Chapter 17

1K 56 9
                                    

KIRO

BAKAS SA mga mukha ng lahat ng estudyante sa Hustone Unversity ang saya dahil sa ganda ng tanawin ng dagat na kulay asul kahit pa ang sinasakyan naming yate ay nagliliwanag ang puti nitong pintura.

"Omygosh! Look may Dolphin!" Sigaw ng isang estudyante sa kabilang section kaya napatingin naman ang lahat sa dagat. Napakaraming mga dolphin ang sumasabay sa paggalaw ng yate kaya hindi namin maiwasan ang mapahanga. 

"Sobrang ganda!" Saad pa ng isa na sinang-ayunan naman ng lahat hanggang sa dumating na ang tour guide at sinabi nitong nakahanda na ang tanghalian namin sa loob kaya sumunod kami.

"Grabe Malcolm nag-arkila ka pa talaga ng yate para lang dito-- ouch!" Napatingin ako ng marinig ang sinabi ni Vincent. "I'm just kidding." Ngiting sagot kaagad nito. Inakbayan ako ni Malcolm at hinatak papasok sa loob.

"Don't mind him." Ngising sambit nito kaya hindi na lang ako sumagot pa. Napansin kong may pwesto pa na walang nakaupo kaya doon kami pumwesto lahat at sakto naman sa amin.

"Grabe ang sasarap ng pagkain natin dito! Sulit na sulit ang bayad!" Sigaw ni Rico sa saya.

"Maghinay-hinay ka nga sa pagkain." Pigil ni Yumiko dito. Napatingin ako sa katabi ko na ngayon ay nakatitig lang sa akin. Kanina pa siya ganyan simula sa flight hanggang ngayon tapos kapag tinatanong ko naman siya kung bakit at sinasabi niya lang na 'nothing' kung hindi rin lutang. 

"Pwede bang huwag mo akong titigan ng ganyan." Pagmamaktol ko dahil ako ang nahihiya at nakatingin na sa amin ang buong estudyante. May kumakalat na tsimis ngayon at sinasabing kami na ni Malcolm kaya kung kumilos si Malcolm ay protective. 

"Hindi ko lang mapigilang titigan ka because I miss you." Naghiyawan ang lahat dahil sa binanat ni Malcolm. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Tumigil ka na sa mga banat mo dahil nakakahiya na at sa atin sila nakatingin." Walang gana kong sagot at kumain pero kukuhanin ko pa lang ang hiwa ng manok ng makita kong may tumusok na iba doon. Napaangat ako ng tingin at nadapo ang mata ko kay Edmon na walang emosyong nakatingin sa akin. Kaagad akong umiwas dahil nakaramdam ako ng awkward sa paligid. Hindi niya ako pinapansin simula sa biyahe kaya napapaisip ako kung may nagawa akong mali o nasabi sa kanya pero ng marealize kong gusto niya ako ay doon ko lang napagtanto kung bakit niya ako iniiwasan kaya wala na akong nagawa pa kung hindi ang hayaan siya. Pero may time na nakokonsensya ako dahil tinulungan niya ako noong nakaraang araw kaya hindi ko matiis na huwag siyang pansinin. 

Ng matapos na ang tanghalian ay pumunta na ang lahat sa kani-kanilang kwarto dahil mamayang madaling araw pa ang dating namin sa Isla. Ng mag-alas singko na ng hapon ay naisipan kong tumambay sa labas at tinitigan ang asul na dagat. Ramdam ko ang hangin sa paligid hanggang sa pinikit ko ang aking mata at pinakiramdaman iyon. Kahit papaano ay tila nakaramdam ako ng kapayapaan at tahimik na paligid ngunit naudlot iyon nay may mapansin akong nakatayo sa gilid ko.

"Hey." Bati niya habang nakangiti. Ito na ang tamang oras para sabihin sa kanya ang lahat dahil siguradong mamaya ay hindi na naman niya ako papansinin. Ayaw ko ng patagalin pa ang lahat dahil alam kong aasa lang siya sa wala at iyon ang ayaw kong mangyari. Naging kaibigan na ang turing ko sa kanya kaya natatakot akong mawala iyon kapang sinabi ko ng hindi ko siya gusto. 

"Edmon--" 

"I know what you want to say and it's okay for me so don't be sorry." Aniya at tumingin na rin sa dagat. Nagulat ako dahil siguro'y nababasa na niya sa mga mata ko kung ano ang sasabihin ko. "It's my fault too so don't mind me."

"Thank you, alam kong ilang beses ko ng nasabi sa'yo ito pero salamat. Salamat sa ginawa mo pero ayaw kong--"

"Stop." Putol niya at tumingin na sa akin ng diretso pero may ngiti pa rin sa labi. Napakagat ako sa ibabang labi dahil bakas sa mga mata niya ang lungkot kahit pa nakangiti ang labi nito. "Please not now Kiro." Pagsusumamo niya. 

His Possessive GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon