

"You win." Mabilis ako nitong hinalikan sa labi. Sinaaman ko siya ng tingin dahil sa bigla nitong paghalik sa akin.

"Unfair! You can kiss me anytime but me--" bigla niyang tinakpan ang bibig ko at ngumiti.

"Ang dami mo pang sinasabi, sa'yo ako kaya kahit ano pwede mong gawin," tinanggal ko ang kamay niya na nakadikit sa labi ko ay mabilis siyang hinalikan at kinagat ang ibabang labi.

"Okay," sabay ngiti ko ng malapad. Ilang minuto rin kaming nag-ihaw hanggang sa dumating si Kimberly at nilapitan si Malcolm.

"Can I talk to you?" tanong niya. Napatingin pa sa akin si Malcolm na tila ba humihingi ng permiso kaya kaagad akong tumango. Lumayo silang dalawa para mag-usap pero nakatitig lamang ako sa kanilang dalawa.

"Masusunog na ang barbeque," anang ng isang boses sa likod ko kaya kaagad kong tinanggal ang barbeque dahilan para mapaso ako. Napamura ako sa sakit pero nagulat ako ng biglang hinawakan ni Edmon ang kamay ko at sinubo. Nagulat ako sa ginawa niya pero kaagad ko ding tinanggal. 

"S--salamat," nauutal kong sabi at nagpatuloy na sa ginagawa. Tinulungan na lang ako ni Edmon na mag-ihaw hanggang sa bumalik na si Malcolm at nagulat pa dahil nandito si Edmon. Hindi naman siya nagtanong pa at hinayaan itong tumulong.

"Ano nga pala ang pinag-usapan niyong dalawa?" tanong ko sa kanya. 

"Nothing," ngiting sagot nito at napatango naman ako. Nang matapos na kaming mag-ihaw ay nagsabay-sabay na kaming kumain habang nagsasaya. Tumayo mula sa pagkakaupo si Malcolm dahilan para makunot ang noo ko. Nilahad nito ang kanyang kamay kaya kaagad ko iyong tinanggap at naglakad kami papasok sa loob ng kagubatan.

"Teka, saan mo ba ako dadalhin?" natatawa kong tanong dahil mahigit ilang minuto na kaming naglalakad. 

"Just wait," sabay kindat nito. Hindi na ako umangal pa at hinayaan siyang hatakin ang kamay. Bigla akong napahinto ng makita ang isang bonfire at lamesa na may nakahaing pagkain. "You like it?" dahan-dahan akong napalapit at tumango. 

"I love it," sabay lapit ko sa mga pagkain at tinikman. Napa-thumbs-up pa ako kay Malcolm dahil sa sarap ng pagkain kaya umupo na kaming dalawa. Inabot nito sa akin ang isang boquet ng bulaklak. Napatulala pa ako ng ilang segundo bago tinanggap ang bulaklak habang napapakamot sa batok.

His Possessive GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon