Chapter 15

1K 50 5
                                    

KIRO

KANINA PA ako pabalik-balik nang lakad sa harap ng pinto ni Malcolm at naghahanap ng sasabihin tungkol kay Edmon. Pero sa tuwing nakakaisip ako ay biglang pumapasok sa isipan ko ang magiging resulta niyon at siguradong hindi magiging maganda 'yon. Magkakalamat ang pagkakaibigan nila ng dahil lang sa isang problema. Napamura na lang ako at napagdesisyunan na pumasok ng kwarto pero napahinto ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ni Malcolm.

"Kiro? Kanina ka pa nandiyan may kailangan ka ba?" Napatayo ako ng diresto at ngumiti na parang ewan.

"W--wala." Papasok na sana ako sa loob ng kwarto ng bigla niyang hinatak ang kamay ko at may kung anong bagay siyang nilagay sa kamay ko. Isang bracelet na may nakaukit na pangalan niya. Napakunot ang aking noo hababg tinititigan ang bracelet. "P--para s--saan ito?" 

"You're special to me, Kiro." Aniya habang masaya ang mga mata. Napaangat ako ng tingin sa kaniya at ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Pinilit kong hindi ipakita sa kaniya ang tensiyon na nararamdaman ko.

"A--ano ba ang pinagsasabi mo?" Unti-unting tumikom ang aking bibig ko ng ilahad niya sa harapan ko ang isa pang bracelet na may pangalan ko.

"I bought this too for me." 'di ko na mapigilan pa ang mapangiti. "Did you like it?" Nakangiting saad nito at siguradong napansin din niya ang pagngiti ko. Dali-dali akong nagseryoso.

"Bahala ka sa buhay mo." Sagot ko at pumasok na sa loob ng kwarto. Pagkasara ko pa lang ng pinto ay parang may fireworks na ang sumabog sa aking tiyan sa sobrang tuwa. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko noon pero ngayon ay kakaiba na ang epekto ni Malcolm sa akin. He care always about me kahit na pinagtatabuyan ko siya. Ng makita kong muli ang bracelet na ibinigay ni Malcolm ay kusang nagkorte ng ngiti ang aking labi. 

"Psh! Childish." Naiiling kong saad at humiga na sa aking kama para maghanda sa pagtulog. 

Kinaumagahan ay nauna na akong pumasok kay Malcolm dahil pakiramdam ko ay hindi ko siya kayang harapin. Ewan ko ba kung bakit naiilang akong makita siya at makasabay. Habang nasa bus ay hindi ko maiwasan mapatitig sa bracelet na binigay nito kagabi sa akin. Dahil lang sa bracelet na 'to ay anong oras na ako nakatulog.

Pagkarating ng school ay kaagad akong dumiretso ng faculty para kausapin si sir na hindi ako makakasama sa camping. Noong mga araw na hindi ako nakapasok dahil hinanap ko si Malcolm ay nagkaroon pala ng announcement tungkol sa camping at nasabi lang sa akin ni Rico iyon kagabi dahil this weekends na ang alis. Alam di naman ni Rico na hindi ako mahilig sumama sa mga ganitong bagay dahil aksayado lang sa pera. Pinilit pa ako ni Rico na siya ang magbabayad pero tumanggi na ako.

"Sigurado ka na bang hindi ka makakasama?" Bakas sa mukha ni sir ang pag-aalinlangan dahil siguro ay alam niya rin ang dahilan ko. Nakangiting tumango naman ako at inabot sa kaniya ang papel ng letter kung bakit ako hindi makakasama. 

"Sorry sir."

"Alam mo naman na minsan lang mangyari ang mga ganitong bagay kaya kung magbabago ang isip mo ay nandito lang ako." Napayuko naman ako bilang pasasalamat.

"Salamat sir." 

Ng matapos na akong makipag-usap kay sir ay sakto namang pagtunog ng bell na hudyat na start na ang klase. Naglakad na ako pabalik sa classroom pero napahinto ako ng may mapansin na tao ang papunta sa pwesto ko habang tagaktak ang pawis sa noo nito.

"Bakit hindi mo ako hinintay?" Hinihingal na saad nito habang nakataas ang dalawang kilay. Napangisi naman ako at pinitik ang noo niya. "Ouch! Why did you do that?!" 

"Para magising ka baka tulog ka pa eh." Sabay ngiti ko at inunahan na siyang maglakad. Marami ang napapatingin sa aming dalawa at tila kinikilig pero may iba ring nagtatakha sa kinikilos naming dalawa ni Malcolm. Kulang na lang ay bumulagta ako sa mga titig nila.

His Possessive GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon