Kiro's POV
ISANG LINGGO na ang nakakalipas simula nang magperform kami ni Malcolm sa klase. Akala ko ay matatapos na ang away na namamagitan sa aming dalawa-- Akala ko lang pala. Gusto kong sumabog sa inis dahil sa pinaggagawa niya sa akin pati ng mga fans niya na walang ginawa kung hindi guluhin ang tahimik kong buhay. Minsan nagmakaawa ako kay Papa na lumipat ng ibang school pero ang resulta ay pinapagalitan lang ako nito. Tinatanong niya kung bakit ko gustong lumipat ng school ngunit wala akong naisasagot na rason.
Alas singko ng madaling araw ay nagising ako kaya naisipan kong magjogging muna dahil parang ito ang pinakamasayang araw para mag exercise. Tahimik na buhay, walang asungot na lalabas, at sisirain ang masayang araw mo. Yes! Makakapagpahinga rin ako sa magulong mundo kahit ngayong weekend lang. Naisipan kong tawagan si Rico para anyayahan mag jogging pero mukhang tulog pa ata ang loko kaya ako na lang ang nag jogging mag-isa ngayong araw. Nagsuot na lamang ako ng jacket na tinernuhan ng sweatpants.
Pagkalabas ko ng bahay ay nagsimula na akong magwarm-up bago tuluyan nang nag jogging. May mga nakakasabayan din akong ibang tao at para bang payapa ang mga ito. Hindi ko maiwasan mapangiti dahil pakiramdam ko ay pumayapa ang buhay ko kahit papaano. Habang abala ako sa pagtakbo ay napansin kong tumunog ang cellphone ko at napansin kong nagtext sa akin si Rico. Sinabi nito na nasa bahay siya kumakain ng agahan dahil inanyayahan siya ni papa. Hindi na lamang ako nag-abalang magreply at nagpatuloy lang sa pagtakbo pero unti-unting bumagal ang aking pagtakbo ng namataan ko ang isang bagyo na paparating sa pwesto ko.
Nakablack sando ito na tinernuhan ng jogger pants kaya mabilis akong tumalikod at tumakbo papunta sa ibang direksyon. Kung minamalas nga naman oh! Akala ko tatahimik na ang araw ko pero nandito na naman ang asungot na hari ng mga pugo.
Napansin kong may sumasabay sa pagtakbo ko kaya ng titigan ko iyon ay mabilis na kumulo ang dugo ko. Napahinto ako sa pagtakbo at napansin kong huminto rin ito habang nakapamewang.
"Nandito ka na naman ba para pagtripan ako?" Inis kong tanong sa kanya at tumaas naman ang kilay nito.
"What?" Sagot niya at natawa ng sarcastic. Napakuyom na lamang ako para pigilan ang inis na nararamdaman. "Stop dreaming, idiot! I'm here because someone invited me," aniya kasabay ng pagngisi. Napadiretso ako ng tayo at inayos ang buhok.
"Mabuti ng malinaw," bulong ko ngunit alam kong narinig niya iyon.
Nagpatuloy na muli ako sa paglalakad at nilagpasan siya. Himala dahil walang asungot na pugo ang gugulo sa araw ko. Napailing na lang ako para kalimutan na ang Malcolm na 'yon.
Ng mapagod na ako sa pagtakbo ay naupo ako sa isang bench at ininom ang bottled of water na dala ko. Tagaktak ang pawis ko sa aking katawan at mukhang kailangan ko na ring umuwi dahil alas sais na ng umaga at siguradong nakapaghanda na si papa ng almusal.
Nagsimula na muli akong tumakbo pauwi sa bahay pero ng nasa pinto pa lang ako ay napansin ko si Rico na papalayo galing sa bahay kaya tinawag ko ito.
"Rico!" napaikot naman siya ng tingin at mabilis na lumapit sa akin. "Akala ko ba mag-aalmusal ka sa bahay?" kunot noong tanong ko at bigla naman siyang napanguso.
"Pinaalis ako ni tito sa bahay dahil may bisita raw siya at mukhang kailangan mo ring makita ang bisita niya," busangot nitong sagot dahilan para makunot ang noo ko.
"Hah? May bisita si papa?" Tumango naman siya kaya mabilis akong naglakad papasok sa loob habang nakasunod lang sa likod ko si Rico. "'Papa nandito na po ako!" Sigaw ko at hinubad ang sapatos sa harapan ng pinto.
"Nakauwi ka na pala Kiro teka bakit nandito ka pa rin Rico?" Tanong ni papa at nagtago naman si Rico sa likuran ko.
"Inanyayahan ko po siyang mag-umagahan dito sa bahay," pagsisinungaling ko. "At sinabi sa akin ni Rico na may bisita tayo, sino'ng bisita natin?" tanong ko.

BINABASA MO ANG
His Possessive Games
RomanceIt all began with Malcolm's rules, rules that nobody ever wanted to be a part of. All Kiro desires is a peaceful life and to complete his studies in senior high, until he breaks those rules that completely turn his life upside down. Thanks to Malcol...