KIRO
"AYOS KA lang ba Kiro?" natauhan ako ng marinig ang boses ni Rico ng tawagin ako nito. Napayuko na lang ako sa lamesa dahil sa frustration na nararamdaman at inumpog ang ulo. Dahil sa Malcolm na 'yon, hindi ako nakatulog na maayos!
"Ano ba'ng nagawa ko para parusahan ako ng ganito." Tinap na lang ni Rico ang balikat ko kasabay ng mahinang pagtawa kaya sinamaan ko ito ng tingin. Kung hindi ko lang siya kaibigan ay baka nasapak ko na ang mukha niya. Naikuwento ko kasi sa kaniya ang nangyari kagabi kaya ayan. Patuloy siya sa panunukso sa akin. Napaikot ako ng tingin dahil ngayon ko lang napansin na wala si Yumiko. "Nasaan si Yumiko?" Napahimas naman sa baba si Rico kasabay ng pagsagot.
"Sa pagkakaalam ko ay nagpaalam siya sa akin kahapon na hindi siya papasok ngayong araw dahil kamatayan ng lolo nila." Napatang-tango naman ako. Nandito kami ngayon ni Rico sa tambayan dahil hindi ko kayang harapin ang pugong 'yon. "Alam mo para sa'kin ayos lang ang ginawa ni Malcolm atleast may tumayo." Halos maglumapasay ito sa kakatawa habang nakahawak sa tiyan.
"G*go!" Malutong na murang sigaw ko sa kaniya.
"Teka si Malcolm ba 'yon?" Sabay turo ni Rico sa likuran ko at pinaningkitan ko naman siya ng mata.
"Pinagloloko mo na naman ba ako Rico?" Kaunti na lang talaga at masasaktan na siya sa'kin.
"Totoo nga! Mukhang may hinahanap siya-- oopss! Mukhang ikaw ang hinahanap." Ngiting aniya dahilan para mapaikot ako ng tingin mula sa aking likuran at nanlaki ang mata ko ng makita si Malcolm na naglalakad papunta sa pwesto namin ni Rico habang nakabrush up ang buhok. Natatarantang nagtago ako sa ilalim ng lamesa at napamura sa inis.
Bakit na naman niya ako hinahanap? Nakakat*ng'na lang talaga!
Narinig ko ang mga tilian ng babae sa paligid at unti-unting papalapit ang sigaw na iyon dito. Sh*t! Nakita niya ba talaga ako?
Mabilis ang tibok ng puso ko ng makita ang sapatos ni Malcolm kasama ang lima niyang mga alagang pugo. Napakuyom ako dahil kapag sinabi ni Rico kung nasaan ako ay malilintikan sa aking ang isang iyon--
"Don't even try to run." Bumungad sa akin ang mukha ni Malcolm na nakangiti ng malapad. Napasapo na lang ako sa noo at hinatak niya ang kamay ko paalis sa ilalim ng lamesa. Napakamot naman sa batok si Rico ng titigan ko siya.
Rico!!
"Baka papatayin niya ako kapag hindi ko sinabi kung nasaan ka." Paliwanag niya. Maraming mga babae ang napatingin sa aming dalawa habang hatak-hatak niya ang kamay ko papasok sa loob ng cafeteria. May mga kumukuha ng litrato naming dalawa na animo'y isa kaming artista.
"Ano na naman bang tumatakbo diyan sa kokote mo?!" Inis na bulong ko sa kaniya. Nagtaas-baba ng balikat lamang ito. Sapilitan ako nitong inupo sa upuan habang siya naman ay umupo sa harapan ko.
"Omo are they dating?!"
"Wah! Ang sweet nilang dalawa!"
"Totoo nga ang chismiss?!" Bulong-bulungan sa paligid dahilan para mapalunok ako sa kaba.
Tinitigan ko mula sa malayo si Rico para humingi ng tulong pero tanging ngiti lang ang sinagot niya. Siguradong wala rin siyang magagawa lalo na't napapalibot siya ng mga tropa ni Malcolm. Wala na akong ibang naiisip na solution para makaalis dito. Napatayo ako mula sa pagkakaupo.
"Kailangan kong--"
"Sit down." Utos nito. Napatingin ako sa paligid at bakas sa mga mukha nila na tila ba ay may gustong malaman. Puno na ng pagtatakha ang mga ito kaya dahan-dahan na akong napaupo. Unti-unting dumating ang mga tropa ni Malcolm at may dalang pagkain.

BINABASA MO ANG
His Possessive Games
RomanceIt all began with Malcolm's rules, rules that nobody ever wanted to be a part of. All Kiro desires is a peaceful life and to complete his studies in senior high, until he breaks those rules that completely turn his life upside down. Thanks to Malcol...